#TheSecondHusband CHAPTER 43 Wala akong pasok ngayon kaya naman abala ako sa paglilinis at pag-aayos sa loob ng unit ko. Grabe, ang init kahit na may aircon naman dito sa loob. Pinunasan ko gamit ng bimpo ang pawisan kong mukha at katawan na ngayon ay walang suot na pang-itaas. Hindi rin kasi ako sanay na may damit na suot habang naglilinis kaya naghuhubad din ako ng pang-itaas at ‘yung short ko lang ang natitira kong suot. Nagpatuloy ako sa paglilinis hanggang sa namalayan ko na lamang na ang malaking salamin ko na ang aking pinupunasan. Napatigil ako at napatingin ako sa aking sariling repleksyon. Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang aking nakikita. Hindi naman pahuhuli ang katawan ko kay Greco at pati na rin kay Gray. May hubog rin naman ito at masasabing mag

