ASSAULT ARC: CHAPTER 12: ATTEMPT

1178 Words
“Hey, tardy bastards! We have a meeting today with an investor. Ano pang ginagawa niyo rito?!” Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Azrael at tumambad si Xaphania. Napatingin naman kami sa kanya at nakita ko ang pagbabago sa itsura niya nang makita ako. “Oh my, hindi niyo sinabing naandito pala si Lucy!” Agad niya akong niyakap at para bang batang pinanggigigilan niya. Napangiwi naman ako dahil sa inakto niya. Nilapitan kami ni Azrael at agad na inilayo sa akin si Xaph. “What are you doing here barging in to my office?” Maawtoridad ang kanyang tono, na akala mo’y tauhan niya lamang ang kausap. “Well, sabi ko nga, may meeting tayo ngayon. Naandito ako para sunduin kayo, duh.” Umirap si Xaph sa kanya ngunit nang mapatingin sa akin ay agad ding ngumiti. “Oh s**t, nakalimutan ko ang tungkol doon. Paano iyan? Maiiwan si Lucy ditong mag-isa? Baka mainip si Lucy,” sabi ni Jinni at tumingin sa akin na para bang nag-aalala nga siya na baka mainip ako. “O-Okay lang. Mag-iikot-ikot nalang ako kapag nainip ako. Sanay din naman ako ng walang ginagawa kaya magiging okay lang ako rito.” Pilit akong ngumiti sa kanila. Masyado nila akong inaalala, parang hindi ko naman deserve iyon. “Sigurado ka?” tanong ni Azrael na siya namang tinanguan ko bilang sagot. Matagal pa siyang nakatingin lang sa akin bago bumuntong hininga. “Kapag nainip ka, you can open my desktop computer. There are games installed. You can play that to past time. I don’t really recommend strolling inside the company but do what pleases you. We’ll be back.” Ngumiti ako sa kanya at tumango. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa ulo ko na siyang kinatulala ko. He doesn’t have to do that! “See you later.” Matapos niyang sabihin iyon ay nagdala lang siya ng ilang importanteng gamit at umalis na kasama sina Jinni at Xaph. Kinawayan pa ako ni Xaph bago tuluyang umalis. Nang makaalis sila ay naglibot-libot ako sa opisina ni Azrael. Inaasahan ko sana na makakakita ako ng mga litrato niya at ng pamilya niya pero wala. Puro makakapal na libro ang naandito at mga gamit niyang ginagamit sa trabaho. Bukod pa roon ay wala na. Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na maggala nalang muna. Hindi naman siguro ako maliligaw. Kung sakali mang mangyari iyon ay magtatanong nalang ako. Isinara ko nang mabuti ang opisina ni Azrael. Pupunta ako sa hindi masyadong matao. Ayokong may makakita sa akin. “Nakit mo ba iyong babaeng kasama nina Sir Az at Sir Jin? Saan kaya nila napulot iyon? Eww, her clothes are so filthy. Wala man lang taste sa pananamit. Hindi na nahiya kina Sir.” Napatigil ako nang may marinig akong boses sa hindi kalayuan. Nagtatawanan ang dalawang babae habang nakaupo sa isang bench at umiinom ng kape. “I know right. She doesn’t deserve to be with them. Like hello, she’s ruining their image. Nagmukhang orphanage o charity tuloy itong kompanya dahil sa pagpasok niya.” Muli kong narinig ang kanilang pagtawa. I know, even without them telling, alam ko na ako ang pinag-uusapan nilang dalawa. Natigil sila sa pag-uusap at napataas ang kilay nang makita ako. Nakatungo lang naman ako at nahihiyang ipakita ang aking mukha. “There she is. Eww talaga.” Inirapan ako ng isang babae bago sila muling magtawanan at ipagptuloy ang pag-uusap na para bang wala silang pakealam kung marinig ko o hindi ang pag-uusap nilang iyon. I tightened my lips in to thin line and clenched my hands tightly, just to not let my emotions suppress me right now. It’s suffocating but at the same time, it’s making me irritated. And I know, that if I won’t hold myself back, I will burst and I don’t want to do something I might regret later, no matter what I’m feeling; no matter how annoyed, irritated, or mad I am. “How about you do your jobs properly and stop judging or looking down on other people just because you have more fancy clothes than them? The value of a person isn’t based on how expensive or beautiful their clothes are, but the decency they have. And I must say, you don’t have that.” Napatayo ang dalawang babae dahil sa biglaang nagsalita mula sa likod ko. Bago pa man ako makalingon sa kanya ay naglakad na siya papalapit sa mga ito. Napatungo naman ang dalawang babae. “Get out of my face before I lost my s**t and decided to terminate your contract and make you lose your jobs, and let you starve to death, peasants!” Sigaw ni Zera sa mga ito na siyang agad naman nagpatakbo sa kanila paalis. “Tss, nakapagdamit lang nang maayos akala mo kung sino nang magaganda. Mga impokrita.” Nagulat man sa presensya ni Zera ay agad akong yumuko at nagpasalamat. Sinilip ko siya at nakita kong nakakunot noo siyang nakatingin sa akin. “Ano ba kasing ginagawa mong mag-isa rito?” Nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay niyang tanong sa akin. “Sorry. Naisipan ko kasing mag-ikot-ikot dito sa kompanya niyo.” Tiningnan lang ako ni Zera bago bumuntong hininga. Lumapit siya sa akin bago i-abot iyong blazer niya. “Wear that so some people will stop judging you. Maraming ganoon dito. Hindi naman sa sinasabi kong mali ang suot mong damit pero may ilang tao rito na mali ang way ng pag-iisip.” Sinabi niya man iyon sa iritadong boses ay napangiti ako at na-appreciate ko ang ginawa niya. Tinanggap ko ang blazer niya at isinuot iyon. Naglakad na rin siya papalayo dahil siguro sa meeting. Nakangiti naman akong nakatingin sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi mawala ang maliit na ngiti ko dahil sa ginawang “pagmamalasakit” ni Zera sa akin kanina. Maliit na bagay lang iyon para sa iba but for me, it means a lot. I never experience someone being on my side. Kapag may nang-aaway sa akin noon, wala akong kakampi palagi. Ako lang mag-isa. Sarili ko lang ang kakampi ko. Kaya ngayong nararanasan ko na may mga taong laging naandiyan para sa akin ay nagbibigay ng kakaibang saya sa akin. I appreciate even the small things; I appreciate every action. Everything means a lot to me. Dahil dati, wala akong ganito. Halos pumikit ang aking mata sa ngiting mayroon ako ngayon. Iba pala talaga ang pakiramdam sa alam mong mag-isa ka lang sa mundo kaysa sa alam mong may kasama ka. It’s warming. The coldness of life that I’ve gone through in the past years is slowly fading. “You are…” Napatigil ako sa aking paglalakad nang may marinig akong boses. Somehow, that sounds familiar. “Lucienne, right?” Hindi pa man ako nakakalingon sa kanya at nakakasagot ay agad niyang ipinulupot ang braso niya sa leeg ko. Nagpumiglas ako ngunit nanghihina ang aking katawan dahil sa pagsakal na ginagawa niya gamit ang braso niya. Natigilan ako nang bigla niyang itutok sa may mata ko ang tilos ng kutsilyong hawak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD