"Kumain kana lang, ang dami mo pang nalalaman. Ang aga-aga pa, pero kalaswaan na agad ang nasa utak mo!" asik ni Joy, sa kanyang asawa. Tumaaa lang si Travis, dahil natutuwa talaga siya sa kanyang asawa kapag nag ba-blush ito. Lalo kasing gumaganda sa paningin niya si Joy, kapag namumula ang natural na maputing mukha nito. Nilapitan pa ni Travis, ang asawa at niyapos niya ito mula sa likod. Agad din niyang ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ng asawa at saka inamoy-amoy ito. "Hmmm! bango naman..." ani niya sa paos na boses. Agad naman siyang pinalo ni Joy, sa kanyang kamay. Dahil nasa harapan na sila ng pagkain ay iba pa ata ang gusto nitong gawin. "Umupo kana nga at kumain, mahiya ka naman sa grasya!." patalak ni Joy, sa asawa dahil kung saan-saan na rin nakarating ang kanyang mga

