Mabilis na lumapit si Travis, sa glass door at malakas niyang kinatok ang pinto. Hindi naman siya pinansin ng mga nasa loob ng Operating Room dahil busy sila sa kanilang mga ginagawa sa katawan ni Joy. "Open the door!" sigaw ni Travis, habang hinahampas nito ng malakas ang pinto. Takot at kaba ang lumukob sa kanyang buong pagkatao, habang pinapanood niyang nire-revive ng mga Doctor si Joy. Unti-unti na rin siyang napaluhod, habang naka hawak pa rin siya sa glass door. Hindi na rin niya napigilan ang hindi umiyak ng malakas, dahil sa takot niyang iwanan na siya ng kanyang pinaka mamahal na asawa. Hinding hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama kay Joy. Habang buhay niyang sisisihin ang kanyang sarili kung mawala ang kanyang asawa at ina ng kanyang anak. "Joooooy!" nag e-echo a

