Special Chapter 2

1954 Words
Special Chapter 2: Finally Attached On You NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na buntong hininga nang marinig ang tugtog sa entourage at nakita kong nagpuntahan sa kani-kanilang pila ang mga abay. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. After a year, I’m going to marry the man of my life right now. At hindi ko maikakaila ang pinaghalong saya at kabang nararamdaman ko. It feels like it was my first time to be married na kung tutuusin ay pangalawa na ito. “Stay calm, anak. Any minute ay ikaw na ang maglalakad. Ayokong mangyari na baka kapag nasa gitna na tayo ay hihimatayin ka pa,” biglang sabi ni Daddy na ikinatawa ni Mommy. Napanguso nalang ako. Ganoon na ba talaga ka halata ang pagiging kabado ko? Kasal ko ngayon kaya papaanong hindi ako kakabahan. Napapiksi ako nang isinara ulit ang pintuan ng simbahan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ako na ang susunod na maglalakad. Naramdaman ko ang pagpisil ni Papa sa daliri ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. “It’s about time, Fallon,” nakangiting sabi niya. Tumango lang ako. And as if on cue I heard the song we choose for our wedding and the door widely open. Pakiramdam ko nga nasilaw pa ako sa liwanag ng bumukas ang pinto. Nagsimula kaming maglakad ni Mommy at Daddy papasok sa loob. Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa pisngi ko nang makita sa dulo ang tanging lalaking minahal ko noon ng husto na hindi ko aakalain na mamahalin din ako ng ganito. Ano ba `yan! Ang iyakin ko naman nito. I guess, time is really the answer. Hindi man siya ngayon ang para sa `yo kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa ay mangyayari at mangyayari talaga `yon. Just look what happened between us. Tinanggap ko na noon na hindi siya magiging akin. It took many years for us to be together. Pareho kaming nasaktan pero ang mahalaga ngayon ay magkasama parin kami at nagmamahalan. And in the end, we found true happiness with each other. “I’ll hand my daugther to you, Mr. Montenegro. Please, take good care of him,” Dad said softly nang makarating kami sa kinaroroonan ni Reigan. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko nang makita ang ilang butil ng luha sa pisngi ni Reigan. “I will, Sir,” sagot nito at kinuha ang kamay ko. Inalalayan pa niya ako papunta sa harap ng altar. “Thank you, Fallon,” malambing na bulong niya sa tenga ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “I love you too,” nakangiting sagot ko. I heard him chuckled. “Family, friends, we are gathered here today to witness the union of Rei Gallen Montenegro and Fallon Xylex Rodriguez to live together as husband and wife according to standard set out in the Holy Matrimony,” panimula ng nagkakasal sa amin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Reigan and we both smile with each other. “Rei Gallen Montenegro, do you take Fallon Xylex Rodriguez to be your lawfully wedded wife? To live together and embedded a deep respect and faithfullness in her, in good times or in bad times, in sickness and in health, to love her and cherish her as long as you both shall live?” “I do,” nakangiting sagot nito at pinunasan ang luha sa pisngi nito. All the pain we’ve been through together is all worth it. It’s all worth it because finally we are here together. “Fallon Xylex Rodriguez, do you take Rei Gallen Montenegro to be your lawfully wedded husband? To live together and embedded a deep respect and faithfullness in him, in good times or in bad times, in sickness and in health, to love him and cherish him as long as you both shall live??” “I do,” nakangiting sagot ko. I guess, what we have right now is a unique story. Hindi man kami katulad sa ibang librong nababasa niyo. Isa lang ang masasabi ko, hindi nasusukat ang kasiyahang mararamdaman mo kapag kasama mo ang taong mahal mo sa maliit o malaking bagay man `yon, it’s all the same. Hinawakan naman niya ang kamay ko at kinuha ang singsing na nakapatong sa unan. “Fallon Xylex Rodriguez, ang pinaka-selfish na taong nakilala ko. I never thought I would love you this much. You were my mere destruction. But I would choose to be destroy than to lose you. I know I’ve been such a jerk, hindi ko ikakaila iyon. Nagkamali ako at itinulak kita palayo. I never thought that this day would happened,” pumiyok ang boses nito habang sinasabi sa akin `yon. Pumatak ang luha sa mga mata nito. “Akala ko wala nang pag-asa. Akala ko hindi ka na babalik sa akin at hindi na mangyayari `to. Malaki ang pasasalamat ko kay God kasi tinupad niya ang natatanging hiling ko sa buhay ko. And that is to be with you... I love you. I love you so much and I don’t want to lose you. And in the name of God, I vow to take you as my wife, to cherish and respect you, for better or for worst, for richer or for poorer, in sickness and health, to love and honor you till death do us part.” He mouthed again the word “I love you” bago tuluyang isinuot sa akin ang singsing. Napaiyak na ako. Kinuha ko ang singsing at humarap ako sa kanya. “Rei Gallen Montenegro, ang tanging lalaking minahal ko noon ng husto, my first and only love. Alam kong hindi tama ang magpaka-selfish ng sobra but right now I don’t regret what I’ve done in the past kasi dahil doon minahal mo na ako. I maybe hurt by you....but still I know you’re the only one who can make me happy. All those pain…All those tears... It’s all worth it because you are worth to love.” Pinunasan niya ang luhang pumapatak sa pisngi ko. Ngumiti lang ako sa kanya. “Akala ko hindi na mangyayari ang bagay na ito. I thought destiny would deny my only happiness to happened but it didn’t. Siguro ang mga nangyari noon ang siya ring naging dahilan para mas lalong tumibay ang nararamdaman ko sa iyo ngayon. I love you, Reigan. I really do. You’re the only man I dream to have up until now and forever. And in the name of God, I vow to take you as my husband, to cherish and respect you, for better or for worst, for richer or for poorer, in sickness and health, to love and honor you till death do us part.” Isinuot ko ang singsing sa kanya. Magkasabay na humarap kami sa nagkakasal. Ngumiti ito sa amin. “By the authority vested on me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.” Nagkatinginan naman kami ni Reigan. Inalis niya ang veil na nakatabing sa mukha ko. He cupped my cheeks and kiss me for all the world to see how much he loves me. “Tama na `yan! Kainan na muna!” biglang sigaw ni Kean sa amin. Natatawang tumigil naman kami ni Reigan at bumaling sa kanila. I saw them clapped their hands. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong binuhat ni Reigan. Napahawak naman ako sa balikat niya. “Are you ready?” nakangising tanong nito. “Ha? Saan?” naguguluhang tanong ko. He smirked. “On our pre-honeymoon.” Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla siyang tumakbo patungo sa labas ng simbahan habang buhat-buhat ako. “Teka, Kuya Reigan! Saan mo dadalhin si bestfwend? May reception pa!” dinig kong sigaw ni Kean. “I’ll have to claim may reward first. Susunod nalang kami doon sa inyo,” natatawang sagot nito sa kapatid. Napangisi nalang ako. Oh well, sino ba naman ako para tanggihan ang munting hiling ng asawa ko..... RAMDAM na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang papasok kami sa loob ng bahay namin. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras. “Sigurado ka bang ayaw mo sa ibang bansa tayo mag-honeymoon?” biglang tanong nito sa punong tenga ko. Napapiksi naman ako nang maramdaman ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko. Kumunot ang noo nito nang dahil sa naging reaksyon ko. “Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. Napalunok naman ako. Kinakabahan ako. “O-oo naman.” I tried hard to make the sound of my voice normal. Kahit ang totoo ay hindi ko na alam kung ano’ng gagawin ko. “Let’s go to our room,” nakangiting sabi nito. Pinigilan ko ang kamay niya sa paghila sa akin paakyat sa taas. Kanina akala ko okay lang pero ngayong nandito na kinakabahan naman ako. Ang sabi kasi nila Scarlet at Zheena sa akin noon ay masakit daw kapag first time. Paano pala kung himatayin ako? “Te-teka lang...” pigil ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito. “Ahmmmm, ano…kung maglibot-libot kaya muna tayo sa bahay natin, ano?” I could feel my hands sweating. Bakit ba ako napaparanoid nang ganito? Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. “Fallon, are you scared?” biglang tanong nito. Napalunok naman ako. “Ha? Bakit naman ako matatakot?” kaila ko at tumingin sa ibang direksyon. Hinuli naman niya ang tingin ko at iginiya iyon paharap sa kanya. “I know it’s your first time at ganoon din ako but I assure you, I won’t do anything to harm you.” Namula naman ang magkabilang pisngi ko sa kahihiyan. “Vi--virgin ka rin?” Hindi ko alam kung bakit `yon ang lumabas na kataga sa labi ko. Nakita kong pumula ang magkabilang pisngi nito. “Don’t slap it on my face will you. Alam mong wala akong oras para sa ibang babae noon.” I could see embarrassment all over his face. Pero para sa akin ay nakaka-proud `yon. He’s going to be my first and I am his first also. “Halika na nga!” iritadong sabi nito at hinila ako papasok sa loob ng kwarto. He closed the door and locked it. Napalunok naman ako nang paulit-ulit. “Ahmmmm, ano….kukuha lang ako ng damit. Maliligo muna ako,” nahihiyang sabi ko at nagmamadaling nagtungo sa closet ko. I heard him groaned in frustration ngunit hindi ko na `yon pinansin. Dinig na dinig ko ang lakas nang kabog ng dibdib ko. At ganoon nalang ang pagtibok nito nang marinig ko ang mga yapak niyang patungo sa kinaroroonan ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko. “You’re making this hard for me, Sweetheart,” he whispered softly that made me shiver. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko nang bigla niya akong pinaharap sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako sa aking mga mata. “Do you trust me?” tanong niya. Marahang tango lang ang naging sagot ko. Of course, I trust him kaya lang naman ako nagkakaganito kasi kinakabahan ako ng sobra at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Good!” sambit nito. He cupped both of my cheeks and claimed my lips into a feverish kiss. Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko at dinama ang mapagmahal na halik nito. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at walang pag-aalinlangang tinugon ang mga halik niya. “I love you, Fallon,” he murmured as he descend his lips against on mine. He rained tiny kisses all over my face and flashed a gentle smile when he look at me. And because of that I fall even harder…… I’m totally whipped and finally attached on him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD