#TheSecondHusband CHAPTER 75 "Sigurado ka bang ayaw mong gamitin 'yung kotse sa pagpunta doon?" tanong sa akin ni Gray. Nasa labas kami ng resto, ito 'yung main branch at kauna-unahan naming tinayo. Napangiti ako. "Ayoko nga... Mas ok na rin na mag-commute ako para makatulog din ako sa byahe... medyo mahaba-haba pa naman iyon." Sabi ko. Napangiti naman siya saka napabuntong-hininga. "Gusto sana kitang samahan ang kaso, hindi ko naman pwedeng iwan itong resto natin dito." Sabi ni Gray. Marami pa kasi siyang dapat gawin na kailangang matapos. Nilagay ko ang magkabila kong kamay sa batok niya, mas lalo tuloy kaming nagkalapit, not minding other people na napapatingin sa aming dalawa. "Kaya ko naman mag-isa... Isa pa para matuto din ako di ba." Sabi ko. Napatango-tango siya. "Basta m

