INTRODUCTION ARC: CHAPTER 6: HER STARTING LINE

1303 Words
Mabilis ang naging proseso ng pagpasok ko sa eskwelahan. Kung paano nila iyon nagawa ay hindi ko alam. Ang mga dokumento kong wala naman ay nagkaroon. Kung saan nila nakuha ay muli, wala akong alam. Iba siguro ang nagagawa ng pera. Sa tingin ko dahil sa yaman at kapangyarihan ang mayroon si Azrael ay nakakaya niyang manipulahin ang mga tao sa paligid niya, and that includes me. Kung ano mang sabihin niya sa akin, sa hindi malamang dahilan ay sinusunod ko. Hindi ko pa man siya ganoong kakilala pero pakiramdam ko ay dapat sundin ko lang ang lahat ng sinasabi niya. “Aray!” Napatingin ako sa may braso ko nang makaramdam ako ng hapdi. Nadali ito ng matilos na bagay mula sa isang estudyante. “Nako! Pasensya ka na,” sabi sa akin ng magandang babae nang maramdaman niyang nadali niya ako. Napatingin siya sa braso ko na ngayon ay nagdurugo na dahil sa isang mababaw na sugat. “Oh my! I’m so sorry. You need to go to the infirmary. Baka kung mapaano ka—” hindi na ako nakaangal dahil hinila na niya ako patungo sa clinic ng school. Pumasok siya doon at kinausap iyong nurse in charge sa loob. Hawak ko pa rin ang sugat ko nang pumasok ako sa loob. Sinabi naman ng babae na maghihintay lang siya sa labas. Kinuha ng nurse ang first aid kit at ako naman ay sinilip ang sugat ko. Hindi na ako nagulat nang makita kong wala na ang sugat doon. Tanging dugo na lang mula sa sugat ang naroroon. Hindi na ito bago sa akin. Madalas, kahit noong bata ako ay mabilis na gumagaling ang sugat ko. “Ako na po ang bahala sa sarili ko.” Nagtataka man sa sinabi ko ang nurse ay hinayaan na niya akong gamutin ang sarili ko dahil may gagawin pa rin daw siya. Ayoko naman na makita niyang wala na ang sugat. Nilagyan ko naman ng benda ang braso ko kahit wala na iyong sugat. Ayoko rin namang magtaka iyong babaeng nagdala sa akin dito. Nagpasalamat ako sa nurse bago lumabas ng clinic. Nakita ko ang babae na nakasandal sa pader habang may kausap sa telepono. Nilingon niya ako nang mapagtanto niya na naandoon na ako. Binaba niya ang telepono at ngumiti sa akin. “Okay ka na ba? Sorry talaga,” sabi niya. Umiling naman ako. Balewala naman sa akin ang sugat. “Okay lang. Hindi ko naman ikamamatay iyon.” Nakita ko ang medyo gulat niyang ekspresyon pero imbis na magsalita ay ngumiti na lang siya. “You’re new here?” Panibagong tanong niya sa akin nang magsimula na kaming maglakad ulit. Tumango naman ako. I’m not used to this. Hindi ako sanay makipag-usap sa tao. Madalas ay isang salita, isang sagot tapos wala nang kasunod. But this girl, she’s too talkative na nape-pwersa akong magsalita kahit na may parte sa akin na ayaw nang ibuka pang muli ang bibig. “Oo,” matipid kong sagot sa kanya. “I see. Anong course and year mo—alam ko na, patingin na lang ng registration form mo!” masiglang sabi niya sa akin. Hindi naman ako umangal at ibinigay sa kanya ang registration form ko sa school. Mas lalong lumawak ang ngiti niya matapos niyang makita iyon. “Magkaklase tayo! How nice.” Tipid nalang ako tumango sa kanya bilang sagot. Siya naman ay hindi mapawi ang ngiti. Nasa cafeteria na kami ng school. Kakatapos lang ng dalawa naming klase at lunchbreak na namin. kasama ko pa rin si Maggie, iyong babaeng nakadanggi sa akin kanina. Nagpakilala na kami sa isa’t isa kaya alam ko na ang pangalan niya. Panay ang kwento niya sa akin tungkol sa iba’t ibang bagay. Hindi ko tuloy alam kung dapat bang pakinggan ko iyon o magkunwaring nakikinig na lang. “Sorry, masyado ba akong madaldal?” Napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Napansin niya siguro na hindi ako nakikinig madalas sa mga sinasabi niya at nakatitig lamang sa isang bagay. “H-Hindi naman. Naninibago lang siguro ako.” Nakakapanibago naman talaga ang lahat. Hindi ako sanay na may nakakasama. Buong buhay ko, sanay ako na mag-isa lang ako. “Naninibago? What do you mean?” Uminom siya ng milkshake niya habang naghihintay ng isasagot ko. Kinagat ko ang labi ko at bahagyang yumuko. Ang mahabang tuwid at itim kong buhok na nakaayos sa likod ko ay ngayon ay napunta na sa aking balikat dahil sa ginawa kong pagtungo. “Hindi kasi ako sanay na may kumakausap sa akin. Sanay ako na lagi lang akong mag-isa. Hindi ako madalas makipag-usap o makihalubilo sa iba dahil alam ko at nararamdaman ko na ayaw rin nila sa akin,” sagot ko sa kanya bago magpatuloy sa pagkain. Tiningnan ko siya at doon ko napansin ang pagkurap-kurap niya. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Bakit mo naman mararamdaman na hindi ka gustong pakisamahan ng ibang tao? Awkward lang talaga sa una pero kapag nakilala niyo nang mas maayos ang isa’t isa, mawawala rin iyon,” aniya. Napabuntong hininga ako. I know. She will never understand me. Someone who’s friendly as her will never understand the situation I am in. “But I get you.” Napaangat ang aking ulo sa sinabi niya. Mapait siyang ngumiti sa akin. “I totally understand what you’re saying because I sometimes feel those feelings: being an outsider, being left out. I understand that. I experienced them, too.” Mula sa mapapait na ngiti niya ay agad iyon nagbago. Muling bumalik ang masigla niyang ngiti. “That’s why I try to change myself. Iniisip ko na baka ako ang may problema kaya madalas ay ayaw sa akin ng ibang tao. I change to the point that I almost can’t recognized myself.” She laughed, but despite her laugh, I can see the sadness in her eyes. The loneliness that’s eating you up and keeps on dragging you to the darkness and despair of life. “But I’m over that phase. I still have my family despite having no friends. I mean, napagtanto ko rin kasi na ayokong mawala ang sarili ko dahil pinipilit kong mag-blend in sa iba.” Marahan siyang tumawa. “Sabi nga ni Kuya sa akin, if I am losing myself in the process of seeking friends, then it will much better to have no other friends. I mean, yourself is your best buddy. People will turn their back to you but yourself? It will never betray you.” Good for her. Kahit walang kaibigan ay may pamilya pa rin siyang matatakbuhan. “Lagi nga lang wala ang parents ko. Buti nalang hindi ako iniiwan ni Kuya. How about you, Lucy? Anong klaseng tao ang pamilya mo?” inosenteng tanong niya. I can’t call her insensitive because she doesn’t know my situation. “I don’t have one. I grew up in an orphanage.” Totoo naman. Hindi naman ako nagsinungaling. Naglaho ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. “Sorry, hindi ko na dapat itinanong iyon.” Nalungkot siya sa narining mula sa akin. “Okay lang,” sagot ko sa kanya. Matipid siyang ngumiti sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako roon bago tumingin sa kanya. “Can you be my friend, Lucy?” Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong narinig ko ito mula sa kahit na sino. Nanginig aking labi. May kakaiba akong nararamdaman. May tila mabigat sa aking puso at para bang may kung anong bagay ang babagsak mula sa aking mga mata. Tiningnan ko si Maggie na nakangiti parin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Tumango ako at imbis na direktang sagot ang lumabas sa aking bibig para sa tanong niya ay isang salitang hindi ko inaasahan ang lumabas dito. “Thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD