Epilogue

1664 Words
Felix's POV Maaga akong ginising ni Doctor Jamieson. Ipagluto ko raw ng umagahan sina Jhanelle at ang mga kaibigan niya. Matapos akong magluto ay ako parin ang nag pakain sa kanila habang nakaupo. Napakalupit lang ni Doctor at hinayaan silang matulog ng nakaupo. Ang hirap kaya nun! "Anong nangyari, Felix? Nasaan na? Akala ko ba ay tatakas tayo?" Tanong bigla ni Jhanelle. "Eh si Ada? Pinatay naba nila?" Tanong naman ni Nikki. "Ngawit na ngawit na ako dito. Tanggalin mo na ang tali bilis!" -Si Jessa. Isa-isa ko silang sinusubuan ng pagkain. Para silang batang sanggol na sinusubuan ko ng kutchara. Wala narin silangchoice, dahil gutom sila magdamag kagabi. "H'wag kayong mag alala. Gagawa ako ng paraan. At si Ada, kinalulungkot kong sabihin na patay na siya!" Halos mapailing nalang sila sa sinabi ko. "Pati ang kapatid ko at si Mr. Morgan patay narin." Duktong ko pang sabi. "Ano?! Bakit? Sino pumatay sa kanila? Pinatay ba sila ni Papa?" Tanong ni Jhanelle. Si Nikki at Joy naghihintay lang din ng sagot saakin. "Si Grego, pinatay ni Jaika. Si Mr. Morgan, pinatay ko naman." "Nag iisa nalang si Papa. Kaya mo na siya, Felix. Wala na akong pake kung mamatay siya. Walangya siya!" Galit na galit si Jhanelle. Kinasusuklaman na niya ang Ama niya. JASMIN'S POV Nag aalala na ako. Ilang araw ng hindi tumatawag o nagtetext ang anak kong si Jhanelle. Nakausap ko nadin ang ina ng mga kasama nila, pero ni sila ay hindi parin makontak ang mga ito. Nag aalala na kaming mga magulang nila. Sana lang ay mali kami sa hinala namin. Sana lang ay ayos sila at hindi napahamak. FELIX'S POV Kinagabihan, pinatawag ako ni Doctor Jamieson. Sinabi niyang ngayong gabi ay kokompletuhin na namin ang Siyam na puso na iaalay. Mamaya din daw ay dadating na si Mr. Edmond, na siyang gagawa ng ritwal para buhayin si Jaika. Ngayong gabi narin ang plano kong pagtakas, kasama nila Jhanelle. "Sige na, Felix. Kompletuhin na natin ang siyam na puso." Sambit niya habang nakatingin sa mga walong garapon na may lamang puso ng tao. Iniisip ko, ano kayang magiging kalalabasan ni Jaika? Mabuhay at maging tao nga kaya siyang muli? Sabi kasi ay bubuhayin siya ng dimonyong, nakausap ni Mr. Edmond. Nakakatakot! Bakit kaya nagagawa yun ni Mr. Edmond? May lahi ba sila ni Satanas at nakaka-kausap siya ng ganun? "Felix!" Sigaw ni Doctor Jamieson. "Ano po?! P-papatayin ko na ba ang isa sa kanila?" Tanong ko. "Tama! Gawin mo na. At Felix, Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng ano mang ikagagalit ko. Hindi talaga ako, magdadalawang isip na ipapatay ka kay Jaika." Sa sinabi niyang yun ay medyo nawala ang lakas ng loob ko. Nakakatakot kasi talaga si Jaika. Ang brutal niya kung pumatay. Pero dahil kailangan kong gumanti, dahil pinatay niya ang kapatid ko,lalaban na ako kahit ano pang mangyari. Susugal na ako. Lumabas na ako mula sa silid ni Doctor Jamieson. Naglakad na ako patungo sa Safe Room kung saan nandun sina Jhanelle. Alam kong nakasunod lang saakin si Doctor Jamieson, habang nakatutok ang isang baril. Pag pasok namin sa safe room ay nalukot na agad ang mga mukha nila. "Papa,tama na. Pakawalan mo na kami!" Sigaw agad ni Jhanelle. Hindi kumikibo si Doctor Jamieson. Nananitili lang siyang takip tenga sa lahat ng pagmamakaawa nila Jhanelle. "Sige na, kunin mo na ang isang yan!" Turo ni Doctor Jamieson, kay Jessa. Bigla namang natakot si Jessa. "T-tito Jamieson, maawa kayo. Wag ako. S-siya nalang!" Sambit niya at tinuro niya si Nikki. "H'wag ako. Ayoko pang mamatay!" Takot na takot din si Nikki. Sisiguraduhin kong wala ng mamatay. Kung may mamatay man, si Doctor Jamieson yun. "Ako na lang. Ako nalang ang bubuo sa siyam na puso." Nabigla kaming lahat kay Jhanelle. "Jhanelle, tumigil ka. Hindi ako papayag na ikaw ang mamatay!" Sigaw ni Doctor Jamieson. "Kung hindi pwedeng si Jhanelle. Mas mabuting ikaw nalang ang mamatay." Bigla kong tinutok ang baril kay Doctor Jamieson at saka ko siya pinaputukan ng Baril. Tinamaan siya kaya nabuwal ito sa sahig. Nang wala na siyang malay-tao ay pinagtatanggal ko na ang mga tali nila Jhanelle. Kahit gabi na, hindi na kami natakot na lumabas, para makatakas lang. Habang tumatakbo kami sa madalim na gubat ay isang malakas na hangin ang sumalubong saamin. "Ayan na siya!" Takot na sabi ni Nikki. Lahat kami napatigil sa pagtakbo at tumingin sa buong paligid. "Hindi kayo makakatakas!" Bigla kaming nakarinig ng isang malakas na boses na parang umeecho sa buong gubat. "Ahhhhhhh!!!"" Nagulat kami ng biglang tumili si Jessa. Lumutang siya sa taas, kasama ng nakakatakot na itsura na si Jaika. Doon ay manomano niyang pinagbabalik ang mga buto ni Jessa. Halos napapailing nalang kami sa ginagawa niya kay Jessa. Unang beses makita ni Jhanelle ang kapatid kaya gulat na gulat siya. "Anong nilalang iyan?" Gulat na wika ni Joy. Habang tumulo ang mga dugo sa bali-baling braso ni Jessa ay napapasigaw siya sa sakit. Napalaki ang mata at napatahimik nalang si Jessa ng dukutin na ni Jaika ang Puso nito. Nang wala na ang puso ni Jessa ay agad na niya itong nilaglag sa damuhan. Masuka-suka sila Joy, Nikki at Jhanelle sa madugong nangyari kay Jessa. "Kamusta mahal kong kapatid?" Napunta ang paningin ni Jaika kay Jhanelle. "Ate maawa ka! Wag ka ng pumatay. Maawa ka saamin!" Pagmamakaawa ni Jhanelle sa kapatid niya. Nawala ang malakas na hangin sa buong paligid. Nawala rin ang nakakunot at nakakatakot na mukha ni Jaika. Napalit yun ng maaliwalas na mukha. "H'wag kang mag alala. Ligtas na kayo. Ito na ang huli. Buo na ang siyam na puso kaya ligtas na kayo." "Sige na, Mr. Edmond. Simulan mo na ang ritwal." Nagulat kaming lahat sa biglang sumulpot sina Doctor Jamieson kasama si Mr. Edmond. May dala si Mr. Edmond na itim na libro. Dala narin ni Doctor jamieson ang walong puso ng taong pinatay nila. Nakita kong dumudugo ang braso niya. Doon ko pala siya tinamaan. JHANELLE'S POV Inihanda na ni Mr. Edmond ang siyam na puso ng tao at siyam na itim nang kandila. Isa isa narin niyang sinisindihan ang kandila. Si Nikki, Joy at Felix, tahimik lang na nanunuod sa kanila. Pero halata kong may takot parin sa puso nila. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Kaluluwa ni Ate Jaika ang nasa gitna ng siyam ng puso na tao at siyam na itim na kandila naman ang nakabilog sa paligid niya. Mayamaya pa ay binasa na ni Mr. Edmond ang hindi maintindihang lenggwahe galing sa itim na libro. Ilan pang sandali ay lumutang ang siyam na kandila at natunaw bigla ang mga yun at napuntan sa kaluluwa ni Ate Jaika. Manghang mangha sila Joy, Nikki at Felix sa nakikita nila. "Ayan na. Mabubuhay ka na, anak!" Masayang sambit ni Papa. Sumunod ay isa isa naring lumutang ang siyam ng puso ng tao at isa isa narin iyung pumasok mula sa bibig ni Ate Jaika. Nang mapunta na ang lahat ng puso sa loob ng katawan niya, ay bumalot na bigla ang isang itim na usok sa buo niyang katawan. Palakas na ng palakas ang basa ni Mr. Edmond sa mga hindi paring maintindihang lenggwahe. "Demns satan ekmalumit siikmalu Jaikkkkkaaaaa!" Nang sambitin ni Mr. Edmond ang huling salita ay lumabas na ang malakas na hangin. Sunod nun ay kumidlat at kumulog at sabay buhos ang malakas na ulan. Basang basa na kaming lahat pero si Ate Jaika, nababalot parin ng itim na usok. Kasabay ng biglang pagsikat ng araw ay nakita naming walang malay na nakahiga ang katawan ni Ate Jaika sa damuhan. "Totoo ba ito? Buhay na ulit ang anak ko?" Masayang wika ni Papa. Gulat na gulat kaming lahat. Si Nikki, nakayakap saakin. Si Joy naman ay nanatiling nakatitig sa biglang naging taong muli na si Ate Jaika. Mayamaya ay nagkamalay narin si Ate Jaika. Seryoso siyang tumayo habang tinitignan kaming lahat. Buong akala namin ay ayos na ang lahat. Pero nagkakamali kami. "Salamat at buhay na ako! Ngayon, magagawa ko na ang gusto ko!" Biglang pumitik si Ate Jaika ng isang malakas at sa isang iglap ay isang-isang naputol ang ulo nila, Joy, Nikki at Mr. Edmond. Nagulat ako. Bigla akong napayakap kay Felix. "Ikaw, papa. Akala mo okay na tayo at binuhay mo ako!? Nagkakamali ka. Mamatay ka rin!" Sa isang matulis na tingin ni Ate Jaika ay nagkadurog durog bigla ang katawan ni Papa. Halos mapuno ang katawan namin ng puro talsik ng dugo na galing kay Papa. Matapos matumba ang lahat ay nginisian lang ako ng kapatid ko. Nagtaka ako kasi kami lang ni Felix ang binuhay niya. H'wag kang mag alala, bunso. Hindi ko kayo papatayin ni Felix. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Simula ngayon ay ako na ang magtatanggol sayo, sainyo ni Mommy. Miss na miss ko na kayo." Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya oo hindi. Natatakot parin kasi ako. "S-salamat, Jaika, Salamat!" Sagot ni Felix dito. "Tara na, umuwi na tayo. Umuwi na tayo kay Mommy." Aya ni Ate. Sumakay kami sa sasakyan na dala ata ni Mr. Edmond. Si Felix ang nagmamaneho habang si Ate Jaika ang katabi ko sa likod habang hawak hawak niya ang itim na libro ni Mr. Edmond. Habang papaalis kami ay mahigpit akong yakap yakap ni Ate Jaika. Nang tignan ko siya ay isang Matalim na ngiti ang binigay niya saakin. Masaya ako na ligtas kami ni Felix. Ang kinakakaba ko lang ay kasama naming uuwi si Ate Jaika. Ligtas nga kaya kami sa kanya? "H'wag kang mag alala, ligtas kayo saakin." Nagtaka ako. Paanong narinig niya ang sinasabi ko sa isip ko? Tinignan ko ulit siya. Binigyan niya ulit ako ng matalim na ngiti. Pero nagulat ako ng maging pula ang itim na mata niya. Natakot ako. Hindi na ito tama. Alam kong hindi na si Ate Jaika ang kasama naming uuwi. Hindi siya tao. Hindi siya ang kapatid ko. DIMONYO ang kasama namin sa kotseng ito. DIMONYO! ~W A K A S ~

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD