INTRODUCTION ARC: CHAPTER 7: WE NEED YOU

1068 Words
May kung anong gaan sa aking pakiramdam matapos ang araw na iyon. Sa byahe pauwi ay hindi ko mapigilang tumitig lamang sa bintana ng sasakyan at isipin na matapos ang mga madidilim na araw sa buhay ko ay may kaibigan na ako ngayon. Masaya ako pero siguro ay sadyang hindi lang ako expressive kaya hindi makikita sa mukha ko ang sayang nararamdaman ko ngayon. Matagal ko na ring gustong maramdaman ang magkaroon ng kaibigan. Maybe, I’m starting to have a normal life. Nakarating na kami sa Royalties. Agad akong binati ng mga taong nagbabantay sa labas. Pagpasok ko sa loob ay nakasabay ko si Jinni. Binati niya naman ako nang mamataan niya ako. “Hi Lucy! Kumusta ang school?” nakangiting sabi ni Jinni sa akin. Magalang ko siyang binati bago sagutin na maayos naman ang araw ko sa school. “That’s good to hear.” Sabay kaming pumasok sa elevator. He clicked the 99th floor. “Your floor?” tanong niya at sinagot ko naman agad. Tahimik lamang kaming nakasakay sa elevator nang may sumagi sa isip ko. Sinilip ko si Jinni and he has this smile na para bang hindi mo matatanggal sa kanya. “Jinni,” pagtawag ko sa kanya. Nilingon niya naman agad ako. “Ang sabi mo sa akin ay tutulungan mo akong magkatrabaho. But look at me right now, I am not even working but I’m studying. Naguguluhan ako sa kung anong nangyayari pero pakiramdam ko ay wala akong karapatang magreklamo.” Hindi agad sumagot o nagsalita si Jinni. Lumapit siya sa button ng elevator at may pinindot doon. Naramdaman ko ang pagtigil ng elevator. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha na madalang mong makita. “You want to have a chat? I can’t answer your every question but maybe, somehow I can clear your head and put your mind at ease,” mahinahon na sabi ni Jinni. Tumango nalang ako. Nakita ko rin ang pagtango-tango niya bago niya muling pindutin ang isang button sa elevator. The 20th floor. “Let’s grab some dinner and talk. My treat.” Bumalik ang mapaglarong ngiti niya. Bumukas ang pinto ng elevator nang makarating kami sa nasabing floor. There’s a restaurant, a coffee shop, and a grocery store. Para siyang mini mall. Pumasok kami sa isang restaurant. Agad naman kaming binigyan ng table ng isang waiter. Kinuha niya ang order ni Jinni at agad naman iyong sinabi ni Jinni. Sinabi ko nalang na hindi ako familiar dito kaya’t si Jinni na rin ang umorder ng para sa akin. Nang makaalis ang waiter ay bumaling na siyang muli sa akin. “So, ano nga iyong tanong mo?” He puts his elbow on the table and rest his chin on the back of his hand. Huminga ako nang malalim. Ito na naman iyong mabigat na pakiramdam na naramdaman ko noong una kong makita sila Azrael at ang ibang board of directors ng kompanya nila. “Bakit imbis na magtrabaho ako kagaya ng inaakala ko ay nasa ganitong sitwasyon ako? Bakit imbis na itrato akong empleyado ay iba ang turing sa akin? I don’t get it. Marami akong itinanong kay Azrael kagabi pero ni isa roon ay hindi niya sinagot. Bukod pa roon, bawat sinasabi niya sa akin ay mas nagpagulo lamang isip ko.” I don’t want to hold back. Kung magtatanong ako sa kanya ay sasabihin ko lahat. Nasa sa kanya na kung ano ang sasagutin niya sa kung ano ang hindi. “That’s a tough one. I don’t know where to start,” natatawang saad ni Jinni. Huminga siya nang malalim. Ang mapaglarong ngiti na mayroon siya kanina ay naglaho. Muling bumalik ang seryosong ekspresyon niya. “Like Az, I can’t answer you, Lucy. Ayokong mabigla ka. Isa pa, hindi ito ang oras para sabihin namin sa ‘yo ang lahat. But to make your mind at peace, you can trust us. We’re here to protect you. We’re not your enemy, Lucy. That’s for sure.” “Pero bakit niyo ito ginagawa sa akin? Hindi ko naman kayo kilala? Am I even related to you? Bakit niyo ako po-protektahan? Wala akong kilalang kaaway ko.” The only enemy I had was myself pero okay na ako. Tanggap ko na ang sarili ko. Ang mga bagay na kaya kong gawin at mga bagay na hindi ko kaya. Tanggap ko na kung ano lang ako. “Hindi mo kami kilala, oo. Pero ikaw, kilala ka namin. Matagal ka na naming hinahanap, Lucy, pero nitong nakaraang taon ka lang namin natagpuan. Matagal ka na naming gustong lapitan at tulungan pero hindi namin agad iyon nagawa. Some of us may think na maling nilapitan ka kaagad namin dahil alam namin na marami kang magiging tanong pero we have our own plan. Az wants to protect you at all cost because the enemies are on the move, too.” Ang Jinni na punung-puno ng humor ay hindi ko makita. Puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha ngayon. “Trust me, Lucienne. You don’t want to ask any further. Hindi mo rin matatanggap. Hindi mo rin magugustuhan. As for now, let us protect you. Let us do whatever we can to make your life here comfortable. Hangga’t hindi pa tayo nakakabalik sa kanya. Hanggang sa oras na makilala mo siya.” Hinawakan ni Jinni ang kamay ko. Natulala ako roon. Kumpara sa pagkakahawk ni Maggie kanina, napuno ako ng kakaibang takot dahil sa mga sinabi niya. Mas lalo lamang dumami ang katanungan sa aking utak. Enemies? Sinong kalaban ko? Trust them? How can I trust them when they are strangers to me? Protect me? They are protecting me from whom—from what? “Just a piece of advice, Lucy. Don’t easily trust anyone who’s kind to you. Not everyone is your friend.” Ngumiti sa akin si Jinni. Hindi na rin ako nakapagsalita pa dahil dumating na ang pagkain namin. Tahimik lang kaming dalawa na kumakain pero hindi ko mapigilan ang sumulyap kay Jinni. Can I really trust them? Not everyone is your friend. I’m fully aware of that. Alam ko ang ugaling mayroon ang mga tao. May ilan na totoo sa ‘yo, at may ilan naman na mabait lang sa ‘yo dahil sa tingin nila ay may pakinabang ka sa kanila. But now, I’m confused. Just when I thought I’m already having a normal life, it became messier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD