Matapos ng isang magulong pagtitipon ay dinala ako kasama si Eugene at Krabby sa isang cabin at doon ay sinimulan kaming kausapin ng mga nakakatanda sa tribo Simple lang yung cabin, gawa ito sa bato at kahoy, wala gaanong dekorasyon, tanging mga tipikal nagamit lamang sa isang bahay ang makikita tulad ng upuan, lamesa, lutuan at maraming pang iba. Magkakatabi kaming umupo ni Eugene at Krabby sa isang mahabang upuan, si papa naman at ang kasama niyang lalaki kanina ay umupo sa tig-isang upuan. Yung lalaking 'yon ay si Gregory Sr, ang tatay ni Greg, siya ang Beta ng tribo. Nasa kasalungan naman na hilera ng upuan ang mga tinaguriang elders ng tribo, si Apo Juan, si Apo Dorya na nag-iisang babae sa kanila, at si Apo Temyong. "May nasabi kayong propesiya Apo Dorya kanina, bakit hindi nam

