ASSAULT ARC: CHAPTER 11: DAUGHTER OF THE TRAITOR

2103 Words
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Bukod sa kinakabahan akong makasama siya sa iisang sasakyan ay alam ko rin na marami siyang iniisip ngayon kagaya nalang ng pagkikita nilang dalawa ng kapatid ni Maggie. Ano kayang koneksyon nilang dalawa? Base sa reaksyon ng dalawa, hindi maganda ang nakaraang mayroon sila. Hindi man ako lumaking pakealamera ay hindi ko matiis ang magtanong. “Kilala mo iyong kapatid ni Maggie?” lakas loob kong tanong sa kanya. Okay lang naman kung hindi niya ako sasagutin. Nagbabaka sakali lang dahil sa unang pagkakataon ay hindi ko matiis ang bigat ng paligid ko at ang katahimikan. “Maggie?” Hindi niya ako nilingon pero nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya habang minamaniubra ang manibela. “You mean that friend of yours? I see, so that’s her name.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit mas pinagtuunan niya pa ng atensyon ang pangalan ni Maggie kaysa sa tanong ko? “You look like you and Sari know each other?” Patanong ko iyong sinabi dahil hindi naman ako sigurado kahit medyo obvious na naman sa kanilang dalawa. “Sari? Is that his name now?” Natulala ako nang makita ko ang isang ngisi sa kanya habang umiiling. “He’s a former colleague, I guess.” “Nagtrabaho siya sa kompanya niyo?” Hindi ko alam bakit nakikiusisa ako tungkol sa kanya but somehow, I find it interesting. Dahil pareho silang may kakaibang ekspresyon sa mukha nila kanina na hindi mo makikita madalas sa kanila. Nagkibit balikat si Azrael bago itigil ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng Royalties. “Have you eaten yet?” Nilingon niya ako. Iginilid niya ang ulo niya habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot. Umiling ako bilang sagot. “Okay, wait for me on the 20th floor. Susunod ako sa ‘yo.” Nagulat man sa sinabi niya ay tumango nalang ako. Habang pinapanood umalis ang sasakyan ni Azrael bigla kong naalala iyong pagngisi niya kanina. I can’t help but to smile a little. He’s not a bad person, I guess. He’s intimidating, yes. Pero hindi ko siguro dapat pagbasehan ang nakikita ko sa labas kaysa ang tunay na personalidad ng isang tao lalo na’t hindi ko pa naman siya masyadong kilala. Maaga akong nagising nang sumunod na araw kahit wala akong klase. Inisip ko pa kung may gagawin ba ako ngayon pero wala namang masyadong binigay na gagawin ang mga professor namin kaya baka nakahiga lang ako buong araw. Nanatili akong nakahiga. Ipinatong ko ang braso ko sa noo ko bago tumingin sa kisame ng kwarto. Napangiti ako ng kaunti. Somehow, being here isn’t that bad. Hindi dahil nararanasan ko na ang karangyaan ng buhay kahit hindi ko pa alam ang dahilan bakit ganito ang trato nila sa akin pero dahil sa mga taong nakakasalamuha ko ngayon. The Seven Royalties of this place are treating me good—excluding Zera. Ganoon pa man ay hindi rin naman ganoong kapangit ang pakikitungo niya sa akin. Siguro ay hindi palang namin nakikilala ang isa’t isa kaya’t hindi pa kami magkasundo. But the rest, they are nice and good people. Never nilang ipinaramdam sa akin na iba ako sa kanila kahit na kakakilala ko palang sa kanila. The friendliest people are probably Jinni, followed by Xaph, Levi and Daimon. Muriel is a little distant but still approachable and treating me nicely. Zera snobs me sometimes but that’s fine. Sabi ko nga, baka nagkakapaan pa kami sa ugali ng isa’t isa. Hindi rin naman ako magaling makihalubilo kaya’t hindi ko siya ma-approach. As for Azrael… Hmm, something about Azrael feels different. Iba iyong nararamdaman ko sa tuwing naandiyan siya. Pakiramdam ko walang mangyayaring masama sa akin kapag kasama ko siya. I feel safe with him which is weird. I never felt this way for someone…kahit noong nabubuhay pa si Mr. Edwin na siyang tumulong sa akin. I don’t know but I guess that’s a good thing. May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya’t bumangon ako para tingnan kung sino iyon. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng nakangiting si Jinni. “Hi, Lucy!” masiglang bati sa akin ni Jinni. “Jinni, anong ginagawa mo rito?” Nahihiya akong lumapit sa kanya at kausapin siya dahil kakagising ko lang. “Nabanggit kasi sa akin ni Sitri na wala kang pasok ngayon. Naisip ko na baka gusto mong sumama?” masayang pag-iimbita ni Jinni. “Saan?” Nagtataka kong sabi sa kanya. “Sa office. Lahat kasi kami ay naandoon. Wala kang makakasama rito. Baka mainip ka.” Sanay naman akong mag-isa. Hindi rin ako naiinip kapag walang ginagawa pero ngayong sinabi niya iyon at kahit papaano ay nasasanay na akong laging may mga taong nakapaligid sa akin, para ngang nakakapanibago rin ang magkulong lang dito sa kwarto. “Kaya lang mag-aayos pa ako—” “Okay lang. Hinatayin kita sa 20th floor. See you!” Matapos iyong sabihin ni Jinni ay agad na siyang umalis. Pumasok na rin naman ako sa loob ng kwarto para mabilis na makapaligo at makapag-ayos. Hindi rin naman talaga ako palaayos. Hindi ako naglalagay ng make up o ng kung ano man sa mukha kaya’t hindi ako ganoong nagtagal. Nang makita kong desente na naman ang suot ko ay agad kong kinuha ang maliit kong bag at lumabas ng kwarto para kitain si Jinni sa 20th floor ng gusaling ito. Tansya ko ay baka kumakain siya ng umagahan. Ako naman ay okay lang. Hindi rin naman ako sanay na kumain ng umagahan. Malaki na ang pasasalamat ko noon kapag nakakain ako ng dalawang beses isang araw. Kinawayan ako ni Jinni kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin siya. Nakita ko rin si Azrael na kasama niya. Umusod si Azrael kaya’t doon na ako naupo sa tabi niya. Natawa lang naman si Jinni sa aming dalawa kahit hindi ko alam kung ano bang nakakatawa. “What do you want to eat?” tanong ni Azrael sa akin. Si Jinni naman ay tahimik lang kaming pinagmamasdan. I don’t know. Is it weird to think na mas naging maayos at gumaan ang pakiramdam ko kay Azrael matapos ang nangyari kagabi kina Maggie? Pakiramdam ko kahit papaano nag o-open up na siya sa akin. Iyong distansyang nararamdaman ko sa kanya ay unti-unting nababawasan. Dahil alam ko na naman ang mga menu rito sa dalas naming kumain sa lugar na ito ay ako na ang umorder ng kakainin ko at kagaya ng nakaugalian ay hindi ako ang nagbayad nito. Simula nang tumira ako sa lugar na ito kasama sila ay ni minsan hindi na ulit ako gumastos ng sarili kong pera. Madalas ay sinasabi ko sa kanila na kaya ko namang magbayad ng ilan sa mga gastos ko sa buhay dahil may natitira pa naman akong pera pero ayaw nila. They are so against it, even Zera. Kaya nararamdaman ko rin na darating ang oras magiging maayos ang pakikitungo namin ni Zera sa isa’t isa. Maybe she’s the tsundere type. Iniisip kong mag-part-time job. Para kapag ganitong wala akong pasok ay kikita ako ng pera. Para hindi ako laging nakaasa sa kanila. Ayokong maging palamunin lang nila. Tama, siguro naman dahil part-time job lang ang hinahanap ko ay makakahanap ako kahit estudyante palang ako. Kahit papaano naman ay may job experience na ako. Nang matapos akong kumain ay umalis na kaming tatlo. Ang sabi ni Jinni ay kaya raw wala iyong iba ay nauna na sa kompanya nila. May ilan kasi na kailangang um-attend ng mga meetings at ilan na may kailangang gawin doon. Naiwan lang sila dahil sa desisyon kong sumama. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng guilt doon. “Don’t be guilty about it. Wala naman kaming gagawin masyado ni Az ngayon,” sabi ni Jinni sabay mahinang tinapik ang aking likod. Matipid naman akong tumango. Binuksan ni Jinni ang pinto ng isang kotse at iginaya ako papasok doon. Papasok palang ako ng kotse nang may humawak sa pala-pulsuan ko. Tiningnan ko siya at nakita ko si Azrael. “Sa akin siya sasabay, Jin,” anunsyo ni Azrael at hindi na naghintay pa sa sasabihin ni Jinni at marahan akong hinila. Tiningnan ko pa si Jinni habang hinihila ako ni Azrael patungo sa kotse niya. Ngumiti lang naman si Jinni sa akin at kumaway. Sumakay kaming dalawa sa backseat ng kotse. Nang makaayos kami sa upo ay nagsimula nang magdrive ang driver ni Azrael. Naunang umalis ang sasakyan namin kaysa kay Jinni. Hindi rin naman nagtagal ay sumunod na rin ito. Nang makarating kami sa kompanya nila ay isinuot na ni Azrael ang blazer niya bago bumaba. Sumunod na rin naman ako sa kanya. Nang muli kong harapin ang entrance ng kompanya nila ay doon ko lang napagtantong para akong basahan sa tabi ni Azrael. Halos lahat ng taong lumalabas at pumapasok sa loob ay naka-office or formal attire at naandito ako suot ang pinakadesente kong damit. Just a casual one. Ganoon pa man, halata mong hampaslupa ako. “Tara na?” Napakapit ako sa laylayan ng blouse na suot ko dahil sa pagkahiyang nararamdaman ko. Alam kong madalas ay minamaliit ko ang sarili ko pero nanliliit ako lalo ngayong nakapunta na ako rito isang beses at alam kong ganito ang sasalubong sa akin. At that one time, I don’t really mind other people, I went here for a job. I don’t care about other people or what they think about me. But now that Azrael is beside me, I kind of mind it. I don’t want to ruin his image just because he’s with some lowlife like me. “Lucy!” Para bang bumalik ako sa mundong ibabaw nang marinig ko ang pagtawag niya. Ganoon pa man ay hindi ako nagtangkang tumingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko iyon ay mababasa niya lang ang kung anong iniisip ko at natatakot ako na baka makita ko rin na ganoon ang tingin niya sa akin—isang kahihiyan. “Are you okay?” dugtong na tanong niya. Dahan-dahan akong tumango. What a lame lie, Lucienne. You’re not okay. Gusto mo na ngang umalis ngayon dito, eh. Gusto mong bumalik na sa silid mo at magkulong nalang doon dahil alam mong hindi ka nababagay sa ganitong klase ng lugar—sa ganitong parte ng mundo. You were born in dirt and you need to stay on that dirt. You can never escape; you can never be clean. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ko ang paghawak ni Azrael sa iilang hibla ng buhok ko at nilaro laro niya iyon. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo ko at namula ang aking mukha. “Tell me, what’s going on inside your head, Lucienne?” Napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi niya at sinalubong ako ng mapupungay niyang mga mata. Bukod pa roon ay may kakaiba akong naramdaman sa aking tiyan hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil sa tono ng pananalita niyang iyon. Why do I feel like there’s a lot of emotions from his tone? Why does it feel like he’s longing for something—for someone. “Hoy! Naandito pa rin kayo?” Para bang kidlat sa bilis ang kamay ni Azrael nang ilayo niya ang kamay niya sa akin dahil sa boses ni Jinni na narinig namin sa hindi kalayuan. Nakangiti ito at medyo hinahapo pa. “Anong ginawa niyo rito? Akala ko ay aabutan ko kayong nasa loob na ng opisina. Hinintay niyo ako? How sweet,” bungisngis ni Jinni habang tinutusok-tusok pa sa tagiliran si Azrael. Sinilip ko ang mukha ni Azrael at muli kong nakita ang malalamig niyang ekspresyon. It was so different to his expression earlier. “Nothing. Let’s go.” Tikhim niya bago tumalikod sa amin at magsimula nang maglakad papasok sa loob ng kompanya nila. “Weird ni Az. May nangyari ba?” tanong ni Jinni sa akin. Kinagat ko ang labi ko at buong lakas na umiling. Tumango-tango lang naman siya at niyaya na akong pumasok sa loob na agad kong dinaluhan. Sa gitna ng paglalakad ko ay tila ba may bumulong sa aking tainga. “Lucienne, daughter of the traitor. We will kill you.” Biglaan akong napahawak sa aking tainga dahil sa narinig kong iyon. Tumingin-tingin pa ako sa paligid para makita kung may bumulong ba sa akin ngunit wala. Para bang hangin iyon nagsalita malapit sa tainga ko. “What’s wrong, Lucy?” Napatingin ako kay Jinni. Nilapitan niya ako na may pagtataka sa kanyang ekspresyon. Agad akong umiling at nagpatuloy na sa paglalakad. It was weird. Daughter of the traitor? Who is he referring to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD