#TheSecondHusband CHAPTER 73 Bumalot ang kalungkutan hindi lamang sa aking pagkatao kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin. Kasabay ng pagluluksa ng panahon ay ang pagluluksa ng lahat. Maraming nagulat, maraming nanghinayang. Tanging tango lamang ang aking naisasagot sa tuwing lalapitan ako at sasabihin kong condolence. Halata naman sa mukha ko ang sobrang kalungkutan dahil iyon ang nararamdaman ko. Hindi naman umalis si Gray sa tabi ko. Pansamantala niyang inihabilin muna sa pinagkakatiwalaan niya sa resto ang pamamahala dito. Siya ang umayos ng lahat hanggang sa maiburol si Mama na ngayon ay nangyayari na. Nakaupo lamang ako sa pinakaharapang upuan na mahaba. Nakatingin sa puting kabaong ni Mama na nasa harapan. Aminado ako na hanggang ngayon ay

