INTRODUCTION ARC: CHAPTER 5: JOB

1232 Words
Hindi pa rin ako makapaniwala. Para bang panaginip ang lahat na nangyayari sa akin. Hindi na nga ako makapaniwala na makakatira ako sa ganitong klaseng apartment tapos sa mas mataas pang floor. Nadala na rin ang mga gamit ko. “Kung may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako, Miss. Mr. Az personally assigned me to aid your needs,” sabi ni Sitri bago akmang lalabas na ng aking silid. “T-Teka lang. Naguguluhan pa rin ako kung bakit ako nasa lugar na ito. Ganito ba talaga ang trato niyo sa mga empleyado niyo?” Tumingin sa akin si Sitri at ngumiti lamang. Hindi siya nagsalita, ni hindi niya sinagot ang aking tanong. “I am in no place to answer such question, my lady. If you have any questions such as that, you can ask Mr. Az yourself. He’s living in the penthouse. If you’ll excuse me. I will take my leave now.” Matapos sabihin iyon ni Sitri ay umalis na nga siya. Nanatili lamang naman akong tulala. I’ve never experienced such luxury in life. Kailan man ay hindi ko naranasan na asikasuhin ako, kahit noong nasa bahay ampunan ako. Pakiramdam ko ay outcast ako, na naiiba ako sa lahat. Madalas kong tanungin ang sarili ko kung bakit ganito ang trato sa akin ng mundo at ngayong nagbibigyan ako ng pansin ng iba at para bang pinapahalagahan ay may kakaiba akong nararamdaman. May worth pala ang patapon kong buhay. Na mararanasan ko pala ang makatira sa ganitong lugar. “Are you enjoying your stay here?” Halos mapatalon ako nang may bigla akong marinig na boses. Nilingon ko siya at doon ko lang nakita si Az—or should I call him Mr. Az or Sir Az? He will be my boss after all. Nakahilig siya sa frame ng pintuan ng silid. Kung paano niya nabuksan iyon ay hindi ko rin alam. “Y-Yes,” nahihiyang sagot ko sa kanya. Tama ba na iyon ang sinabi ko? I’m nervous and shy at the same time. Maging ako ay hindi makilala ang kinikilos ko. “I’m still confused, though. Why am I being treated like this? Sa ganitong klaseng lugar niyo ba talaga pinapatira ang mga empleyado niyo?” Lakas loob na tanong ko. Tumayo siya ng tuwid. Hindi pa rin nawawala ang pagkakahalukipkip ng kamay niya. Naglakad siya papasok ng kwarto at pinagmasdan ang interior nito. “No, just you.” I was stunned by his answer. Pero bakit? Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho. Hindi pa nila nakikita kung anong kakayahan ang mayroon ako o kung magiging maayos ba ang pagtatrabaho ko. Tinangkang hawakan ni Az ang isang bulaklak na nasa vase ngunit pinigilan din kalaunan ang sarili. “You deserve the luxury, Lucienne. Don’t question it. Any further questions will not be entertained. Wala akong balak sagutin ang mga tanong mo sa ngayon. For now, why don’t you enjoy this.” Tumungo ako. Kahit na kalmado at mahinahon ang pananalita niya ay hindi ko maiwasang maramdaman ang pagiging maawtoridad niya. “About my job, Sir. Can you tell me about it?” Baka sakaling sagutin niya ito. I mean, kailangan kong malaman kung anong job description ko para alam ko kung anong gagawin ko bukas. “You don’t have to go to work,” sabi ni Sir Az na siyang nakapagpatunghay sa akin. “You can just live here without doing anything. We will provide for your needs. The only thing you need to do is stay here.” Kumunot ang noo ko. Isang bagay na madalang ko ring gawin. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Pwede akong tumira sa ganitong lugar nang walang ginawa? Hindi naman ata tama iyon. “That’s unfair,” bulong ko sa sarili. Mr. Az scoffed, the reason why I looked at him, again. “It’s not unfair,” sabi niya bago kumuha ng isang pirasong ubas sa lamesa at kainin iyon. Tumingin siya sa akin kaya’t agad akong napasinghap. Nag-iwas ako ng tingin. “It is,” nakatungong sabi ko sa kanya. “Magkakaroon ako ng ganitong buhay nang walang ginagawa? That’s unfair. Tapos hindi ko pa alam kung sa anong dahilan at ginagawa niyo ito—” “Fine. I’ll give you work. Do you have any resume na maaaring kong makita para malaman ko kung saan ka maaaring ilagay?” His intimidating aura is suffocating. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga kahit ang layo niya sa akin. “I can prepare one, para po bukas.” Tinangka ko pa ring maging magalang kahit na kaunti nalang ay makakalimutan kong siya ang magiging boss ko. Tumaas ang isang kilay niya. “Don’t bother. Just tell me everything about you,” sabi niya bago tumingin muli sa ibang direksyon, para bang pinag-aaralan ang buong lugar. Huminga ako nang malalim kahit na kinakabahan ako. “My name is Lucienne. I don’t have a surname. I grew up in an orphanage but due to some unfortunate event, they kicked me out.” Nakuha ko ang atensyon niya. Tumaas muli ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko. Nanliit ang malamig niyang mga mata. “I didn’t finish college.” Nahihiya ko pang dagdag sa sinabi ko kanina. Magsasalita pa sana akong muli nang magsalita na siya. “Enough. Alam ko na kung anong ibibigay kong trabaho sa ‘yo,” pagpuputol niya sa ‘kin bago humakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Napaatras naman ako at napaupo sa love seat. “You go to college, study, and graduate. That’s your job,” maawtoridad na sambit niya sa akin. “We still have time for that. If not, then just drop out.” Pakikipag-usap niya sa sarili niya. Kinuha niya ang telepono niya at may tinawagan. Ang tanging naintindihan ko lang ay inutusan niyang ipa-enroll ako sa magandang eskwelahan. Tinanong niya rin ako kung ano bang kurso ang gusto kong kunin. Sumagot naman ako kahit na naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. “Why?” Iyon ang lumabas sa bibig ko nang mapansin kong naglalakad na siya papalabas ng kwarto ko. “What do you mean why?” Lingon niya sa akin. His expression is still unfazed and cold. “Bakit mo ako pag-aaralin? Hindi naman iyon ang dapat trabaho ko—” “Stop asking me questions I don’t have the intention to answer. Just do what you were told.” Natikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. “Aren’t you the one who wants to study and always complain that you don’t have a diploma, and that’s why you can’t find a proper job? I can clearly see it in your eyes. You want to study and finish your degree.” Napatungo ako at nanahimik nalang. Bakit pakiramdam ko ay pinapagalitan ako ng isang magulang o ng isang kapatid? I don’t quite know pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Why is he concern about me? Who is he? “And stop with the formality. Just call me Az or Azrael. I don’t mind.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng silid. Marami pa akong katanungan pero alam ko na hindi niya iyon sasagutin kahit hawak niya ang kasagutan sa lahat ng iyon. Sa ngayon, magulo man ang sitwasyong mayroon ako pero makikisabay nalang siguro ako sa takbo ng buhay ko. Iyon naman ang palagi kong ginagawa. Ano man ang kahinatnan ng lahat ng ito ay atsaka ko nalang haharapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD