Chapter Six : Jealous
________________________________________
HINDI nawawala ang ngiti sa aking mga labi habang dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Ilang araw na rin pala ang lumipas simula nang magkaroon kami nang kasunduan ni Reigan. At hindi ko maipagkakailang mas naging maayos ang pagsasama namin nang dahil doon.
Today is our monthsary, tatlong buwan na rin pala kaming kasal ni Reigan ngunit pakiramdam ko ay ito ang unang buwan nang pagiging mag-asawa namin.
"Fallon, pumasok ka na sa loob. Hindi tayo makakapasyal ngayong araw dahil umuulan sa labas," I heard Reigan's voice behind me. Napangiti naman ako nang dahil doon.
Nandito kami ngayon sa Del Rio Hotel and Resort upang ipagdiwang ang monthsary naming dalawa. Ang totoo nga niyan ay pinilit ko lang siyang pumunta kami rito ngayon at mag-stay nang dalawang araw bilang bakasyon.
Alam kong ayaw niya sa plano kong 'to but I left him with no choice. Dahil hindi ko talaga siya tinigilan hanggang sa hindi siya pumapayag.
Lumapit na agad ako sa kinaroroonan niya at ginawaran siya nang isang matamis na ngiti. Umirap naman ito sa ginawa ko. Reigan treat me the same. He still act cold and distant towards me but he knows how to loosen up when I want to hug him. Hinahayaan niya ako sa ganoong bagay at alam kong hanggang doon nalang 'yon.
"Pasok na tayo sa loob," nakangiting sabi ko.
Tumango lang ito sa sinabi ko. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng Villa na tinutuluyan namin dito sa resort. Nagtungo kami sa loob ng sala kung saan may nakalapag na pagkain sa ibabaw ng mesa at may isang sikat na palabas na lumalabas ngayon sa TV.
"Manonood tayo ng movie?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot.
"Hindi rin naman tayo makakalabas ngayon dahil sa ulan kaya ito nalang."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nauna na itong umupo sa sofa. Sumunod naman ako sa kanya at umupo agad sa tabi niya. He flinched when I hugged him but he didn't complain at all. Alam ko naman na kahit ayaw ni Reigan sa ganito ay pinipilit parin niya ang sarili niyang gawin ang mga bagay na gusto ko dahil na rin sa kontrata. I buried my face on his chest and gently close my eyes.
"Fallon," he uttered. " Manonood tayo ngayon."
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit gustuhin ko mang tumigil ang oras ay alam kong malabong mangyari 'yon.
"Mahal kita, Reigan," I said softly. "Mahal na mahal."
I heard him sighed. "Alam ko. Ilang ulit mo na bang sinasabi sa akin ang bagay na 'yan? Manonood tayo ngayon kaya paano ka makakapanood kung itatago mo 'yang mukha mo sa dibdib ko?"
"Sandali lang naman," sabi ko.
Hindi naman ito umimik at hinayaan lang ako sa gusto ko. Nanood nalang ito ng palabas habang ganoon parin ang ayos ko. Ilang minuto rin akong ganoon hanggang sa naisipan kong ibaling ang tingin ko sa palabas. My eyes darted on his handsome face. Tutok na tutok ito sa palabas na pinapanood namin habang kumakain ng popcorn.
"Reigan, why did you give up painting?" I asked him out of the blue.
Natigilan naman ito sa sinabi ko. Dumako ang tingin nito sa akin at nang magtama ang aming mga mata ay agad na nag-iwas ito nang tingin.
"You know the reason why I did," he answered.
"Pero hindi naman ibig sabihin na hindi ka na talaga maaaring magpinta."
"It's still useless even if I did."
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"It's your passion. Hindi naman ibig sabihin na kung hindi mo maaaring maabot ang pangarap mo na maging isang sikat na pintor ay titigil ka na agad. Alam kong napakalaking resposibilidad ang nakaatang sayo ngayon at wala ka nang oras sa ganoong bagay. But through paintings I know you can pour everything out, may it be your frustration, sadness, happiness, and pain, you can express it out. Kahit 'yon nalang ang gawin mong pangpalipas oras, Reigan. Huwag lang 'yong ititigil mo nalang agad."
"Kagaya nga nang sabi mo, I don't have time for that, Fallon," he said coldly.
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"You can if you wanted too..." I said. "Teka lang, hintayin mo ako rito."
Umalis naman agad ako sa kinaroroonan naming dalawa at nagtungo sa kwarto ko. Kinuha ko 'yong binili ko sa mall noong isang araw. Kaagad na bumalik ako sa puwesto namin at nakangiting inabot sa kanya ang lapis at sketch pad na binili ko.
"May oras ka na ngayon," I said to him smiling. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Iguhit mo naman ako."
Umiiling na kinuha nito ang inabot ko sa kanya. Napangiti naman ako nang dahil doon. Kaagad na umupo ako sa tabi niya.
"Sketching is different from painting, Fallon," he uttered.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.
"Eh, parang ganoon na rin naman 'yon," I said.
Umiling naman ito sa sinabi ko at nagsimulang isalin sa ibang pahina ang sketch pad na ibinigay ko. Nag-iwas naman agad ako nang tingin sa kanya.
"Paano ko maguguhit ang mukha mo kung hindi ka tumitingin sa akin?" Umiling naman ako sa sinabi niya.
"Iba nalang ang iguhit mo," nahihiyang sabi ko.
"Harap na," he insisted. "Kung ayaw mo, I won't sketch anything."
Kaagad na lumingon naman ako sa kinaroonan niya. And I pouted my lips because of embrassment.
"Cute," he uttered and pinch the tip of my nose.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at mukhang ito rin ay nagulat rin sa nagawa niya. Tumikhim naman agad ito sabay iwas nang tingin.
"Huwag kang magalaw. I'll try to sketch you," he said to call my attention.
Namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa sobrang hiya.
What the hell just happened?
**************************
"FALLON, can you slow down a bit? Hindi naman agad magsasara ang Bookstore rito sa mall," Reigan complained sa mabilisang paglalakad na ginagawa ko.
Umiling naman agad ako sa sinabi niya at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad na ginagawa ko. I'm too excited to stop in the middle. Nandito kami ngayon ni Reigan sa mall. Nagpasama ako sa kanya kanina dahil bibili ako ng damit at sapatos sa boutique na palagi kong binibilhan. Ngunit sa kalagitnaan nang pamimili namin ay nakatanggap ako ng text galing kay Kean na lumabas na raw sa bookstore ang panibagong libro ng isang series novel na paborito ko. Lumundag ng husto ang puso ko sa balitang natanggap na hindi ko na nagawang makapaghintay.
"Fallon..."
Natigilan naman ako nang biglang hinablot ni Reigan ang braso ko. Napalingon naman agad ako sa kinaroroonan niya.
He look so exhausted.
"Kumain na muna tayo. Kanina pa tayo umiikot dito sa mall, Fallon."
"Pero----"
"Please," he pleaded softly that made my heart beats.
Napatitig ako sa mukha niya. At ganoon nalang ang panlalambot ng tuhod ko nang makita ang emosyong nakapaskil sa mukha niya. Isang marahang tango nalang ang nagawa ko.
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant at umupo sa bakanteng upuan. May lumapit na waiter sa amin upang magbigay ng menu.
"Ahmmm, Reigan, comfort room lang muna ako. Ikaw na ang bahalang mag-order..."
Tumango naman ito sa sinabi ko. Nagtungo agad ako sa comfort room. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko habang inaalala ang mukha nito kanina habang nakikiusap. Umiling-iling naman ako.
Hindi ito ang kauna-unahang beses na nakikita ko ang ganoong side na meron si Reigan simula nang makipagsundo kami sa isa't-isa. Dalawang buwan na nga rin ang lumipas ngunit hindi parin ako nasasanay sa tuwing ganito siya. Iba parin ang epekto nito sa akin. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.
Kinalma ko naman ang sarili ko. Hindi dapat na palagi nalang akong nagkakaganito sa tuwing gumagawa nang kakaibang bagay o may naririnig akong unsual na salita mula sa kanya.
May kasunduan kami. Kailangang ako ang gumagawa nang paraan upang mapa-ibig ko siya sa akin pero bakit parang mas ako yata ang nahuhulog nito sa kanya...
Naman, eh! Hindi 'to maaari....
Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng comfort room. Huminga ako nang malalim bago tuluyang dumako ang tingin ko sa kinaroroonan ni Reigan. Ngunit ganoon nalang ang paninikip ng dibdib ko nang makita siyang may kausap na ibang babae na hindi ko kilala.
Tipid na ngumiti ito sa babae nang biglang may sinabi sa kanya ang babaeng kausap niya. The pain inside my chest doubled when I saw his smile. He never smile like that.
Noon ay nakakaya ko pang panghawakan ang selos na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magkasama ni Ate Charlotte kasi alam ko na wala akong karapatan sa kanya. But the situation is not the same as before. And when I saw him smile again for the second time because of that girl.....
The brave Fallon suddenly runaway....
************************
"FALLON, is that you?" Napaangat naman ako nang tingin nang marinig ang boses na 'yon.
Parehong nanlaki ang mga mata namin nang magtama ang tingin naming dalawa.
"Ikaw nga...." he exclaimed. Lumawak ang ngiti sa mga labi nito.
"Clyde!" gulat na bulalas ko. Tumawa naman ito sa naging reaskyon ko.
"Ano'ng ginawa mo rito sa labas ng mall? At mukhang nag-e-emote ka yata rito?"
Napanguso naman ako sa sinabi niya. Matapos kasi nang eksenang nakita ko sa loob ng restaurant na 'yon ay palihim na umalis ako at dito nga ako napadpad sa labas ng mall kung saan may bench na maaaring upuan sa tabi ng parking lot.
Clyde is one of my bestfriend. I meet him during my college days. Pareho kasi kami ng university na pinapasukan. But we lost connection when his heart was being broken by my sister a long time ago. Dahil na rin sa nalaman nitong may boyfriend ang Ate ko. He went to State just to heal his broken heart at naiintindihan ko 'yon.
"Ito, naghahanap ng karamay. Bakit? Makikiramay ka?" sagot ko sa tanong niya.
Natawa naman ito sa sinabi ko.
"Hindi ka parin nagbabago. You're still the same Fallon I know."
Napanguso naman ako sa sinabi niya.
"And you're still the same Clyde I know," panggagaya ko sa huling sinabi niya.
Umiiling naman ito habang tumatawa. Umupo siya sa tabi ko.
"Kamusta ka na?" tanong niya.
"Ito, sawi sa pag-ibig," agarang sagot ko.
Tumawa naman ulit ito sa sinabi ko.
"Palagi naman, eh," he said teasingly.
Sinabunutan ko naman agad siya dahil sa sinabi niya. Mapang-asar talaga ang isang 'to, eh. Magkatulad na magkatulad talaga sila ni Kean ng ugali.
"Aray ko, Fallon," natatawang reklamo nito ngunit hindi naman ako nakinig at mas lalo ko pang sinabunutan ang buhok niya.
"Fallon!"
Natigilan naman ako sa pinaggagawa ko nang marinig ang tumawag sa pangalan ko. Hindi boses 'yon ni Cylde kundi boses nang lalaking kilalang-kilala ng puso ko. Magkasabay na lumingon kami ni Clyde sa kinaroroonan ng boses. Nanlaki ang mga mata ni Clyde nang makita ang lalaking nagmamay-ari ng boses na 'yon.
"That's Rei Gallen Montenegro, right? Ano'ng ginagawa niya rito?" Clyde asked.
Sandaling ipinikit ko naman ang mga mata ko bago hinarap si Clyde.
"Give me your calling card, Clyde. I'll talk to you some other time and explain everything. For now, puwede bang iwan mo muna kami rito?" pakiusap ko.
He sighed and just nod.
"Alright," he said in defeat at inabot ang calling card nito na agad ko rin namang tinanggap. "Call me."
Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumayo na ito. He wave his goodbye before he left. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Reigan nang dumaan ito sa gilid ng lalaki. Nang tuluyang mawala sa paningin namin si Clyde ay agad na lumapit sa kinaroroonan ko si Reigan at umupo sa tabi ko.
"What the hell are you doing here, Fallon? Alam mo bang nalibot ko na ang buong mall sa kakahanap sa 'yo? Ang sabi mo sa CR kalang kaya bakit ka nandito?" he asked madly.
Bakas na bakas ang pagod sa mukha nito. Nag-iwas naman agad ako nang tingin sa kanya.
"Fallon, I'm asking you!" he hissed.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago tuluyang sumagot.
"Mukhang masaya ka naman sa kasama mo kaya umalis nalang ako."
"What?!" he asked annoyed.
"May kasama kang babae roon, 'diba? Sa restaurant? Mukhang masaya ka naman sa kanya. You even smile to her."
"You mean, si Cassandra?"
"Cassandra ba pangalan nun? Akala ko tibakla, eh..."
"What?!" he asked amused.
Biglang pumasok sa isip ko ang pangyayari sa loob ng restaurant kung saan ngumingiti siya sa babaeng kausap.
"Ewan ko, Reigan! Pero naiinis ako, eh!" bulyaw ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagtaas ng boses ko. Kahit ako ay hindi inaasahan 'yon.
It was the first time I shouted at him.
Kaagad na nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa sobrang kahihiyan. Nahihiya ako dahil sa inaasta ko ngayon. It just that pain and jealousy is eating my system.
"Fallon.."
He tried to reach for my cheeks but I look away. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko.
"Please, huwag ngayon. Can...can you leave me alone?" I asked painfully. Kumirot ang dibdib ko sa eksenang pumapasok sa isipan ko. "Kasi...kasi alam ko naman na wala akong karapatang magselos, 'diba? Kasi kasunduan lang naman ang meron tayo. Pero kasi para sa akin, Reigan, kahit ganoon, iniisip ko paring sa 'kin ka ngayon... Akin kalang kaya ganoon."
Bumagsak na ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang mga 'yon. Isinubsob ko ang mga palad ko sa aking mukha at umiyak.
"Ka..kaya iwan mo muna ako, please?" pakiusap ko habang umiiyak.
But instead of doing what I've said, I felt his arms wrap around my body for a hug.
"I'm sorry, Fallon," he uttered softly.
And with just one single phrase, my heart melted.
-
♡lhorxie