INTRODUCTION ARC: CHAPTER 4: ROYALTIES PALACE

1266 Words
For the first time, nakaramdam ako ng kakaibang takot at kaba. The six people are looking at me with those hard and cold expressions. Hindi ko malaman kung gusto ba nilang naandito ako o hindi. “I brought her. Our applicant.” Si Jinni ang bumasag ng katahimikan at tensyon na mayroon ang silid. Maging ang paglunok ay nahihirapan ako dahil sa mga titig na ibinibigay nila sa akin. “We don’t have any available position, Jin. What do you mean? We’re not even hiring, dumbass!” sabi ng isang babae bago muling tumingin sa akin at umirap. Bakit ako ang iniirapan niya? Hindi naman sa pwersahan akong pumunta rito. “Are you even listening to me, Zera? I told you she’s—” “How sure are you? You can be wrong—” “It’s true that we don’t have any vacant position nor we’re hiring,” sabi ng lalaking bumili sa amin ng tinapay kasama si Jinni. Isinira niya ang isang folder at ibinaba ang kanina pa niyang hawak na ballpen bago tumingin sa akin. “But I might open one for you.” “Az!” sigaw no’ng Zera. Napatingin naman ako kay Jinni. Nag-thumbs up siya sa akin dahil sa narinig na sabi nung lalaking nasa gitna. Kinuha nung Az iyong telepono niya. Hindi pa rin iniiwas sa akin ang mga mata. Naririnig ko naman ang mahinang pagtatalo nina Jinni at no’ng Zera. Tinatawanan lang naman siya ni Jinni. “You can’t win. Az’s on my side.” Rinig kong sabi ni Jinni roon sa babae na siyang nagpatahimik dito. Samantalang ang iba naman ay hindi nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Tila inoobserbahan ako. “Just come back tomorrow. We’ll explain your work,” sabi ni Az matapos kausapin kung sino man iyong kinausap niya. Tumango ako at magalang na tumungo sa kanila. Si Jinni naman ay may ngiting tagumpay. Tumingin ang isang lalaki kay Az at may ibinulong bago sabay na tumingin sa akin. Nagkibit balikat lamang naman si Az. “Sitri,” tawag ni Az sa isang lalaking nasa gilid ko na pala. Nagulat ako nang maramdam ko ang presensya niya. Hindi ko namalayan na may ibang tao na pala sa gilid ko maliban kay Jinni. “I will leave her to you. Please guide her accordingly. Don’t mess up.” Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya sa isa pang lalaki dahil ibinulong nalang niya ito rito. “Get your things in your current apartment. You will move in another place today,” maawtoridad na sabi ni Az sa akin. Lumapit naman iyong Sitri sa akin. “He will accommodate you.” Sabay turo ni Az kay Sitri. “Move?” naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya rito. “Lilipat ka ng bahay. We give necessary support to our employees and since you’re now our employee, you will move to a better apartment,” pagpapaliwanag ni Az sa akin. Napatingin ako kay Jinni dahil hindi ko alam kung dapat ba nilang gawin ito sa akin. Tumango lang naman siya at ngumiti. Nakuha ng isang lalaki ang aking atensyon nang marahan itong tumawa. Napatigil lang siya ng tumingin si Az sa kanya. Nakibit balikat nalang ang lalaki kay Az. Lumapit sa akin si Jinni. “Sumama ka na kay Sitri. May meeting pa kami. Bukas nalang ulit,” nakangiting sabi ni Jinni sa akin. Naguguluhan man ay tumango nalang ako. Muli ay magalang akong nagpaalam. What just happened? Tanggap na ako? Ganoong kadali? “Please follow me, Miss,” magalang na sabi sa akin ni Sitri. Tumango naman ako at sinundan siya. Nang makarating kami sa ground floor ay naalala kong may kailangan nga pala akong ibalik sa front desk. Nagsabi ako kay Sitri at agad na lumapit sa front desk. Kinuha naman nila iyon sa akin. Nakita ko pang inirapan ako ng isa sa kanila. “Megan, asikasuhin mo na ang ID ni Miss Lucienne para maaari siyang makapasok dito kahit anong oras. Utos ng nakatataas,” saad ni Sitri sa babae. Tumango nalang iyong babaeng kanina pa ako iniirapan at hindi na nagreklamo pa. Sumunod nalang akong muli kay Sitri hanggang makalabas kami ng building. Tumigil ang isang mamahaling sasakyan sa aming harapan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at iginaya ako papasok. Tumango naman ako at pumasok sa loob. Si Sitri ay naupo sa shotgun seat katabi ng driver. Hindi ko tuloy alam kung dapat bang batiin ko iyong driver or huwag nalang dahil napansin kong tumingin siya mula sa rearview mirror. “Iyong apartment ko ay sa—” “Alam na po namin, Ma’am,” sabi ni Sitri na siyang nakapagpatahimik sa akin. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o hindi. Pero wala naman akong ibang naramdaman kaya’t hinayaan ko nalang. Baka nagbackground check na sila sa akin. Nang makarating ako sa apartment ko ay nakasalubong ko ang landlord ko. Agad kong ipinaliwanag sa kanya nag sitwasyon ko. Nang una ay hindi niya ako pinayagan dahil biglaan. Kailangan pa raw ay nagsabi ako ng mas maaga. Magpapaliwanag pa sana ako nang lumapit na si Sitri at sinabing siya na ang makikipag-usap. Wala na rin naman akong nagawa at pumunta na sa apartment ko para mag-ayos ng gamit. Maya maya pa’y may kumatok na sa kwarto ko. Si Sitri iyon. He offered to help me. Nang una ay nahiya pa ako at tinaggihan siya pero nagpumilit siya dahil trabaho niya raw iyon kaya hinayaan ko nalang. Mabilis kaming natapos dahil wala naman akong masyadong gamit at dahil na rin tinulungan ako ni Sitri. Gusto ko pa sanang tanungin paano niya napapayag iyong landlord namin pero mas pinili ko nalang itikom ang bibig ko. “Saan pala ako lilipat?” “Malalaman niyo po mamaya, Miss,” pormal na sabi ni Sitri bago ako muling igaya papasok ng kotse. Tumango nalang ako at hinayaan siya. Kung hindi ako nagkakamali ay ganito sila sa lahat ng empleyado nila. Kapag may nakita akong empleyado nila sa bago kong titirhan ay siguro dapat na akong makipagkaibigan kahit papaano. Kailangan kong makisalamuha. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang luxury apartment, the Royalties Palace. Sa pagkakaalam ko ay piling mayayaman lamang ang nakakatira rito kaya bakit ako naandito? The higher the floor, the expensive the apartments or units are. “Please accommodate Miss Lucienne,” utos ni Sitri sa isang babae at lalaki na naghihintay sa labas ng mamahaling apartment. “S-Sitri, bakit ako naandito? Imposible naman na dito—” “Dito na po kayo titira,” agap ni Sitri sa akin bago magtungo sa trunk ng sasakyan kung nasaan ang mga gamit ko. “This way, Ma’am,” bati ng babae sa akin. Sinundan ko naman siya kahit na naguguluhan pa ako sa kung bakit ako naandito ngayon “This is your key card, Ma’am. You’ll be needing this to access the residential elevators and your room,” pagpapaliwanag ng babae sabay abot sa akin ng keycard. Itinap ko iyon para magbukas ang pinto ng residential elevator. Pumasok kaming dalawa roon at pinindot ang elevator. Pumasok kami nang may isang elevator ang magbukas. “Your room is located at the 90th floor.” Halos mabulunan ako ng sarili kong laway dahil sa narinig kong sinabi ng babae. “Excuse me? 90th floor?” gulat na tanong ko. How can I possibly live in an expensive apartment? Wala akong pambayad. Hindi ko alam kung sakop ba ng kompanya ang buong bayad sa apartment. “Yes, Ma’am. Iyon po ang utos ni Mr. Az,” sabi niya sa akin bago ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD