#TheSecondHusband CHAPTER 41 “May problema ba? Kanina ka pa tulala at tahimik.” Napatingin ako kay Gray ng magsalita siya. Halata ang pag-aalala sa kanyang boses ng magtanong siya. Napailing ako saka tipid na napangiti. “Wala... Dinadama ko lang ang sarap ng hangin dito sa park.” Sabi ko. Oo, magkasama kami dito sa park, kung kanina ay naglalakad-lakad kami, ngayon naman ay nakaupo kami dito sa bench at magkatabi. Inaya niya kasi ako dito at ako naman ay pumayag. Sa tingin ko naman ay ok na kami. Hindi na niya nao-open ang panliligaw at nararamdaman niya at ok na rin siguro iyon. Pakiramdam ko nga, bumalik kami sa pagiging magkaibigan. Mabuti na rin na sumama ako sa kanya para na rin kahit sandali, makalimot ako sa mga iniisip ko. Magi-isang linggo na ang nak

