bc

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation)

book_age16+
234
FOLLOW
1K
READ
possessive
second chance
drama
bxg
selfish
substitute
like
intro-logo
Blurb

(Montenegro Brothers : 1st Generation)

Montenegro Dynasty 4:

Fallon Xylex Rodriguez is secretly inlove with Rei Gallen Montenegro eversince. Her world revolve on loving him but it was being crumbled with just one truth. A truth that crushed her being showing her that the man she only love was owned by her sister.

However, knowing the fact that the man she love has someone else. She gone blind of what must be done and shouldn\'t have. She made desperate decision that would make the man she love hate him.

Would she still gone mad of pursuing her only dream and become selfish? Or would she finally thought of burdening the pain just for the sake of two person\'s happiness with each other?

Beautiful Book Cover Made by : @Lanully

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Love? That's the only thing I wish to have but I couldn't have. Happiness? That's the only thing that world denies me to have. Envy? That's what I've always felt since I learn to fall inlove. Desperate? That's what I am. Attention? That's all I want to seek from someone I love. Selfish? That's the only thing he thinks of me. Shattered? That's what I've got for being selfish. Pain? That's what I feel when I start having my selfish attachment on him. It may be odd but all those things listed above, I've already experienced it when I started to love him. "HOY, Fallon! Ano na naman 'yang sinusulat mo?" Bumalik naman sa tamang serkulasyon ang utak ko nang biglang may umalog sa ulo ko. Napatingin ako sa notebook na sinusulatan ko. I don't know why I wrote something like this. Basta't isa lang ang alam ko, I love writing romance novels, 'yong magaganda ang ending. I guess, may namumuong plot na naman sa utak ko na gusto kong gawan nang panibagong kwento and this would be the start of it. "Wala!" nakasimangot na sagot ko kay Ate Charlotte. Kaagad na itinago ko ang ballpen at notebook sa loob ng bag ko. Umupo naman sa silyang nasa harapan ko si Ate Charlotte. Walang pasabing kumuha siya ng french fries na kinakain ko at walang pakundangan na kinain 'yon sa harap ko. Napapailing nalang ako. "Ang takaw mo talaga, Ate! Bumili ka nga nang sa 'yo," natatawang sabi ko at inilayo ang french fries sa kanya. Napatawa nalang ako nang ngumuso siya nang pagkahaba-haba at nangalumbaba sa ibabaw ng mesa. "Ang damot!" parang batang sabi niya. Napahalakhak naman ako nang dahil doon. My sister is four years older than me. First year highschool palang ako at siya naman ay Fourth Year na. "Oy, pagkain! Tamang-tama!" Napasinghap ako nang biglang may umagaw ng french fries sa kamay ko. Nilingon ko naman kung sino ang salaring humablot ng pagkain ko at walang iba kundi ang ang nag-iisang bestfriend ko. "Kearl Anthony Montenegro!" I hissed. "How many times do I have to tell you na huwag kang mang-aagaw ng pagkain ng may pagkain!" Pakiramdam ko lalabas na ang ugat sa leeg ko dahil sa lakas ng boses ko. Natatawang nagkamot nalang ito ng ulo at biglang umakbay sa akin. "Ouch naman, bestfwend!" ma-dramang sabi niya. "Ang sakit mo namang magsalita." Napailing nalang ako sa sinabi niya. Mukhang maaga yata akong tatanda pagdating sa isang 'to. Pasaway! "Ano'ng meron dito?" Nag-angat naman ako ng tingin nang marinig ang boses ng kababagong dating lang. It was Nicholas Alvaro Montenegro also known as the devil hearthrob of this campus. Walang sinasanto na kahit sino basta't makuha lang niya ang kanyang gusto. "Ito kasing si bestfwend ang damot-damot, ayaw magbigay ng french fries," parang batang sumbong ni Kean sa Kuya nito habang kinakain ang french fries na kinakain nito. Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga. "That's not my problem anymore," malamig na sabi ni Niro at umupo sa isang bakanteng silya. See? Ito kaya ang pinaka-suplado sa lahat ng magkakapatid. Ay, hindi pala! Meron pa palang nuknukan ng suplado sa kanilang lahat. Walang iba kundi ang walang kangiting-ngiting bagong dating lang sa puwesto namin ngayon, no other than Rei Gallen Montenegro himself aka "Reigan Sungit". He is five years older than me and I don't want to call him Kuya dahil narin you know, I had this little crush on him since we were kids and then it grew bigger up until now. Shit! Ito na naman ang pamilyar na kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya. "Ay sayang naman, wala ng french fries. Bakit mo naman inubos lahat, Kuya Kean?" maktol ni Mavien nang makita ang walang lamang lalagyan ng french fries. Kinuha pa niya ito sa kapatid at parang batang nagdabog. Inirapan naman ito ni Kean. "That's not my problem anymore," panggagaya nito sa sinabi ng Kuya Niro nito. Napatawa naman ako lalo na't tinignan ni Niro si Kean nang masama at nag-peace sign lang ang loko. Bakit kami close at magkakilalang lahat? Simple lang! We grow up together dahil ang mga magulang namin at mga magulang nila ay mag-bestfriend. And I hate to admit it but I'm inlove with Reigan Montenegro. Kahit hanggang tingin nalang ang nagagawa ko ay ayos na ako doon. Kahit na hindi talaga niya ako pinapansin. At ang hindi ko alam, ito rin pala ang simula kung saan ako masasaktan ng husto.... ******************* "HEY, kapatid kong kasingganda ko, halika rito at may sasabihin ako sa 'yo." Nagulat naman ako nang bigla akong hinila ni Ate Charlotte patungo sa kwarto niya. Napapailing nalang ako. Ano naman kaya ang naiisip na hucos focus ng kapatid ko ngayon? Noong isang araw na hinila niya ako ay napasubo akong gumawa ng kalokohan nang dahil lang ayaw niyang pumasok sa eskwelahan. At ngayon hindi ko na naman alam kung ano na naman 'tong ipapagawa niya. "Ano na naman ba 'yon, Ate?" bagot na tanong ko. Nagulat naman ako nang biglang siyang tumili at tumalon. "Kami na ni Reigan! Sinagot ko na siya kanina lang!" Parang nag-block out yata ang utak ko nang marinig ang bagay na 'yon. At biglang may tumusok sa gitna ng dibdib ko. Masakit! Sobrang sakit na parang hindi mo na nanaising maramdaman 'to. Alam mo 'yong feeling na akala mo kontento ka na pero hindi pa pala. Parang walang pumasok na importanteng impormasyon dahil sa ayaw mo lang paniwalaan 'yong mga narinig mo. "Hoy! Natulala ka na riyan. Narinig mo ba 'yong sinabi ko?" tanong niya. "Huh?" wala sa sariling tanong ko at agad na bumaling ang tingin ko sa kanya. Sumimangot naman ito. "Hays, hindi ka naman nakikinig, eh! Ang sabi ko kami na ni Reigan!" she announced again. That pain again.... For the first time I felt that pain again.... It's bearable but I choose to die instead. "Uh...I..I'm so happy for you, Ate." Sumimangot naman ito sa sinabi ko at ngumuso. "Ano ba 'yan! Parang hindi ka naman masaya para sa akin, eh," nakangusong sabi nito. I faked a smile and tap her right shoulder. "Masaya ako. Nagulat lang ako kasi 'diba...'diba hindi ka naman nililigawan nun." "Ay, hindi, uh! He courted me kaya for almost one year. Hindi namin sinabi sa inyo para surprise. Sorry, Sis." Apologetic ang smile nito at nag-peace sign pa sa akin. And that totally broke my heart into pieces.... ********************** "REIGAN..." I don't really know why I'm here right now infront of his condo unit. Basta't isa lang ang alam ko, hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kaya na ma-kontento sa pagtingin lang sa kanya mula sa malayo. Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Ate Charlotte ay nagtungo agad ako rito. Naiiyak ako. Nasasaktan ako sa nalaman ko. "What are you doing here, Fallon?" gulat at malamig na tanong nito. "To-totoo ba na kayo na ni Ate?" Pakiramdam ko may unti-unting pumupunit sa buong pagkatao ko. Hindi ko maintindihan. Bakit ganoon? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ang sakit? Sobrang sakit. "She told you? Oh, yes. We are official now," parang wala lang na sabi nito. Napahikbi naman ako at lumapit ng husto sa kanya. Inabot ko 'yong braso niya at hinawakan. "Reigan, bakit...bakit si Ate pa? Bakit...bakit siya? Bakit hindi nalang ako? Please ako nalang 'yong mahalin mo, Reigan. Please ako nalang....." pagmamakaawa ko. I never beg in my entire life except for now because all I ever wanted is for him to love me back. 'Yong tipong gusto ko na ako nalang. "WHAT THE HELL, FALLON!" he exclaimed. Tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. I look so desperate right now but I don't care a bit. "Please, Reigan. Please ako nalang. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita. Ako nalang, please. Ako nalang 'yong mahalin mo. Huwag lang si Ate Charlotte." Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nagulat pa ako nang bigla niya akong itinulak palayo. Napasinghap ako nang mapaupo ako sa sahig. "YOU SELFISH DESPERATE b***h! Umalis ka na nga rito. Nababaliw ka na," galit na bulyaw niya at isinara ang pinto ng condo. Naisubsob ko ang mga palad ko sa aking mukha at umiyak ng husto. I didn't know na ganito pala ito kasakit. How can I be happy if all I want is to be with him? Is it bad if I force myself for him to love me back? - ♡lhorxie

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook