Chapter Four : Akala
________________________________________
SANDALING ipinikit ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Nana Emma pagkamulat ko. Lumapit ito sa kinaroroonan ko.
"Jusko, hija, pinag-alala mo ako ng husto! Mabuti nalang at dumaan si Tonyo kanina sa bahay at naisugod kita rito sa hospital! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina nang maabutan kita sa kwarto mo na halos hindi na makahinga," she said in horror while remembering what happened a while ago.
Marahang ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya. Kahit na nanghihina pa ako ngayon ay pinilit ko paring magsalita.
"Hindi ko naman po kasi alam na wala na po pala akong natitirang gamot sa kwarto para po sa allergy, Nana Emma. Sorry po," paghihingi ko nang paumanhin sa nagawa ko.
"Kahit na! Sana ay nagsabi ka manlang. Hindi 'yong nagkulong kalang sa loob nang kwarto mo nang halos kalahating oras kahit alam mo naman palang hindi na maayos ang pakiramdam mo!" sermon nito.
"Hindi ko naman po kasi alam na ganito ang mangyayari," nahihiyang sagot ko.
Pagkatapos kasi naming mag-almusal kaninang umaga ni Reigan ay agad na umalis ito upang magtungo sa trabaho. Nagtungo naman agad ako sa kwarto ko at hinanap ang gamot para sa allergy ko dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko nun. And then, I found out na ubos na pala ang gamot ko roon. Nahihiya rin akong magsabi kay Nana Emma ng kalagayan ko kasi ako mismo ang nagdulot nun sa sarili ko. Akala ko kasi lilipas rin 'yon kaya lang napadami yata ang kain ko kaya ganito ang inabot ko ngayon. Mabuti nalang talaga dahil nagtungo si Nana Emma sa silid ko at nakita niya ako roon.
"Alam mo naman palang allergic ka sa shrimp, hija. Ibang ulam nalang sana ang kinain mo."
Isang tipid na ngiti naman ang isinagot ko kay Nana Emma. Narinig ko naman siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Bumukas naman ulit ang pinto at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang bumungad si Reigan sa paningin ko. Kaagad na dumako ang tingin ko kay Nana Emma.
"Nana Emma!" I exclaimed.
Bakit pa niya ipinaalam kay Reigan 'to? Sinabihan ko na siya kanina na ilihim ang bagay na 'to sa asawa ko.
"Karapatan ng asawa mong malaman ang bagay na 'to, hija," usal nito. "Maiwan ko na kayong dalawa."
Umalis naman agad ito sa loob ng silid. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga nang lumapit sa kinaroroonan ko si Reigan. Nag-iwas naman agad ako ng tingin nang makita ang matatalim nitong titig.
"Are you out of you mind?" he asked annoyingly.
"Bakit ka nandito?" I asked instead of answering his question. "May trabaho ka pa, 'diba?"
"Ask it to yourself," he said half-sarcastic. "Alam mo palang allergic ka sa shirmp, Fallon! Bakit mo pa kinain 'yon? Don't you know how to take good care of yourself?"
Niyakap ko naman ang unan na hawak-hawak ko. I closed my eyes for a while.
"Luto mo 'yon, eh. It was the first time you cook something for me. And I didn't want to slip that chance away, " I said softly.
Hindi naman ito nakaimik sa sinabi ko dahilan upang humarap ako sa kinaroroonan nito. And there I saw him dumbfounded. Bumalik lang ito sa realidad nang makitang nakatitig ako sa kanya. Tumikhim kaagad ito.
"Kahit na! Dapat alam mo parin kung ano'ng dapat at hindi dapat gawin, Fallon!"
"Gaya nang pagpilit ko nang sarili ko sayo?"
Natigilan naman agad ito sa sinabi ko. I smile to him genuinely.
"Mahal lang kasi talaga kita kaya ko nagawa 'yon. You can call it bullshit or whatever you want. Pero kasi Reigan, 'yong pagkain ko nang niluto mo na 'yon, it was the only way for me to believe that somehow I'm still special to you eventhough it's not true."
"Bahala ka. I don't know what to do with you anymore. But one thing I know for sure, I won't fall inlove with you, Fallon."
Ngumiti naman ulit ako sa kanya.
"Okay lang. Gagawin ko rin naman ang lahat para mahalin mo rin ako."
Kumunot naman ang noo nito sa sinabi ko. Pinanatili ko lang ang ngiti sa mga labi ko. Inirapan niya ako. He grabbed something inside his pocket and hand me a piece of paper and a pen.
"Isulat mo riyan ang mga pagkain na paborito mo at 'yong mga pagkain na bawal sa 'yo at ayaw mo," he said while looking away.
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. Sumimangot naman siya sa naging reaksyon ko.
"I'm just doing this to avoid the same accident to happened," he added.
I know deep inside, the soft-hearted Reigan I know before is still there....
******************
HINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang pababa ako ng hagdan. Kagigising ko lang ngayong araw.
Ilang araw na ba akong nagigising na katulad nito? Na pakiramdam ko ay naglalakad ako sa ibabaw ng ulap.
After that accident, Reigan never leave my side. Palagi itong naka-monitor sa mga kinakain ko. I felt like he's finally losening up. At hindi ko mapigilang maging masaya.
Is this a good sign that I'm finally having a chance with him?
"Manang Emma," tawag ko sa kanya nang makita ko siyang papasok sa loob ng kusina. Natigilan naman ito at agad na lumingon sa kinaroroonan ko.
"Magandang umaga, hija," nakangiting bati nito.
"Magandang umaga rin po, Manang," I greeted in return. "Nakita niyo po ba si Reigan?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Nasa study room, hija. Dumating kasi si Maam Belle at mukhang may importanteng pinag-uusapan 'yong mag-ina."
"Sige po, Manang. Maraming salamat," nakangiting sabi ko.
Umakyat ulit ako sa ikalawang palapag at nagtungo agad sa study room. Hindi naman nakasara 'yong pinto kaya naisipan kong pumasok nalang sa loob ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay tumigil na agad ako nang marinig ang boses ni Mama Belle mula sa loob.
"Hindi ako makapaniwalang magagawa mo 'to, Reigan! You file an annulment para lang mapawalang bisa ang kasal niyo ni Fallon. Dalawang buwan palang naman kayong kasal!" Mama Belle hissed madly.
Napasinghap naman ako sa narinig. Pakiramdam ko biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Wala manlang akong kaalam-alam tungkol rito. Why would he do that without informing me atleast?
"Alam niyong si Charlotte ang mahal ko at hindi si Fallon, Mama! Ngunit ipinilit niyo paring ipakasal ako sa kanya! You left me with no choice! Kung hindi mo lang ako pinagbantaan na hindi ka magpapatuloy sa operasyon mo ay hindi ko ito gagawin! You didn't gave me a choice to say no at all because you know too well how important it is for you to undergo that kidney transplant!"
Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig at pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Napahawak ako sa drawer na nakalagay sa gilid ng pinto upang kumuha sana nang suporta ngunit hindi sinasadyang natabig ko ang vase na nakapatong rito. Lumikha ito ng matinding tunog dahilan upang mapadako ang tingin ng mag-ina sa kinaroroonan ko.
"Fallon!" Mama Belle exclaimed surprisingly.
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita ako. I swallowed the lump on my throat. I took all the couraged to uttered some words.
"O-okay lang po ako, Mama," I said eventhough what I'm trying to convey doesn't make any sense. "Tatawagin ko lang po si Nana Emma upang ipalinis 'tong vase na na---"
"Ako na," Mama Belle interrupted.
Hindi ko nga alam kung papaanong naituwid kong sabihin ang mga salitang 'yon nang hindi manlang umiiyak. At bago pa ako tuluyang tumutol sa sinabi niya, humakbang na agad ito patungo sa kinaroroonan ko. When she reach my spot, she stopped and flash a sad smile as if it was her way of apologizing from what I've heard. Isang malungkot na ngiti rin ang iginawad ko bago ito tuluyang umalis.
Bumaling naman agad ang tingin ko kay Reigan. At kahit na sumisikip ng husto ang dibdib ko ay nagawa ko paring humakbang ng limang beses patungo sa kinaroroonan niya.
"Na-nag-file ka nang annulment?" I asked with my voice shaking to death.
Kaagad na nag-iwas naman ito nang tingin.
"You know the reason why I did," he answered coldly.
Kumirot naman ulit ang dibdib ko. I bit my lower lip to ease the pain.
"Because you don't love me..." I stated painfully.
I can feel the heat under my eyes, ready to form any tears. He sighed and instead of saying anything, he walk away. And when he reached the door, I talked....
"Akala ko ba okay na tayo?" Natigilan naman ito sa tanong ko. "After that accident, naging maayos n-----"
"I did that because it's part of my responsibility as your husband, Fallon. Huwag mong bigyan nang malisya 'yon," he said direct to the point that almost made my heart scream in pain.
Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang makitang humakbang na naman ito palayo mula sa akin.
"'Diba, it's also part of the husband's responsibility to love his wife?" I asked that made him stop from walking. "Bakit hindi mo magawang gampanan ang responsibilidad na 'yon?"
He clenched his fist before he turn his gazed on me.
"Alam mo na ang sagot diyan, Fallon! Don't push it! I will never love you dahil si Charlotte lang ang mamahalin ko!" he hissed.
His words were like a knife cutting through my soul.
"Reigan!" We heard Mama Belle' s voice exclaimed madly.
Dumako ang tingin naming dalawa kay Mama Belle na kasama si Nana Emma na kararating lang. Reigan didn't uttered some words and just walk away from us.
Nanghihinang napaupo naman ako sa lapag. Mama Belle went to my direction and when she hug me, I started to cry on her shoulder, pouring all the pain out.
I thought everything was fine....
Akala ko lang pala 'yon.....
-
♡lhorxie