Isang lingo lang nanatili si Joy, sa Hospital. Dahil pinayagan na siya ng Doctor, na sa bahay na lang siya mag pagaling. Kaya agad siyang ini-uwi ni Travis, upang sa bahay na lang siya mag pahinga. "Daddy, bakit ibang daan ang tinatahak natin? diba dapat sa kabila ka dumaan?!" nagtataka si Joy, dahil iba na ang dinaanan nila pauwi. Hindi na ito ang dating dinadaanan nila noon pauwi sa kanilang bahay. "Tama sweetheart, ito ang tamang daan. Matulog ka muna, para hindi ka mahilo." sagot naman sa kanya ni Travis. Kaya ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata, dahil baka nahihilo lang siya, dahil sa dami ng mga gamot na kanyang iniinom. Nang makarating na sila sa harapan ng kanilang bahay ay saka pa lang siya ginising ni Travis. "Sweetheart, wakeup! nandito na tayo sa bahay natin. Nag

