CHAPTER 45 AND 46

2962 Words

#TheSecondHusband CHAPTER 45     Ilang araw na ang lumipas simula ng maging kami ni Gray at masasabi kong ang mga araw na iyon ang pinakamasaya para sa akin. Lagi akong inspirado, sa trabaho man o sa kahit anong ginagawa ko.     Iba talaga ang nagagawa kapag nagmamahal, lahat nagiging madali at magaan.     Hindi rin pumapalya si Gray sa pagpapabaon sa akin ng mga pagkaing niluto niya na gustong-gusto ko naman. Palagi akong busog sa kanya dahil ang sasarap naman kasi ng kanyang luto.     Ngayong araw ay wala kaming pasok na dalawa kaya naman naisipan naming mamasyal sa mall.     “Saan mo gustong kumain?” tanong sa akin ni Gray na kasabay kong maglakad sa loob ng mall.     “Kahit saan na... Hindi naman ako mapili sa pagkain.” Sabi ko saka ngumiti.     Ngumiti rin siya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD