#TheSecondHusband CHAPTER 51 Abala ako sa ginagawa kong pag-aalis at pag-aayos ng mga gamit sa bags namin habang nakaupo ako dito sa kama. Napatingin naman ako kay Gray na nakatayo malapit sa cabinet at hinubad ang suot niyang t-shirt. Nakita ko na naman ang maganda niyang katawan. “Bakit ka naghuhubad?” tanong ko. “Maliligo ako.” Sabi niya sabay kuha ng twalya mula sa cabinet at ipinatong sa balikat niya. Umiwas ako nang tingin at nagpatuloy ako sa ginagawa. “Maliligo ka pa e ang lamig lamig na nga dito.” Sabi ko. Grabe, sobrang lamig. Kahit na nga nandito kami sa loob ng hotel room at hindi binuksan ang aircon, nanunuot pa rin ang lamig sa balat ko. “Hindi kasi ako sanay na hindi maligo.” Sabi niya. “Bakit? Hindi ka ba naligo bago tayo umalis ka

