Agad na naghanda sina Travis at Joy, sa kanilang pag ataki. Magkatabi silang mag-asawa na nakatago sa likod ng mataas na kamada ng mga sako ng bigas. Ang mga Agents, naman na nasa labas ng bodega ay unti-unti nang gumapang upang maka pasok din sila sa loob. Napaka daming bantay sa paligid at armado ng mga matataas na kalebre ng baril. "Nasaan ang bata?!" nag e-echo ang boses ni Aira, sa loob ng bodega. Malalaki ang hakbang niya, at mukhang nagmamadali ito. Biglang nagpanting ang tainga ni Joy, kaya sa inis ni Joy, ay bigla siyang lumabas sa kanilang pinag tataguan na mag-asawa. Mabilis naman siyang hinila ni Travis, at niyakap ang kanyang asawa, saka muling ibinalik sa dati nitong kinatatayuan. Tinitigan din ni Travis, ang asawa at umiling pa siya para iparating kay Joy, na huwag

