INTRODUCTION ARC: CHAPTER 10: IT'S BEEN A WHILE

1841 Words
Nakarating na kami sa bahay nina Maggie. Malaki ito. Halatang marangya ang kanyang buhay. Hindi ko na rin ikinagulat. Nabanggit niya rin na may pagmamay-ari silang kompanya tapos marami rin daw silang investments. Agad kaming dinaluhan ng mga kasambahay. Nahihiya pa akong ibigay iyong gamit ko nang una pero hinayaan ko na lang din. Wala namang mawawala sa gamit ko kung sakali. “Sa kwarto na lang tayo? Magpapahanda lang ako ng kakainin natin,” sabi ni Maggie bago magtungo sa may kusina nila. Ako naman ay tahimik lamang na naghintay sa kanya. Naglakad-lakad ako at tiningnan ang mga litratong naandon. Marami ang litrato ni Maggie at iilan lang ang kasama niya ang pamilya niya. Hahawakan ko pa lang ang isang picture frame ng family nila nang may marinig akong boses kaya’t hindi ko na iyon natuloy. “Hmm? May bisita si Maggie?” Agad akong lumingon sa kanya—kanila. May nakita akong apat na lalaki. Pare-pareho silang matatangkad at aakalain mong mga athlete sila dahil sa built ng katawan nila at sa heights na mayroon sila. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil na-intimidate ako sa presenysa nila kahit na nginingitian naman nila ako. Sino sila? Mga kaibigan ng kapatid ni Maggie? O baka isa sa kanila ang kapatid ni Maggie? Alam ko kasi na may kapatid siyang lalaki. “Omg! You guys are here?!” Nakuha agad ni Maggie, na mukhang kakalabas lang ng kusina nila ang atensyon ko. Nilapitan sila ni Maggie at niyakap isa-isa. “Hi Mags, it’s been a while. Pinapunta kami rito ni Sari,” sabi ng isang lalaki habang may ngiti sa kanyang labi. Mukha naman silang mababait lahat pero natatakot ako sa kanila sa hindi malamang dahilan. “I see.” Nilingon ako ni Maggie bago nginitian at nilapitan. Marahan niya akong hinila papalapit sa grupo ng mga lalaki para ipakilala. Agad namang tumingin sa akin ang mga iyon. Nginitian nila ako. Ang iba pa ay halos pumikit dahil sa pagngiti nila. “This is Lucienne, but call her Lucy. She’s my friend.” Pagpapakilala ni Maggie sa akin sa mga lalaki. Tiningnan naman ako ni Maggie para ipakilala naman ang mga lalaki. “Lucy, they are my cousins. This is Raphael, Uriel, Zak, and Raguel—” naputol ang ginagawang pagpapakilala ni Maggie sa kanila nang may pumasok pang isang lalaki. Halos maestatwa ako nang makita ko kung sino iyon. Hindi ko madalas tinatandaan ang mga taong nakikita o nakakasalamuha ko pero isa siya sa mga taong tumatak sa akin. Iyong lalaking halos tumingin ako sa karagatan kapag nakikita ko ang mga mata. His bouncy and smooth silver hair is moving along with his every movement. And his ocean-like eyes are still majestic as when I first saw it on the street. “Kuya!” masayang sigaw ni Maggie sa lalaking kakapasok lang bago iyon yakapin. Ngumiti naman ang lalaki sa kanya na ngayon ay nalaman kong kapatid pala ni Maggie. I don’t know if it’s right to say this but they don’t have similarities at all. I wonder if that’s a normal thing for siblings. I wouldn’t understand, though. Wala naman akong kapatid. “Kuya, this is Lucy, my friend.” Hinila ni Maggie iyong kapatid niya papalapit sa amin at ipinakilala ako. Nginitian naman ako ng lalaki. “Lucy, this is my brother, Sari.” “Hi, I’ve been wanting to meet you, Lucy. Maggie told me everything about you. Thank you for being her friend.” Inilahad niya ang kanyang kamay. Nang una ay tinitigan ko lang iyon. Kalaunan ay napagtanto ko na makikipagkamay pala siya kaya nahihiya ko iyong tinanggap. “The pleasure is all mine,” magalang at pormal kong sabi sa kanya. “Drop the formality, Lucy. Since you’re Maggie’s friend, you are my friend, too.” May kakaiba akong ginhawang naramdaman nang nginitian niya akong muli. Nahihiya man ay ngumiti ako bago tumango sa kanya. “Mags, your friend is really pretty,” sabi ng isang pinsan ni Maggie na kung hindi ako nagkakamali ay Raguel ang pangalan. “Of course, but please don’t hit on her. She’s too innocent for you, Raguel.” Agad akong niyakap ni Maggie at inilayo sa mga pinsan niya. Tumawa lang naman ang mga ito. Nagpaalam na kami at pumunta sa kwarto ni Maggie. Kalagitnaan ng pag-akyat ko sa hagdanan ng bahay nila ay napatigil ako at muling nilingon ang kinaroroonan ng kapatid ni Maggie. Naabutan ko siyang nakatayo pa rin doon habang nakatingin sa malayo. Hindi ko lang mapunto kung sa akin ba siya nakatingin o sa iba. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang umayos ng tayo at muling ngumiti sa akin. Tumungo na lang ako sa hiya at sumunod na kay Maggie. Wala naman kaming masyadong ginawa ni Maggie. Nagkwentuhan lang kami at nanuod ng movies. Habang siya ay sigaw nang sigaw sa horror movie na pinanood namin, ako naman ay para bang hindi man lang natatakot doon. Hindi ko alam kung normal bang wala akong maramdaman habang nanunuod ng mga ganito o sadyang may mali sa akin. “Ang daya mo naman, Lucy. Hindi ka man lang natakot doon, samantalang ako ay sumasakit ang lalamunan kakasigaw.” Nakanguso ngunit natatawa niyang sabi sa akin. “Hindi naman masyadong nakakatakot.” Pang-aasar ko sa kanya na mas nagpatilos ng pagnguso niya. Sa totoo niyan ay ayaw manuod ni Maggie ng horror dahil sabi niya ay matatakutin nga raw siya pero nagpumilit ako na iyon ang panoorin. Ayoko kasi ng ibang genre lalo na ang romance. Baka antukin lang ako. Ilang oras pa ang nagdaan. Halos hindi ko na nga namalayan ang oras. “Baka sunduin na ako rito maya-maya.” Nasabi ko na rin naman kay Sitri ang address ng bahay nina Maggie kaya nakakasigurado akong masusundo nila ako nang hindi sila naliligaw. “Hala, gabi na pala. Hindi natin namalayan. Iba talaga ang takbo ng oras kapag nag-eenjoy ka.” Matipid akong ngumiti sa kanya bilang pagsang-ayon. Kahit papaano naman ay nagsaya talaga ako ngayon. Matagal-tagal na rin simula nang maramdaman ko iyong ganito—o baka nga hindi pa. “You should eat dinner here first before going. Magpapahanda na ako ng hapunan kay Manang. Tara na muna sa baba?” Pareho kaming lumabas ng kwarto niya upang magtungo sa hapag-kainan nila. Naaninag agad namin ang mga pinsan at ang kapatid niya sa may living room. Nagtatawanan at nagku-kwentuhan ang mga ito. “Dito kayo tumambay? Akala ko ay sa outdoor bar kayo?” tanong ni Maggie. “Mamaya. Kakain muna kaming dinner. Nagluluto pa sina Manang,” sabi ni Zak. “Kayo? Bakit kayo lumabas ng kwarto mo?” tanong naman ni Raphael habang may hawak na sparkling water. “Baka kasi sunduin na si Lucy. Itatanong ko sana kay manang if ready na ang dinner.” Ngumuso si Maggie lalo na nang magpatantong hindi pa ata tapos magluto ang kanilang kasambahay. Napatingin ako sa cellphone ko nang may magtext sa akin. Kasabay din nito ang pagbusina ng isang kotse sa labas. Azrael: I’m outside. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi mapalagay dahil sa text na iyon ni Azrael. Hindi ko naman alam na siya ang susundo sa akin. Ang inaasahan ko ay si Sitri. “Naandiyan na po iyong sundo ni Miss Lucy,” anunsyo ng isa sa mga kasambahay nila. “Aww, hindi ka man lang nakakain ng dinner.” Malungkot si Maggie nang sabihin iyon. Ngumiti ako sa kanya para mawala ang lungkot niya. “Okay lang. Sa bahay na lang. Thanks, Maggie.” Tumingin din ako sa kapatid niya at sa mga pinsan niya para magpaalam. Nginitian naman nila ako at sinabihang mag-ingat. Tumayo rin si Sari na siyang ikinagulat ko. “Ihahatid lang namin ni Maggie si Lucy sa labas.” Paalam nito sa mga pinsan. Hindi na ako nagreklamo at naglakad na patungo sa pintuan ng bahay nila. Binuksan na ni Sari ang pinto at naglakad na ako palabas. Sumunod din naman ang magkapatid sa akin. Nakita ko si Azrael na naka-business black shirt pa. Nakatupi hanggang siko ang sleeves nito habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Bahagyang magulo ang buhok at may malalamig pa ring ekspresyon. Tumingin siya sa gawi ko nang maramdaman ang presensya ko. Muli akong tumingin kina Maggie na nakatingin din kay Azrael. Napanguso naman ako dahil sa napansing reaksyon niya para rito. “Aalis na ako. Thank you ulit.” Doon ko lamang naputol ang paninitig ni Maggie kay Azrael. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Next time ulit. Sleepover na.” Niyakap ako ni Maggie bilang pagpapaalam niya. Bumaling naman ako kay Sari upang magpaalam at nagulat ako nang may seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. Ibang-iba iyon sa ekspresyong ipinakita niya sa akin kanina. Ngayong nakatingin siya kay Azrael, hindi mo makita ang palangiting Sari. “Thank you,” matipid at halos bulong na sabi ko kay Sari. Tumingin naman siya sa akin. His face softens and he give me a small smile. “Take care, Lucy.” Tumango ako bago sila talikuran at maglakad papunta sa kinaroroonan ni Azrael. “I didn’t know you’re the one who’ll pick me up. Sorry for the trouble.” Iyon ang sinabi ko kay Azrael nang makalapit ako. Tumingin siya sa akin. Ang mga mata niyang malalamig na ay mas lalo pang lumamig. Tila ba manginginig ka sa lamig ng mga ito. Bukod pa roon, may kung anong kakaiba sa ekspresyon niya na hindi ko maipaliwanag at ngayon ko lang nakita. “Don’t worry, you’re not a trouble.” Malalamig man ang mga mata niyang iyon ay mahinahon niya namang sinabi ang mga salitang iyon sa akin. “Let’s go?” Tumango ako at sumunod na sa kanyang paglalakad. “Azrael.” Dinig kong pagtawag ni Sari. Pareho kaming napatigil ni Azrael sa paglalakad. Napatingin pa ako sa kanya bago bahagyang lingunin si Sari na nakatayo pa rin sa may gate ng bahay nila. Wala na si Maggie roon, mukhang pumasok na sa loob ng bahay. “How long has it been? It’s been a while.” Muli kong ibinalik kay Azrael ang tingin ko. Magkakakilala sila? I was surprised to see a different expression on his face other than the coldness of his eyes. It’s a mixture of annoyance and agony. Bumuntong-hininga si Azrael bago pa lang nagdesisyon na lingunin si Sari na may kakaibang ngiti rin sa kanyang labi. It’s not genuine. More like a sad smile. “Yeah,” matipid na sabi ni Azrael bago tumingin sa akin at sinenyasan ako na aalis na kami. Hindi na ako nagsalita pa o nagdalawang isip pang pumasok sa loob ng kotse niya dahil nararamdaman ko pa rin ang tensyon. Ayokong manatiling nakatayo roon dahil baka magalit ko lang si Azrael at sa akin niya maibuhos lahat ng nararamdaman niya ngayon. Though, I doubt that. Pakiramdam ko kasi kahit minsan ay naiinis siya sa akin dahil marami akong tanong, hindi niya ako pinagsasalitaan ng masasakit o nagagalit. Nahihiwagaan lang ako ngayon dahil hindi ko akalaing magkakilala sina Sari at Azrael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD