Chapter 2

1065 Words
Kesha's POV Pagka dating ko sa bahay ay agad kong naabutan ang dalawa kong kapatid na nag lalaro nang bahul-habulan, agad naman silang nag mano sa akin nang nakita nila ako. "Asan sila nanay at tatay?" Tanong ko sa kanila, sila lang kasi nakita ko. "Di pa sila umuuwi ate, nag tatanim kasi sila nang kamatis ehh, siguro tinapos na nila ang pag tatanim para iba na naman ang asikasuhin nila bukas" napatingin nalang ako sa orasan namin. Gabi na pero wala pa sila, pwede namang ipag bukas yon ehh dapat umuwi na sila para naman maka pag pahinga sila. Napa buntong hininga nalang ako at agad pumunta sa kusina para mag luto nang kanin. Abala ako sa pag lalagay nang mga plato sa lamisa nang marinig ko ang dalawang kapatid kong may binabati. Agad naman akong lumabas sa akala kong naka uwi na sila papa at mama, pero hindi pala imbis sila mama at papa ang makita ko ay si Gregory ang bumungad sa akin. "Gregory ikaw pala pasok ka, upo ka mun dito, wala pa kasi sila mama at papa" aya ko sa kanya kasi naka tayo lang siya sa labas. Ngumiti naman siya sa akin bago pumasok, at umupo. "Ahh di lang nman talaga sila ang pakay ko eh" hindi lang sila mama at papa ang pakay niya dito?? Ehh sila lang naman ang lagi nilang pakay ehh, kundi nila pinalalabada si mama ay kinukuha nila ito para mag linis sa bahay nila, at si papa naman para ipalinis ang mga kotse nila. Mayaman kasi sila gregory kaya minsan don nag tratrabaho ang mga magulang ko para para supurtahan ang pang araw araw naming gastusin. Mabait si Gregory masunurin at marunong rumespeto nang kapwa, at magalang din ang pakikitungo niya sa mga trabahanti nang kanilang hacenda. Nag ka kilala kami ni Gregory nong pumunta ako sa hacenda nila para dalhan nang pag kain ang ama ko, nang maka dating ako sa hacenda ay siya ding pag dating ni Gregory para bisitahin sila. At don na pina kilala ako ni papa sa kanya na siya pala ang anak nang boss nila at pina kilala ako ni papa na anak niya. "Huh??? Ehh ano po pala ang pakay mo dito kong ganon??" Sasagot na sana siya na biglang bumukas ang pintuan nang bahay namin. Linuwa doon ang mama at papa ko na parehong pagod galing sa trabaho, agad namn kaming tumayo at nag mano sa kanila pate si gregory nag mano din. "Ohh iho napa dalaw ka ano sadya natin" naka ngiting sambit ni papa habang pa upo sa silya. "Oo nga iho napagabi pa ang punta mo, may problema ba sa hacenda?" Nakita ko ang pag iling iling ni gregory sa kanila. Napakunot naman ako nnag noo ehh kong ganon ano ginagawa niya dito?. Hindi ko nalang sila pinansin at agad bumalik sa kusina para ipag patuloy ang pag handa nang pag kain. Mabuti nalang talaga at naka bili ako kanina nang ulam para di na ako mag luto pa, bumili ako nang bola-bola, tinulang isda, at adobong manok. Sure ako magugustuhan to nang mga kapatid ko, minsan lang kasi kami makakain nang ganito ka sarap na ulam, balibhasa itlog at dried fish lang ang lagi naming ulam. Nang matapos ako ay agad kong tinawag sila, agad silang nag hugas nang kamay at isa usang umopo sa mahabang silya na gawa sa kahoy. Magkatabi sila mama papa at ang pangalawa kong kapatid, samantalang katabi ko naman si Gregory at ang pina ka bunso kong kapatid. Dito na siya pina kain ni mama at papa gabi na kasi at di pa siya kumakain buti nalang talaga masarap ang ulam na binili ko. "Ahhh manong tales pupunta po ba kayo sa birthday ko?" Kumunot ang noo ko nang marinig ko yon. Birthday?? Kaya ba siya pumunta dito para imbitahin kami?? Ehh nakaka hiya naman puro mamayanan ang pupunta doon tas ini imbita niya kami "Nako iho mukang di kami makaka punta di naman bagay samin ang ganoon ehh tapos sure ako na mayayaman ang mga bisita mo don kaya nakakahiya naman kong pupunta pa kami" agad naman akong tumango bilang pag sang ayon kay papa. "Ehh ano naman kong iba sa mga bisita ko mamayaman manong nag tratrabaho kayo minsan sa amin kaya di na kayo bago sa amin, at chaka wag po kayong mahiya ako na po mismo ang pumunta para imbitahin kayo para di niyo ko ayawan kaya sana po maka punta kayo, kayo ni Kesha" Napatingin naman ako sa kanya nang bigla niyang binanggit ang pangalan ko, naka titig lang siya sa akin habang mag maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Tumikhim si papa kaya agad akong napa iwas nang tingin at bumalik sa pag kain. "Sige iho pupunta kami bukas sa kaarawan mo kong yan talaga ang gusto mo" nakita ko naman na lunaki ang ngiti ni gregory nang sinabi iyon ni papa Pano ako?? Ayokong pumunta doon di naman ako belong doon ehh at chaka last day ko nalang dito bukas kasi luluwas na ako nang maynila para ipag patuloy ko ang pag aaral ko. "Ok kalang ba kesha?" Hindi ako ok gregory ayokong pumunta sa birthday party mo ehh kasi ma a-out of place lang kami don sasabihin ko sana yon pero wag nalang. Sumang ayon na si papa is ehh kaya wala na akong choice kundi pumunta kasama nila. Nginitian ko lang siya nang maliit at tumango, ngumiti lang siya pabalik at nag patuloy sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nag volunteer na ako na ang mag ligpit at mag hugas nang pinggan pero diko ina asahan na tulungan ako ni gregory. Akala ko kasi na uuwi na siya pag katapos niyang kumain pero di pala nag volunteer din siyang tulungan ako. "Gregory ako na po ang mag hugas nang mga yan umuwi kana po gabi na ohh" aagwin ko na sana sa kanya ang pinggan na kanyang sinasabunan kaso bugla niya itong itinaas kaya para diko maabot. Tinignan ko lang siya nang masa pero nginisihan lang niya ako, akal niya siguro natutuwa ako. "Gregory sabing ako na ehh tignan mo ang t shirt mo basa na" kanina pang basa ang t shirt niya. "Ako na kasi kaya ko naman ehh ikaw nalang ang mag banlaw para madali itong matapos" napa buntong hininga nalang ako at sinimulang mag banlaw nang mga plato habang siya ang nag sasabon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD