#TheSecondHusband CHAPTER 71 Imbes na bumuti ang pakiramdam ni Mama, mas lalo lamang gumrabe sa paglipas pa ng mga araw. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya. Naaawa man ako pero minsan ay naiinis din. Ayaw niya kasing tulungan ang sarili niya, ayaw niyang gawin ang dapat gawin para maging malakas at matibay. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayokong mapagod pero sa totoo lang, iyon ang nararamdaman ko. Nakakapagod palang alagaan ang isang taong ayaw alagaan rin ang sarili niya. Nakakapagod rin palang ipaintindi sa isang tao na kailangang maging matibay at malakas kung ayaw namang maging ganun. “Ma... Tulungan mo naman ang sarili mo o.” Nanghihina kong sabi sa kanya. Wala akong nakuhang sagot dahil as usual, tulala siya, malalim ang iniisip at tila parang wala l

