INTRODUCTION ARC: CHAPTER 8: THE SEVEN ROYALTIES

1510 Words
“What are you two doing here?” Sabay kaming napalingon sa kanya. Nakita namin si Azrael kasama iyong dalawang babae at isang lalaki pa na nakita ko noong dalhin ako ni Jinni sa kompanya nila. “Eating?” sarkastikong sagot ni Jinni sa kanya. “I know. But why are you two together?” Para kay Jinni ang tanong na iyon ni Azrael pero ang mga malalamig niyang mata ay nakatitig sa akin. “Nagkasalubong lang kami sa elevator. Niyaya ko siyang kumain ng dinner. May problema?” natatawang sabi ni Jinni. Doon lamang nawala ang paninitig ni Azrael sa akin. Bumaling siya kay Jinni na siyang lalong nakapagpatawa rito. Tumaas lang naman ang isang kilay ni Azrael kaya’t tumigil na si Jinni sa pagtawa. “Hi Lucienne. I forgot to introduce myself to you properly the other day. My name is Xaphania but call me Xaph. This is Zera and this is Muriel,” nakangiting pagpapakilala ni Xaph. Matipid naman akong ngumiti sa kanila. Tumango sa akin iyong si Muriel at inirapan naman ako ni Zera. “Nasaan sina Levi at Daimon? Hindi niyo kasama?” tanong ni Jinni. “They’ll be here. May inaasikaso lang.” Si Muriel ang sumagot sa katanungan ni Jinni. “Since naandito na rin naman sila, share nalang tayo sa table,” suhestiyon ni Xaph bago maupo sa tabi ko na siyang kinagulat ko naman. Nginitian niya lang naman ako para mawala ang kabang nararamdaman ko. If I were to describe Xaph, she looks friendly but have this seductive, sophisticated, and mature look of a woman. Siya iyong magandang halimbawa ng isang babaeng kababaliwaan ng mga kalalakihan. Naupo naman si Zera sa tabi ni Jinni. Nagtalo pa ang dalawa dahil ayaw atang katabi ni Jinni si Zera. As for Zera, she looks kind of the snob one. Just like Xaph, maganda rin naman talaga. Muriel has this expressionless look pero hindi naman siya iyong tipong snob. Hindi mo lang siya madalas makikitang ngumiti. Napansin ko naman ang pag-upo ni Azrael sa tapat ko. Ngumuso pa si Jinni sa kanya dahil sa pagpapaisod na ginawa ni Azrael sa kanya. For Azrael, he has this handsome face na sa tingin ko ay tipo ng maraming kababaihan. His cold yet red eyes are intense. He has a lean to muscular body. Siya iyong iisipin mo na tambay sa gym dahil sa katawang mayroon siya. Halos lahat naman sila ay ganoon ang pangangatawan. Hindi na ako magtataka kung malaman kong sikat sila sa kababaihan. “Naandito na pala kayo.” Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita. Doon ko nakita ang dalawa pang lalaking may maganda ring pangangatawan. Kumpara kay Azrael at Muriel na mukhang walang alam na ekspresyon. Itong dalawa ay parang si Jinni, they’re playful. “Oh, someone is here, too,” nakangising sabi ng isa sa akin. Napalunok naman ako at nahihiyang tumungo. “Hey, stop flirting with Lucienne. Saan ba kayo galing na dalawa?” pagtatanong ni Jinni. They are flirting with me? Wala akong ideya. Natawa naman iyong isa. “Business, you know.” Bago maupo sa isang bakanteng silya. “Are you guys won’t introduce us to our guest?” tanong ang isa sa kakarating lang habang nakatingin sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pagngisi nito. s**t, hindi ako makakain nang maayos. “That’s Daimon and Levi, Lucienne. Magkapatid sila kaya magkatulad na babaero. Sa aming lahat ay sila ang pinakalalayuan mo. Delikado ka sa mga iyan.” Si Xaph ang nagpakilala sa magkaapatid na siya namang tinawanan ng dalawa. “You’re so mean, Xaphania. Hindi naman kami delikado. We bite, though but not hard.” Kinidatan ako ni Levi kaya agad akong napangiwi. Tinawanan din naman siya ng kapatid niyang si Daimon. “But don’t worry, Lucienne. We won’t dare touching you. We don’t want to get exiled,” sabi niya bago tawagin iyong waiter. “So, may sinabi na ba kayo sa kanya? If we’re eating here with her, I assumed she already know something.” Kumuha si Levi ng toothpick at inilagay iyon sa pagitan ng kanyang labi. Nilaro-laro niya iyon na parang lollipop. “Just a little,” sabi ni Jinni. “Sabi ko lang pagkatiwalaan niya tayo.” Tumawa si Daimon dahil sa narinig mula kay Jinni. “That’s so…frightening to hear, Jin. Baka kung anong maglaro sa isip ni Lucienne at mas lalo lang niya tayong hindi magawang pagkatiwalaan.” Bakit nag-uusap sila na parang wala ako rito—na para bang kung ano mang marinig ko sa kanila ay okay lang. Ganoon pa man, alam kong nag-iingat sila sa mga sinasabi nila sa harap ko. “Well, it can’t be help. Hindi naman natin pwedeng sabihin sa kanya ang lahat lalo na’t kumikilos na rin ang kabilang panig,” seryosong sabi ni Muriel habang naghihintay ng pagkaing inorder nila. Naramdaman siguro ni Xaph ang pagiging hindi ko komportable dahil sa ginagawa nilang pag-uusap kaya’t hinawakan niya ang kamay ko. Agad naman nitong nakuha ang atensyon ko at tumingin sa kanya. Sinalubong ako ng ngiti niya. “Are we making you uncomfortable, Lucienne?” mahinahon niyang tanong. Nahihiya akong tumango. Napansin din siguro ng iba ang pagtango ko kaya’t nanahimik sila. Isang ingay lang ang narinig ko. Ang pag-ismid ni Zera na agad naman siniko ng katabi niyang si Jinni. “That’s why I told you not to talk about this in front of her. Hindi pa siya handa sa dala nating inpormasyon tungkol sa kanya.” Umalingawngaw ang maawtoridad na boses ni Azrael sa buong table namin. Agad akong umiwas dahil mas lalo lang akong hindi naging komportable sa titig niya. “I have one question.” Natahimik sila lalo dahil sa pagsasalita ko. Nilunok ko ang kabang nararamdaman. Kung titingnan mabuti, parang sinusunod nila ang lahat ng sinasabi ni Azrael. Well, halata naman talaga. Azrael is giving this I am the law vibes. “Why do you want me to trust you?” Nagkatinginan sila dahil sa itinanong ko. Ngumiti si Xaph sa akin at siya na ang sumagot sa tanong ko. “Alam kong marami ka pang tanong but we’re here to protect you. Pinamukha namin na tatanggapin ka naming empleyado dahil iyon lang ang naiisip naming way para mapapunta ka rito. Hindi ka naman basta magtitiwala sa amin kung biglaan ka naming palipatin ng bahay, hindi ba? And in order to protect you, we need you to stay close to us and you to trust us. Soon, we will explain everything in full detail.” “Sino ba talaga kayo? Kung gusto niyong magtiwala ako sa inyo. Isn’t it necessary to know you guys better?” Mas maraming tanong na nabubuo sa isipan ko, mas gusto kong huwag magtiwala sa kanila. “Yes, we know that. Kaya nga nagpapakilala kami sa ‘yo ng dahan-dahan dahil ayaw ka naming mabigla kapag nalaman mo kung sino talaga kami. But to start answering your question, we are the Seven Royalties of this palace, Lucienne. We own this luxurious apartment. You can act freely here and if you want you can act like a princess because you are indeed one.” Muli ay si Xaph ang sumagot sa katanungan ko. Tiningnan ko ang iba, nakangiti sila sa akin maliban na lang kay Zera na may mapait na ekspresyon sa kanyang mukha. Si Muriel naman at Azrael ay hindi nagbabago ang malamig at blangkong ekspresyon ng kanilang mga mukha. Matapos ang hapunan kasama sila ay dumiretso na ako sa silid ko. Inihatid pa ako ni Azrael at Jinni. Gusto ring sumama nina Daimon pero pinigilan ang magkapatid nina Xaph at Muriel dahil alam nilang manggugulo lang daw ang mga iyon. “Good night, Lucy. Pahinga ka na. If you need anything alam mo na naman ang number ko. You can also contact Sitri,” sabi ni Jinni nang nasa tapat na kami ng kwarto ko. Tumango naman ako at matipid na ngumiti. Naglakad na si Jinni patungo sa elevator ngunit si Azrael ay nanatili lamang na nakatayo sa harapan ko. “May kailangan ka pa ba?” I don’t know how to address him or the rest. Unlike Jinni and Xaph who are being friendly with me. Ang iba ay hindi ko pa alam kung makakasundo ko, lalo na si Azrael. Natatakot talaga ako sa presensyang mayroon siya. “Give me your phone,” utos niya sa akin. Dahil ayokong subukan ang pasensya niya ay agad kong ibinigay sa kanya ang cellphone ko. Wala rin naman siyang makikita roon. May itinype lang siya mula rito at ibinalik na rin sa akin. Nang makuha ko mula sa kanya ang telepono ay tumalikod na siya at sumunod kay Jinni. Tiningnan ko pa siyang muli bago magdesisyon na pumasok sa loob ng kwarto. Sumadal ako sa pintpintouan nang maisara ko iyon at tiningnan ang cellphone kong hawak ko. Binuksan ko iyon at tiningnan kung anong ginawa ni Azrael at nagulat ako nang mapansing i-sinave niya roon ang phone number niya. Sa hindi malamang dahilan ay para akong nag-marathon sa bilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD