Pag-uwi ni Travis, sa kanilang bahay ay agad n'yang hinanda ang lahat ng kanilang mga gamit. Mahimbing pa rin natutulog si Joy, nang dumating siya, kaya hindi na niya inabala ang kanyang asawa. S'ya na lang ang kusang nag ayos ng kanilang mga dadalhin. Isang malaking Maleta ang nilagyan niya ng mga damit nilang mag-asawa, lahat ng mga importanteng bagay na ginagamit nila ay inilagay niya sa loob ng maleta. Isang maleta din ang nilagyan n'ya ng mga gamit ni Trixie, pati mga gatas at diaper nito ay inilagay din niya sa isang malaking paper bag. Siniguro talaga niyang lahat ng kailangan ni Joy at Trixie, ay nailagay niya sa loob ng mga maleta. Agad din niyang isinakay ang mga maleta sa kanyang kotse, saka muling umakyat sa kanilang kuwarto, saka ginising si Joy. Mag u-umaga na rin kaya ayos

