Part 11

1859 Words

ALAS SAIS ng hapon ang oras ng labas ni Honey. Pero alas kuwatro pa lang ay aligaga na siya at anhin na lang ay hilahin ang oras. Nakailang sulyap na rin siya sa maliit na salamin sa mesa niya. Bahagyang kintab sa noo at ilong niya ay nire-retouch niya. “Mukhang malupit ang date natin ngayon, ah?” tudyo sa kanya ng kaopisinang si Grace. “Anong oras ka ba susunduin ni Prince Charming?” “Mamaya pang uwian,” matamis ang ngiting sagot niya. “Blooming na blooming ka, Honey. Siguro ay ikakasal ka na rin. Hindi ba’t nasalo mo ang bouquet ni Ma’am Eula nung kasal niya?” “Pag ba nakasalo ng bouquet ay ikakasal na?” pakipot na sagot niya. “Hindi naman. Pero malay ko ba kung magkatotoo sa iyo? Iba iyang dating ng mga ningning ng mata mo e. Ikaw iyong itsura ng taong walang pagsidlan ng tuwa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD