Chapter 12

1145 Words
Jamieson's POV Nadinig ko ang lahat ng pinag uusapan nila. Traydor itong si Felix. Humanda siya at ipapapatay ko siya kay Morgan. Pag alis ni Felix sa Safe Room ay nag hagis na ako sa loob ng pampausok. Pampausok na makakapag patulog sa kanila pag naamoy nila iyun. Mayamaya ay sumilip ako sa loob. Lahat sila ay tulog at wala ng malay. Kumuha ako ng tali at isa-isa ko silang tinali. Sorry nalang sa anak ko. Kailangan ko talaga ang mga kaibigan niya. Nang matali ko na sila ay nilock ko na ang pinto ng Safe Room. Humanda saakin si Felix. Ililigpit ko narin siya at saka ko isusunod ang kapatid niya. Baka mamaya may iba pa silang pinaplano na hindi ko alam. Pumunta ako sa silid ko. Kumuha muna ako ng baril bago ko harapin si Felix. Grego's POV Nang matapos akong paligayahin ni Mr. Morgan ay pinagpawisan ako ng marami. Ngumiti pa saakin si Mr. Morgan habang nagbibihis ako. "Walang dapat makaalam nito Grego. Gago ka! papatayin kita pag kumalat ito." Sambit ni Mr. Morgan at lalabas na sana siya ng bigla ko siyang batuhin ng malaking kahoy. Sapul ito sa ulo kaya naman, natumbay siya at nawalan agad ng malay. Agad ako siyang hinila sa isang liblib na lugar dito sa Gubat. Itinali ko siya sa isang maliit na puno. Mahigpit na mahigpit iyun para hindi siya makawala. Mabuti nalang at hindi ko nabulabog si Jaika, dahil hindi ito nag pakita. Matapos nun ay hinanap ko na si Kuya felix para sabihin ang lahat ng ginawa ko. Tiyak na matutuwa siya dahil makakaalis narin kami sa gubat na ito. Habang tumatakbo ako papunta sa safe room ay nagulat ako sa aking nakita. Si Doctor Jamieson, babarilin ang kuya ko. "Anong ibig sabihin nito, Doctor Jamieson?" Tanong ko habang hawak hawak ko naman ang baril na nakuha ko kay Mr. Morgan. "G-grego, tulungan mo ako!" Takot na takot na sabi ng kuya ko. "Mga traydor talaga!" Galit na sabi ni Dr. Jamieson na hindi ko maintindihan. Hindi kaya nakita niya ang ginawa ko kay Mr. Morgan? "Alam ko na, na may mga plano kayo! Mga walangya kayo! Kala nyo makakatakas kayo dito." Galit na galit si Dr. Jamieson habang papalit palit siya ng tutok ng baril saamin ni Kuya Felix. "Ang gulooooooo!" Biglang lumitaw ang nakakatakot at nakakadiring mukha ni Jaika. Nakalutang ito sa hangin at galit na galit. "Anak, patayin mo sila. Mga traydor yan. Tatakas sila dito." Biglang sabi ni Dr. Jamieson na kinatakot ko. Unting unting tumingin saakin si Jaika. Nakakatakot. Humangin ng malakas ang buong paligid. Mayamaya ay bigla kong nabitawan ang baril. Kusa iyung lumutang at nagulat ako ng tumutok saakin ng kusa iyun. "Papatayin kita!!!" Galit na galit na sigaw ni Jaika at bigla ng naglabas ng maraming bala ang baril at lahat ng yun ay tumama saakin. Halos tadtadin ako ng putok ng baril. Si Kuya Felix, nakita kong nag iiyak habang pinapanuod akong pinapaputukan ng baril. Bumagsak ako sa damuhan at doon nalugutan na ako ng hininga. Felix's POV Awang-awa ako sa sinapit ng kapatid ko. Wala na. Wala na siya. Pinatay na siya ng walangyang si Jaika. Natatakot ako na baka isunod na nila ako kaya nagmakaawa na ako kay Doctor Jamieson. "Parang awa nyo na, Doctor Jamieson, 'wag nyo akong patayin. Pangako, susunod na ako sa lahat ng utos niyo at hindi na ako magtatangkang tumakas." Maya-maya ay saakin na tumingin ang nakakatakot na mukha ni Jaika. Galit siyang nakatingin saakin at sa pamamagitan ng paglutang ay lumapit siya saakin at nagsalita. "Siguraduhin mo lang at isusunod talaga kita sa kapatid mo!" Sa isang titig niya ay tumilapon ako sa padir. Napaka makapangyarihan ni Jaika. Nakakatakot siya. Sumakit tuloy ang likod ko dahil malakas na tumama yun sa pader. Jhanelle's POV Masakit ang ulo ko ng magising ako. Nagulat ako habang unti-unti akong dumilat.ay naakatali ako. Ay hindi, kami pala. Si Joy, Nikki at Jessa. Teka, nasaan si Ada? Bakit wala ang isa kong kaibigan. "Hoy gumising kayo! Wala si Ada! Nasaan siya?!" Sigaw ko. Unti-unti silang nagising at nagulat lang din. "B-bakit tayo nakatali? Anong nangyari?" Tanong bigla ng natatakot na si Nikki. "Wag nyong sabihing nag uumpisa na ulit silang pumatay?" Tanong bigla ni Jessa. "Jhanelle! Natatakot na kami. Please! Hindi mo ba mapapakiusapan ang Papa mo? Hindi ba pwedeng iba nalang, wag kami." Naiyak na si Joy. Natatakot na siguro siya sa susunod na mangyayari. "Sorry guys! Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng Papa ko. Baliw na nga ata siya. Pero, sige, susubukan ko kung meron pa siyang awang natitira sa puso niya. Pero isa lang ang magagawa ko kapag hindi niya tayo pinakinggan. Kung patayan lang ang labanan, lalaban na tayo." Desidido na ako. Walangya siya. Hindi talaga siya makakapagkatiwalaan. Mamamatay tao siya! Felix's POV "Mga hayop kayo! Tang ina nyo! Lalo kana, Feli. Napaniwala mong tatakas tayo, pero ano ito?" Galit na galit si Ada saakin. Naawa ako sa kanya. Ayokong gawin ang inuutos ni Dr. Jamieson, kaya lang buhay ko naman ang malalagay sa alanganin. "Sige na, Felix. Umpisahan mo na." Utos ni Dr. Jamieson habang nakatutok saakin ang baril niya. Tumutulo na ang luha ko habang hawak ko ang kampit. Unti unti akong lumapit kay Ada. Nakikita kong natatakot na siya. Patawarin niya sana ako. Hindi ko ito ginusto. Kung ako lang masusunod, walang mamatay. "Parang awa mo na, Felix. Wag!" Nagmamakaawa si Ada. Iyak siya ng iyak at ganun din ako. "Sorry! Ada, Sorry!" Doon ay mabilis ko nang hiniwa ang leeg ni Ada. Sumirampot ang dugo niya at nagsitalsikan saakin. Nangingisay si Ada habang binabawian ng buhay. Mayamaya lang ay nawala narin siya ng buhay. Hindi ko inaakalang makakapatay ako ng tao. Sunod nun ay inuka ko na ang puso ni Ada. Malinis ko iyun ng inilagay sa isang garapon. "Kapag ganyan eh, magkakasundo tayo, Felix. Sige na, ilabas mo na yan at hanapin mo si Mr. Morgan." Hinila ko ang bangkay ni Ada palabas at saka ko yun itinapon sa isang liblib na lugar dito sa gubat. Habang nag lalakad ako ay nakarinig ako bigla ng humihingi ng tulong. Nagulat ako ng makaaninag ako ng lalaking nakatali sa puno. Hindi ako nagkakamali. Si Mr. Morgan yun. "Felix? Ikaw nga, Felix. Parang awa mo na tulungan mo ako!" Sambit niya. Anong ginawa niya dito. Hindi kaya kagagawan ito ni Grego? Medyo lumakas ang loob ko. Tutal ay tinuruan naman na akong pumatay ni Dr. Jamieson, pwes, susulitin ko na. "Sige, tutulungan kita." Sambit ko pero bigla kong sinaksak ng kampit ang puso niya. Tinadtad ko ng saksak yun para hindi na siya makaligtas. "W-walangya ka!" Narinig kong sabi niya at maya maya lang ay nalagutan na siya ng hininga. Tumayo ako at naglakad ng muli. Humanda ka, Jamieson! Nag Iisa ka nalang! Hahanap ako ng tyempo para patayin ka! Isusunod na kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD