Travis's POV Para akong nabunutan ng tinik sa aking lalamunan, matapos kong makita na gumising na si Joy. Sobra akong natakot kanina, akala ko ay tuloyan na akong iiwan ng asawa ko. Para din akong nanlambot at parang hinugot lahat ang lakas ko, habang pinagmamasdan ko ang aking asawa, habang neri-revive siya ng mga Doctor. Hindi ako pala dasal na tao, ngunit sa pagkakataon na ito ay nagmamakaawa ako sa dios para sa kaligtasan ng aking pinaka mamahal na asawa. Hindi naman ako nabigo sa kanya, dahil nang hilingin ko sa kanya na huwag muna niyang kunin sa akin si Joy, ay agad niyang ibinigay. Iniligtas din niya ang aming anak sa tiyak na kapahamakan. Kaya magmula sa araw na ito ay lagi na akong magdadasal at magsisimba. Kaya heto ako ngayon, naka luhod sa harapan ng Altar, dito sa Chape

