INTRODUCTION ARC: CHAPTER 9: INVITATION

1285 Words
“Lucy! Good morning.” Kalalabas ko lang ng sasakyan ay agad ko nang nakita si Maggie. Binati niya naman ako na may ngiti sa labi niya. Matipid ko naman siyang nginitian at binati rin. Sabay kaming pumasok ni Maggie sa klase dahil magkaklase rin naman kaming dalawa. Naging normal ang araw ko no’n hanggang sa matapos ang lahat ng klase ko sa araw na ito. “May gagawin ka ngayon, Lucy?” tanong sa akin ni Maggie. Nilingon ko siya habang patuloy pa rin sa pag-aayos ng gamit. “Wala naman.” Diretso na ako sa bahay pagkatapos ko rito sa school. Tumingin sa akin si Maggie. Ang kanyang magandang mata ay kumislap dahil sa sinabi ko. “Great! Do you want to come to our house? Maaga pa naman. Gusto sana kitang yayain. Hang out lang. If that’s okay with you, of course,” nakangiting sabi ni Maggie sa akin. Hindi pa ako makapaniwala sa narinig ko. Sa mga napapanood ko lamang sa tv noon nakikita ang ganito. Iyong tipong yayayain ka ng kaibigan mo. I’d never imagine I will experience such thing. “That’s fine, I guess.” Gusto kong ipakita na masaya ako sa pagyayaya niya sa akin pero sa tingin ko rin ay awkward ang pagngiti ko at baka maweirduhan lang siya sa akin kaya huwag nalang. Lumabas na kami ng campus. Nakita ko agad si Sitri. Alam na alam niya ang oras ng awas ko at lagi siyang on time para sunduin ako. “Sandali lang, Maggie. Magsasabi lang ako sa sundo ko,” sabi ko kay Maggie. Nang una ay para bang nagdadalawang isip pa siyang paalisin ako pero agad ding tumango at hinayaan akong lumapit kay Sitri. I found it weird…I mean, Maggie’s reaction. Bakit bigla siyang namutla nang mamataan niya si Sitri? Magkakilala ba sila? “Miss Lucienne,” magalang na pagbati sa akin ni Sitri. Matipid naman akong ngumiti sa kanya. Nagdadalawang isip pa kung paano ako magsasabi sa kanya na sasama ako kay Maggie sa bahay nila. “Sitri, hindi ako sasabay pag-uwi sa inyo ngayon.” Hindi ako sanay magpaaalam kaya hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Sitri dahil sa sinabi ko. Hindi man niya pinahalata ay tumingin siya sa direksyon kung nasaan si Maggie bago muling ibaling sa akin ang tingin. “Magagalit po si Sir Azrael kapag hindi namin kayo naisama pauwi ngayon.” Sa ngayon, pakiramdam ko ay si Azrael ang tumatayong guardian ko kaya lahat ng kilos ko ay kailangan alam niya o ipagpaalam sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba talagang intensyon nila sa akin o kung anong koneksyon ko sa kanila dahil hindi pa naman nila pinapaliwanag sa akin ang lahat pero sa tingin ko naman ay hindi nila ako paghihigpitan. “Ako na ang bahala kay Azrael. Tatawagan ko siya mamaya—” Naputol ang aking sasabihin nang iabot sa akin ni Sitri ang telepono niya. Nagtataka pa akog tumingin sa kanya. “Sir Azrael is on the line. He requested to talk to you, Miss Lucienne,” saad ni Sitri. Nanatili ang tingin ko sa telepono. Nagdadalawang isip kung kukunin ba iyon mula kay Sitri o hindi. Napalunok ako at naisip na wala akong choice kung hindi ang kausapin si Azrael. “Hello,” mahinang bati ko sa nasa kabilang linya. Buntong hininga niya naman ang narinig ko. “Hindi ka raw sasabay kina Sitri pauwi. Bakit?” maawtoridad niyang tanong. I know Azrael is a good man. Wala namang rason para katakutan siya pero nagbibigay talaga siya ng kakaibang presensya na magpapatindig nalang sa balahibo mo sa katawan. “Niyaya ako ng kaibigan ko na pumunta sa kanila ngayon dahil maaga namang natapos ang klase namin. Okay lang naman, hindi ba?” Kinagat ko ang ilalim na bahagi ng labi ko. Kinakabahan na baka hindi niya ako payagan. Noong nasa orphanage ako ay hindi naman ako nakakapunta sa ibang lugar. Nakapag-aral naman ako pero iyon ay sa malapit lang na paaralan. Nang paalisin ako sa orphanage ay walang pumipigil sa mga ginagawa ko sa buhay kaya ngayon, naninibago ako na kailangan kong ipaalam sa ibang tao ang pupuntahan at gagawin ko. It’s new to me but kind of securing. Pakiramdam ko ay importante akong tao kahit papaano dahil may nag-aalaga at nagbabantay sa akin. “Text me the address so we know where to pick you up. Give the phone to Sitri. I’ll talk to him,” sambit ni Azrael. May isang maliit na ngiti ang lumabas sa aking labi dahil sa narinig. Iaabot ko na sanang muli kay Sitri iyong telepono nang may ihabol na sasabihin si Azrael. “Lucy…” May kung anong kuryente ang aking naramdaman nang tawagin niya ako sa palayaw kong iyon. Ito ata ang unang pagkakataon na narinig ko siyang tinawag ako sa palayaw ko. “B-Bakit?” Sa sobrang lakas ng impact sa akin ng pagkakatawag niya sa palayaw ko ay nautal pa akong sumagot sa kanya. There’s a long pause before he let out a deep sigh and speak. “Be careful. I’ll see you later.” Napakagat ako sa aking labi at tumango kahit na hindi naman niya makikita ang ginawa kong pagtango. Ibinalik ko na kay Sitri ang telepono at kinausap na siya ni Azrael. Nasulyap pa sa akin si Sitri habang kinakausap niya si Azrael habang tumatango-tango. Nang matapos ang pag-uusap nilang iyon ay hinayaan na ako ni Sitri na sumama kay Maggie. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Maggie. Nakita ko pang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Sitri na siya ring namang agad na nawala nang mapansin niya papalapit na ako sa kanya. “Pinayagan ka na?” nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Lalong lumawak ang ngiti ni Maggie sa isinagot ko. Naglakad na kami patungo sa sasakyan nila. Ang sabi kasi ni Maggie ay sa kanya nalang daw ako sumabay. Naaninag ko pa rin si Sitri na nakatayo sa lugar kung saan ko siya iniwan. Pakiramdam ko ay aalis lang siya roon kapag nakaalis na rin kami. “Sino pala iyong kinausap mo, Lucy?” tanong ni Maggie habang naglalakad kami patungo sa sasakyan nila. Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung sino si Sitri. “Is that your foster father?” Tumigil siya sa paglalakad at nakangiting tumingin sa akin. Nagulat naman ako sa biglaan niyang sinabi pero agad ko ding itinanggi. Napakamot ako sa batok ko dahil nahihirapan akong ipaliwanag sa kanya iyon. “Tauhan siya ng mga taong nag-aalaga sa akin ngayon.” Hindi ako sigurado kung tama bang i-label ko sina Jinni na tagapag-alaga ko or something pero mas safe naman iyon. Maging ako rin ay hindi ko alam kung anong relasyon o koneksyon ko sa kanila. “Hmm, you mentioned that you were from an orphanage. By chance, iyong tinutukoy mo na nag-aalaga sayo, relatives mo ba talaga sila or inampon ka nila?” komplikadong tanong niya sa akin. Napagiwi ako. Muli ay hindi ko alam paano ko iyon sasagutin. “Well, parang inampon nila ako?” Hindi ko rin sigurado. “Masyadong komplikado pero parang ganoon na nga.” “Do you trust them?” Natigilan ako sa kanyang itinanong. Nakatingin sa malayo si Maggie na para bang may malalim siyang iniisip. “Huh?” “Nothing.” Tumawa si Maggie at iwinagayway ang kamay sa ere. “Of course, you trust them. Kaya ka nga nasa poder nila, hindi ba?” At that moment, medyo na weirduhan ako sa ikinilos ni Maggie. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin sa akin pero mas pinipili niyang huwag nalang iyong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD