#TheSecondHusband CHAPTER 53 Muli na kaming bumalik sa aming hotel room, pinatong sa mesa ang basket na naglalaman pa ng mga natira naming pagkain at inumin. Naupo ako sa upuan habang si Gray naman ay sumalampak ng higa sa kama. “Halika dito at tabihan mo ako.” Sabi niya. Napaismid ako. “Ayoko nga.” Sabi ko na nangingiti. “Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sayo.” Sabi niya. “Ayoko nga.” Sabi ko. Sinimangutan niya ako. “By the way... Saan naman tayo pupunta bukas?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot saka umiwas nang tingin. “Inis agad o... Oy! Kaka-celebrate lang natin ng monthsary a.” Sabi ko. “Ikaw kasi e, gusto ko lang na lambingin ka pero ayaw mo.” Sabi niya. “Hay naku! Ayokong magpalambing muna sayo baka

