Jhanelle's POV
Nagising ako nang nasa isang madilim na kulong na bahay na ako. Masakit ang ulo ko ng bumangon ako. Naalala ko bigla ang nangyai saamin Nasaan na kaya sila? Wala akong makita, masyadong madilim.
Nakapa ko sa bulsa ko ang ang cellphone ko. Binuksan ko ang Flashlight at laking gulat ko ng makita ko sa tabi ko sina Bethy, Jessa, Ada, Nikki at Joy. Pero teka, Nasaan sina Lester at Nel? Wala sila dito sa kulong na bahay na ito.
"Guys! Gising!" Tinapik tapik ko sila.
Unang nagising si Jessa. "Anong nangyari?”
"My god! Nasaan tayo?" Gising nadin si Bethy.
May biglang yumakap saakin kaya nagulat ako. "Wahhh! Nasaan tayo?" Si Nikki pala.
"Teka, nasaan yung dalawa? Nasaan sina Nel at Lester?" Tanong ni Ada.
"Ahhhhhhhhhh!!!" Nagulat kaming lahat sa nadinig namin. Sigurado kaming si Lester ang sumigaw nayun.
"My God! Si Lester iyun. Anong nangyari? Natatakot na ako!" Sambit ni Jessa.
Nagtabi-tabi kaming anim. Lahat kami ay natakot. Minabuti nalang namin manahimik hanggang sa sumikat ang araw.
Nakadinig kami ng mga yapak. Mayamaya ay may nagbukas na ng pinto kung saan nakakulong kami.
Dalawang lalaki ang bumungad saamin. Malalaki ang katawan nila at may mga halong konting dugo ang mga damit nila.
Biglang tumayo si Ada."Sino kayo? Saan nyo kami dinala? Mga hayop kayo ah!" Lumapit si Ada sa dalawang lalaki at pinagsasapak niya ang mga ito.
"Aba! Palaban ang isang ito! Halika, kailangan mo ng alamin ang patakaran dito." Sabi ng isang lalaki at nagulat kami ng bigla niyang sinikmuraan si Ada.
"s**t! ‘Wag mong saktan ang kaibigan namin!" Sambit ni Jessa.
"F*ck you ka! Saan mo ako dadalin?" Sigaw ni Ada.
Umalis na iyung isang lalaki na dala-dala si Ada.
"Kayo, sumunod kayo saakin." Sambit nung isang lalaki.
"Anong gagawin nyo saamin?" Takot na takot si nikki.
Nangangatog kaming lahat habang sumusunod sa kanya.
"Maghintay kayo. Isa-isa kayong papasok sa loob ng kwartong iyan. Diyan ang room kung saan dadaan ang lahat ng baguhan dito." Sambit nung lalaki.
Mayamaya pa ay lumabas na si Ada.
"Ada!? Anong nangyari? Anong ginawa nila sayo?" Nakasigaw na tanong ni Bethy. Bigla siyang sinampal ng isang lalaki.
"Bawal maingay dito!" Sambit nung lalaki kay Bethy.
Tinignan namin si Ada. Nakatingin lang ito sa baba at hindi manlang kami tinignan at kinausap. Dinala na siya sa isang malaking bahay.
"Saan nyo siya dadalin? Ada?! Bakit naging ganun si Ada? Bakit hindi na niya tayo pinansin?" Nagtatakang tanong ni Nikki.
"Ikaw na ang susunod, babaeng maingay!" Sambit ng lalaki at agad na hinila si Bethy.
"Ahhh! Saan niyo ako dadalin? Guys, tulungan nyo ako!" Sambit ni bethy habang hila hila siya nung isang lalaki.
"Ano bang gagawin nila? Anong gagawin nila saatin?" Natatakot na tanong ni Nikki.
"Makakaalis din tayo dito. Wag kang matakot Nikki." Sambit ko sa kanya.
"Ngayon ay magagawa nyo pa yang pag uusap nyo. Pero sa susunod, hindi na. Sige, samantalahin nyo na." Sabi nung lalaki at saka kami nginisian.
"Kuya, maawa naman kayo saamin. Pakawalan nyo na kami." Nagmamakaawang sambit ni Joy sa lalaki.
Hindi siya pinansin nito. At laking gulat ko ng titigan niya ako.
"Ikaw, parang familiar ang mukha mo." Sambit niya bigla saakin. Ha? Baliw ba siya? Hindi ko nga siya kilala eh.
"Ha? Sino kaba? Hindi nga kita kilala eh," sabi ko sa kanya at saka ko siya inirapan.
Mayamaya ay lumabas na si Bethy. Tulad ni Ada ay nakatingin lang din ito sa baba. Walang ekspresyon ang mukha niya at sumusunod lang siya sa lalaking malaki ang katawan.
"Anong nangyari? Bakit nagkakaganun sila paglabas ng kwartong iyan?" Nagtatakang tanong ni Joy.
Medyo kinakabahan na ako. Anong ginagawa nila at nagkakaganun sila Ada at Bethy?
"Ikaw, ikaw na sumunod." Sambit nung lalaki kay Jessa.
"Ayoko! Ayoko!" Nagpupumiglas si Jessa. Dahil sa malakas ang lalaki ay hindi na ito nakawala. Naipasok narin siya sa loob.
"Tatlo nalang tayo. Anong gagawin natin? Ayokong sumunod sa kanila. Natatakot ako." Nakita kong umiiyak na si Nikki. Naawa ako sa kanya.
"Parang awa nyo na po. Pakawalan nyo na kami." Naiiyak na sambit ni Nikki sa lalaking nagbabantay saamin.
"Wala na kayong magagawa. Tumakas man kayo ay hindi rin kayo mabubuhay dahil may nilalang dito na pumapatay ng tao. Lalo na kapag maingay ka!" Sambit nung lalaki.
"Magkano ang kailangan mo? Babayaran kita, pakawalan mo lang kami." Sambit ni Joy sa lalaki.
"Nagpapatawa kaba? Kahit ako gusto ko mang tumakas, pero diko magawa. Lahat tayo, hawak na ni doctor sa leeg. Gaya nyo rin ako, Pare-parehas lang tayong nakakulong sa lugar nato. Isa lang ang pagkakaiba. May mataas na akong tungkulin kaya ligtas ako sa mga patayang magaganap." Sambit niya.
"Ha? Patayan? May patayang magaganap?" Natakot ako. Ibig sabihin, nasa delikado kaming lugar.
"Walang mamatay kung maayos kayong susunod sa patakaran." Sambit pa ng lalaki.
Mayamaya ay lumabas na si Jessa. Ganun nadin siya. Hindi na namamansin at parang tulala.
Lahat sila ay dinala na doon. Hanggang sa ako nalang ang natitira. Naiintriga na ako. Ano kayang ginawa nila at nagkakaganun ang mga kaibigan ko?
Hanggang sa lumabas na si Nikki. Sinalubong ko siya, pero hindi niya ako pinansin.
"Okay kalang ,Nikki? Anong ginawa nila sayo?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Kinakabahan na ako. Anong gagawin nila saakin?
Habang naglalakad papunta sa kwartong iyun ay nangangatog ang mga paa ko.
Pagdating ko sa loob ay naupo ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Puro itim at may mga kung anu-anong bagay na kakaiba. May isang lalaking biglang lumabas sa isa pang kwarto. kinapkapan niya ako. Kinuha niya ang cellphone sa Bulsa ko.
"Akin po iyan!" Sambit ko.
"Bawal na ito ngayon." Sambit niya at mabagal na paikot ikot siya saakin.
"Maawa po kayo. Pakawalan nyo po kami." Pagkaawa ko.
"Tumigil ka. Makinig ka. Dahil nandito na kayo sa Aming Retreat House. May apat na rules kayong kailangang sundin." Sambit niya at tinitigan ako sa mukha.
"Rule number 1, bawal makipag usap sa kahit na kanino dito sa retreat house. Kahit na sa mga kaibigan mo, bawal makipag usap. kung may sasabihin ka saakin, isulat mo sa papel. Rule number 2, bawal makipag eye to eye kahit na kanino. Rule number 3, bawal ang maingay sa lugar na ito. Yung ang pinaka importante sa lahat ng rules. Diyan sa rule number 3, nagiging maraming namamatay dito dahil hindi nila sinusunod. At rule number 4, susunod lang kayo sa lahat ng iuutos namin. Maliwanag? Yan ang apat na rules dito. Any question?" Nakakatakot siya. Nakakatakot ang mukha niya at maiitim ng ngipin.
"Eh, ano pong mangyayari kapag lumabag ako sa mga rules?" Tanong ko.
"Simple lang, ganito mangyayari..." Sambit niya at kinuha ang remote ng tv at binuksan ‘yun.
"Oh my god!"
Napahawak ako sa bibig ko. Nakita ko sa tv si Lester. Nakasabit sa puno. Duguan siya at bali-bali ang buto.
"Sh*t! Anong ginawa nyo sa kanya?" Naiyak ako. Ang kaibigan ko, pinatay nila.
"So, ayan. Maliwanag na ba sayo ang lahat? Alam mo na ba mangyayari sayo pag lumabag ka sa mga rules?" Sambit niya. Ngayon alam ko na kung bakit ganun sila pag labas sa kwartong ito.
"By the way, what’s your name?" Tanong niya. Dahil matalino ako at madaling makaintindi.
Kumuha ako ng papel. Isinulat ko dun ang pangalan ko. Nanginginig ako sa takot. Matapos akong mag sulat ay inabot ko sa kanya iyun ng hindi tumitingin sa mata niya.
"Very good. Matatalino kayong magkakaibigan. So, Jhanelle pala ang pangalan mo. Sige, Jhanelle. Makakalabas kana."
Lalabas na sana ako, pero nag salita pa ulit siya.
"By the way, Jhanelle. Welcome to Jaika's Retreat House."