Jhanelle's POV
"May kapatid pa po ako, Mommy?" Tanong ko habang parehas kaming umiiyak.
"Oo, Jhanelle. Pero pwede, saka na natin pag usapan iyan. Ayoko muna. Hindi ko na kaya pang mag kwento at naalala ko lang ang lahat ng kadimonyohan ng Papa mo. ‘Wag kang mag alala, ikukuwento ko din sayo ang lahat. Hindi muna ngayon dahil hindi ko pa kayang ikwento."
"Okay po, Mommy, sige tama na po ang pag iyak. Mabuti pa po ay kumain na tayo." Ngayon ay naiintindihan ko na siya. Parang pati ako ay nagagalit narin kay Papa. Papaano niya nagawang patayin ang kapatid ko? Pero kung totoong buhay pa nga si Papa, hindi ko na nanaisin pang makita siya. Ngayon ay pati ako ay natatakot na sa kanya. Kinamumuhian ko narin siya kagaya ni Mommy. Ayoko na sa kanya.
Sa school ay walang pumapasok sa utak ko. Tulala parin ako sa mga natuklasan ko.
"Miss Jhanelle Opay! Nakikinig kaba? Bakit sa labas ka nakatingin?"
"Sorry po, Ma'am." Sagot ko.
May ilan na pinagtawanan ako. May ilang inirapan pa ako. Wala akong pake sa kanila. Ganyan naman sila eh. Kaya wala akong kaibigan sa room na ito eh. Mga masyadong epal. Mga plastik at mga feeling susyal. Akala naman nila kinagandan nila yun. Mga pangit sila, bwisit!
Matapos ang klase ay lumabas na ako ng room nayun dahil masyadong mahangin. Paano ba naman, puro mahahangin ang tao doon. Buti nalang at tatlong araw nalang ay hindi ko na sila makikita. Mga nakakairita ang mga mukha nilang puro kolorete.
Dahil sa hindi kami magkikita kita ng mga solid friends ko, minabuti ko nalang na umuwi. Ayokong mag gagastos at sa sabado ng gabi ay aalis na kami. Tipid tipid din pag may time.
Pag uwi sa bahay ay nadatnan kong walang tao. "Saan kaya nagpunta si Mommy?" Pinuntahan ko siya sa kwarto niya pero, wala rin siya doon.
Naisip ko bigla. Nasaan kaya yung Camera ni Mommy? Gusto kong dalin yung DSLR niya. Ichacharge ko na yung battery at baka mamaya ay sira nayun. Matagal na kasing hindi nagagamit.
Hinalungkab ko ang aparador niya, hanggang sa may makita akong picture. Kinuha ko yun at nagulat ako sa nakita ko. Picture nila Mommy at Papa, kasama ng isang babaeng dalaga. Kamukha ko siya. Siya siguro yung sinasabi ni Mami na Ate ko. Sayang, hindi ko manlang nakita si Ate. Hindi ko manlang siya naka-bonding. Ano kaya dahilan ni Papa at pinatay niya si Ate? Saka ano kayang pangalan ng Ate ko?
Nakahiga ako sa kama ko ng biglang bumukas ang aparador ko. Nagtaka ako. Paano nagbukas iyon kung wala namang hangin. Tumayo ako at unti unti akong lumapit para isarado iyun.
Ganun-ganun nalang ang takot ko ng may maaninag ako sa bintana ng kwarto ko.
Kitang kita sa anino na galing sa buwan ang babaeng nakatayo sa tapat na bintana ko. Nakapagtataka. Paano niya nagawang tumayo doon na wala namang matutungtungan. Nagsimula ng magtaasan ang balahibo ko.
"Sino ka?" Tanong ko sa nanginginig na boses.
Bigla nang lumakas ang hangin sa loob ng kwarto ko na lalo nag pangatog saakin.
Sinubukan kong ipikit ang mata ko, natatakot na kasi talaga ako. At pag bukas ng mata ko ay laking gulat ko ng wala na ang babae sa bintana.
"Kamusta, bunso!" Laking gulat ko nalang ng may malamig na boses akong madinig.
Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at laking gulat ko ng bigla akong tumilapon sa kama kasama ng isang babaeng nakabistidang puti.
Sinakal niya ako. "Papatayin kita!" Dinidiin niya ang pagkakasakal saakin kaya halos hindi na ako makahinga.
"Anong nangyayari sayo, Jhanelle. Gumising ka!" Nagulat ako ng imulat ko ang mata ko. Agad kong nakita si Mommy. Laking gulat ko nalang din ng sakal sakal ko pala ang sarili ko.
"Panaginip lang pala! Nakakatakot, Mommy!" Sambit ko at sabay yakap kay Mommy.
"Binabangungot ka anak."
"Napanaginipan ko si Ate. Papatayin niya ako sa panaginip ko. Nakakatakot!"
"Panaginip lang iyun anak. Sige na, bumangon at magbihis kana. Kanina pa sa baba ang mga katropa mo. Hinihintay ka," Sambit ni Mommy
Ay oo nga pala, sabado nga pala ngayon. Mamimili na kami ng iluluto at ibabaon namin mamaya sa Vigan.
Matapos naming mamili ay tumuloy kami sa bahay nila Nikki. Nagpatulong kasi kaming magluto sa Mama niya. Masarap kasi magluluto si tita Solidad.
"Excited na ako," Sambit ni Bethy habang naghihiwa ng gulay.
"Ako din. Nakagayak na nga mga damit na dadalin ko eh. Sana lang makaramdam tayo dun ng mga ligaw na kaluluwa. Masaya yung ganung takutan." Sambit ni Nel at saka tumingin kay Nikki. Ganyan ganyan sila kung inisin si Nikki.
"Sige lang, hindi na talaga ako sasama." Sambit ni nikki na naka kunot ang Noo.
"Napakaduwag mo talaga!" Pang aasar pa ni Ada habang naghihiwa ng karne ng baboy.
"Tama na yan. Wag nyo kasing tinatakot ang anak ko. Alam nyo namang duwag, niloloko niyo pa." Natahimik sila sa sinabi ni tita solidad.
"Sorry po tita." Sambit ni Nel.
Matapos magluto ay kanya kanya na kaming uwi para gumayak. Maya-mayang 7 ng gabi kasi ay aalis na kami.
Pag uwi ko sa bahay ay agad na akong gumayak. Isang maleta ang dala ko. Nandun na lahat lahat, pati ang camera na dadalin ko.
Mayamaya din ay dumaan na ang Van na sasakyan namin.
"Anak, Jhanelle, mag iingat ka. Pati narin kayo," sambit ni Mommy ng umakyat na ako sa Van.
"Okay po, kayo din po Mommy. Ingat kayo diyan. Tatawag po ako pag nandun na kami. Goodnight Mommy." Sambit ko at nagpaalam narin sila kanya.
Habang umaandar na kami ay sari-saring usapan ang nangyari.
"Wait, what if, uminom tayo ng alak habang bumi-byahe?" Sambit ni Ada.
"Good idea, Ada. Pero bawal si Nel at baka kung saan tayo abutin nito," Sambit ni Jessa. Nalungkot naman siNel. Napaka adik kasi nito sa alak. Sorry siya kasi siya ang mag mamaneho kaya bawal siyang uminom.
Mayamaya ay binuksan na ni Ada ang bintana ng van. Nagbukas kasi siya ng sigarilyo. Naglabasan na talaga ang mga bisyo nila.
Habang nasa biyahe ay umiinom na nga kami. Halos ako ay may tama na, pero sila wala pa ata. Mahina kasi ako iinom.
"Hoy titingin-tingin kayo sa daanan. Baka mamaya makakita tayo ng White lady. Masaya ‘yun." Sambit ni Bethy.
"Wala akong pake. Ngingitian ko pa siya." Sambit ni Nikki. Tumatapang ang gaga pag nalalasing.
Mayamaya ay bigla nalang bumagal ang takbo ng sasakyan namin.
Tapos na kaming uminom kaya wala na akong tama. Sila mga tulog na.
Biglang napalakas ang preno ni Nel kaya nagising sila.
"Ay s**t!" Sambit ni Ada.
"What happen?" Tanong ni Jessa na naalingpungatan.
"Ayusin mo naman pagmamaneho, Nel." Inis na sambit ni Lester.
"Mga gaga! Nabutas ata ang gulong ng van ko." Sambit ni nel.
Baba na sana si bethy ng van ng pagbukas niya ng pinto ay may nag hagis bigla ng anong bagay sa loob at biglang may kumalat na usok doon.
Sumigaw kaming lahat pero mayamaya lang ay unti unti na kaming nawalan ng malay.