Felix's POV
Maaga akong nagising dahil sa hindi maalis sa isip ko na papatay na ako ngayon ng tao. Natatakot ako. Ayoko talagang pumatay ng tao.
Ano bang kailangan kong gawin para mapigilan sila? Ano kaya kung sabihin ko kila Jhanelle na papatayin sila, kaya gaya nila ay tatakas narin ako.
Pero paano kung magpakita saamin si Jaika at pagpapatayin din kami? Ano ba talaga ang gagawin ko? Mababaliw na ako!
Lumabas ako kung saan kami natutulog ni Grego. Maglalakad na ako ngayon patungo sa Safe Room. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanila. Kailangan ng tuldukan ang lahat ng ito.
Papasok na sana ako sa Safe Room ng biglang sumulpot sa likod ko si Mr. Morgan.
"Oh, Felix mukhang excited ka ah. Mukhang namimili ka na kung sino ang papatayin mo sa kanila." Nakangising sambit niya. Nagulat lang ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Mr. Morgan.." ‘yun nalang ang lumabas sa bibig ko.
"Huwag na huwag mo akong bibiguin, Felix. Alam mo na mangyayari sayo kapag hindi ka sumunod saakin." Pangbabanta niya.
"Huwag kayong mag alala, makaasa po kayo saakin." Sagot ko. Asa siya. May plano na ako. Hindi na ako natatakot sa kanya. Kung patayan lang naman din ang gusto niya, sige lalaban na ako.
"Good, Felix. Ganyan nga!" Nakatawa niyang sabi at saka na ako iniwan.
Humanda ka, Mr. Morgan. Bukas na bukas ay hindi kana sisikatan ng araw.
Jhanelle's POV
Lalabas sana ako sa safe room ng biglang pumasok si Felix.
"Good morning, Felix. Ano kailangan mo? Ang aga mo atang nagising." Tanong ko sa kanya.
Nagulat ako ng hilahin niya ako papunta sa loob.
"May kailangan kayong malaman!" Sambit niya at nagkukumarat naglakad.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"Gisingin mo muna mga kaibigan mo. May sasabihin ako."
Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Seryoso kasi siya at sa tono palang ng pananalita niya ay mukhang may problema nga.
Isa-isa kong tinapik ang mga kaibigan ko at isa-isa din silang nagising.
"Anobayan! Natutulog pa yung tao eh." Naiinis na sambit ni Ada ng magising siya.
"Bakit ba kasi?" Tanong naman ni Jessa habang naghihikab pa.
"Dalawa pa sainyo ang maaring patayin nila." Sambit agad ni Felix na kinagulat naming lahat.
"Anong ibig mong sabihin?" Litong tanong ni Joy.
"Mabubuo na nila ang Siyam ng Puso. At dalawa sainyo ang kukumpleto doon. Si bethy na kaibigan nyo ay patay na. Hindi totoong tumakas siya. Ang totoo ay dinukot siya dito habang natutulog kayo. Pinatay siya nila Mr. Morgan. At pag hindi pa tayo kumilos, mamatay ang dalawa sainyo."
"What the f*ck!" sabi ni Jessa.
"My god! Bakit nag sinungaling si Papa saakin. So, anong plano natin? Please, Felix, tulungan mo kami!" Natatakot na naman ako. Sabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan si Papa eh. Baliw na nga siyang tunay.
"Felix, ikaw nalang aasahan namin. Ayoko pang mamatay." Natatakot na sabi ni Nikki.
"Oo nga, Felix. Ikaw na nalang ang pinagkakatiwalaan namin." Sambit naman ni Joy
"May plano na ako. Tutuldukan na natin ang lahat ng ito." Sambit ni Felix na sinang ayunan lang namin.
Grego's POV
Habang papasok ako sa kwarto kung saan nandun si Mr. morgan ay napatingin ako sa damuhan ng makakita ako ng isang pitaka.
Pinulot ko yun at binuklat. Ganun na lang ang gulat ko ng may makita akong picture doon. Takte, mukhang ang tapang tapang niya, tapos ganun lang pala siya.
May naisip ako. Tumuloy na ako sa loob ng kwarto ni Mr. Morgan. Wala siya doon. Inilapag ko na ang pitaka niya sa table niya.
Tiyak sa gagawin ko ay makukuha ko ang loob niya. Naghubad ako ng T-shirt.
Sa kwarto ni Mr. Morgan ay nagbuhat ako ng Barbell. Nag barbell muna ako para lalong lumaki ang katawan ko.
Kalahating oras ata akong nag gaganun. Pawisan na ako at galit na galit na ang mga ugat ko sa katawan.
Mayamaya ay pumasok na si Mr. Morgan.
Nanlaki ang mata nito ng makita ako. Tinitigan niyang mabuti ang buo kong katawan habang napapalunok pa ng laway.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal utal pa siya.
"Nag babarbell po." Nilalambingan ko ang salita ko.
"Teka, bakit ka ganyan mag salita?"
"Mr. Morgan, baka gusto nyo po?" Lambing ko paring sabi. Napapalunok parin siya ng laway.
"A-anong gusto! Anong pinagsasabi mo?" Pang mamaang maangan niya parin.
Binaba ko na ang barbell at lumapit na ako sa kanya.
"Baka kako gusto nyo akong tikman." Kinuha ko ang kamay niya at nilagay yun sa pawisan kong katawan. "Alam ko na , Mr. Morgan kung ano kayo. Nakita ko ang pitaka nyo na may picture nyo na may kahalikan kang lalaki. Sige na, Mr. Morgan. Ito na oh, palay na lumalapit sayo." Gulat na gulat lang si Mr. Morgan. Oo hindi kayo nagkakamali. Bakla nga si Mr. Morgan. May plano ako. Kukuhanin ko ang loob niya at doon paunti unti ko siyang papatayin.
Hindi rin nakapag pigil si Mr. Morgan at kumagat narin siya sa plano ko. Bakla nga ito!
Felix's POV
"So, ganun ang gagawin natin. Maliwanag? Humanda kayo. Uunahin natin si Mr. Morgan. Ako ng bahala sa kapatid ko. Madaling pakiusapan iyun at magiging kakampi din natin siya." Mahaba kong pahayag sa kanila.
"Ako na bahala kay Papa." Maikling sambit ni Jhanelle.
"Papatayin mo siya, jhanelle?" Tanong ni joy.
"Hindi. Bibigyan ko lang siya ng leksyon." Sagot niya kay Joy.
"Akala ko pa naman, ligtas na tayo. Nasa bingit parin pala tayo ng kamatayan." Sambit ni Jessa.
"Maging maingat nalang tayo." Maikling sabi ni Ada. Seryoso na talaga silang lahat. Sabagay buhay na ang pinag uusapan kaya dapat lang na mag seryoso.
Napatigil nalang kami sa pag uusap ng biglang may kumatok.
Lahat kami ay natahimik at agad ko na naman ding binuksan ang pinto.
"Doctor Jamieson, kayo po pala?." Bigla namang natakot ang mga kababaihan.
"Wala ba dito si Mr. Morgan?" Tanong niya.
"Wala po." Maikli kong sagot.
"Ganun ba. Hinahanap ko kasi siya eh, pwede bang pakisabing pumunta siya sa kwarto ko at may sasabihin kamo ako." Utos niya saakin.
"Sige po," maikli kong sagot at agad nadin siyang sinunod.
Humanda ka sa anak mo Doctor Jamieson. Galit siya. Siguradong magugulat ka sa gagawin nito.
Malayo palang ako sa kinaroroon ni Mr. Morgan nang makarinig ako ng umuungol.
Kung hindi ako nagkakamali ay boses yun ng kapatid ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko sa nakita ko.
Tang-ina! Bakla si Mr. Morgan?