ASSAULT ARC: CHAPTER 13: PROTECT

2051 Words
“Hmp!” impit na sigaw ko. May takip na ngayon ang aking bibig habang nakasakal pa rin sa aking leeg ang kanyang braso at ang kutsilyo ay nakatutok sa aking mga mata. Dahan-dahan niyang idinampi ang likod ng kutsilyo sa aking pisngi pababa sa aking leeg. “Alam mo bang kailangan mong mamatay? In order to prevent the war, you must die.” Hindi ako maaring magkamali. Ito ang boses ng taong bumulong sa tainga ko kanina. Gustuhin ko mang itanong kung anong ibig sabihin niya sa sinasabi niya ay hindi ko magawa dahil na rin sa takip ng aking bibig. Natatakot man ako sa maaaring mangyari ngayon lalo na’t nasa isang madilim kaming silid ay hindi ito sapat na dahilan para tumulo ag aking luha. Hindi ako iiyak. Ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi na ako iiyak dahil wala namang magagawa ang pag-iyak. Hindi ka nito mapapasaya, hindi ka nito po-protektahan. Tinangka ko pang sumigaw pero hindi iyon sapat para may dumating na tulong. Hindi iyon makakaabot sa kahit na sino para tulungan ako. Itinulak ako ng lalaki palayo sa kanya at agad na tumama ang likod ko sa pader, dahilan para mapaupo ako sa sahig at mahulugan ng iilang kahon. “Filthy,” sabi niya habang pinapagpagan ang sarili, na para bang diring-diri siya na nalapitan niya ang isang katulad ko. Tiningnan ko siya ngunit dahil sa dilim ng kwarto ay hindi ko makita nang maayos ang mukha niya. Napagod nalang ako ng pagtatangkang magsisigaw at magsalita pero walang nangyari. Isa pa, kung may makarinig ba sa akin ay gaano ako kasiguradong ililigtas nila ako? “Now, you’ll die in peace—oh, you don’t deserve to be in peace but in pieces.” Tumawa siya na siyang nagpakabog ng dibdib ko. Alam kong ilang beses kong pinalangin na sana ay mamatay nalang ako pero ngayong unti-unti ko nang nararanasan ang magandang parte ng buhay ng isang tao ay ayoko pa. I want to know more; I want to feel more. Please, don’t take it away from me. Lumapit siya sa akin at inilapit ang talas ang kutsilyo sa leeg ko. “I wonder if stabbing your neck is enough to kill you?” Idiniin niya ang talas ng kutsilyo sa aking leeg. Napapikit ako sa sakit. Ramdam ko rin ang pagtulo at agos ng aking dugo dahil sa ginagawa niya. Someone, please save me. “Die, you evil! Die—” Pareho kaming nagulat nang makarinig nang malakas na ingay. Dumaplis ang hawak niyang kutsilyo sa pisngi ko kaya’t nasugatan din iyon. Nakita kong tumalsik ang pinto ng madilim na silid sa kung saan at tila ba nayupi ito sa lakas ng impact ng pagkakasira. Napatingin ako sa direksyon ng nasirang pinto at naaninag ko agad si Azrael. Sa posisyong mayroon siya ngayon, alam ko na siya ang sumipa ng pinto. “s**t!” Tatakbo pa lang palayo sa akin iyong lalaki nang mabilis na naglakad si Azrael patungo sa kanya at hawakan ang ulo niya. Agad naman akong nilapitan nina Xaph para kumustahin ngunit hindi ako nakasagot. Nanatili ang aking tingin kay Azrael na may madilim na ekspresyon at tila ba galit na galit sa lalaki. Pakiramdam ko ay sa sobrang galit niya rito ay mapipisa niya gamit ang kamay niya ang ulo ng lalaki. Nagtaasan muli ang aking balahibo at nabalutan ng takot nang maramdaman ko ang kakaibang aura na bumabalot kay Azrael. Nakita ko ang pag-iling nina Muriel. “Uh-oh,” sabi ni Daimon bago senyasan ang kapatid na lapitan si Azrael. Agad namang ginawa iyon ni Levi. “Az, calm down. We got this. Don’t stain your hands. Lucienne is watching.” Dahil lang sa sinabing iyon ni Levi ay atsaka lamang kumalma si Azrael. Para bang natauhan siya sa sinabi ni Levi. Napatingin sa direksyon ko si Azrael at nakita ko ang pagkabigla niya nang makitang nanginginig ang katawan ko. Natatakot ako. Hindi dahil muntikan na akong mamatay kanina o dahil sa intent to kill ng lalaki, kung hindi dahil sa naramdaman kong kakaibang aura mula kay Azrael. Pakiramdam ko ay nakamamatay iyon. Bumagsak ang balikat ni Azrael at binitawan ang lalaki. Agad namang nilapitan nina Daimon iyong lalaki at sila na ang nag-asikaso at desisyon sa kung anong gagawin sa kanya. Nilapitan ako ni Azrael at hinaplos ang aking pisngi. Napaiwas pa ako dahil nadanggi niya ang sugat sa pisngi ko. Kita ko ang galit sa mukha niya nang makita ang naging ekspresyon ko pero kumpara kanina ay mas kalmado na siya. “Can you walk?” mahinahong tanong sa akin ni Azrael. Tumango naman ako sa kanya. Kaya ko namang maglakad. Hindi naman ako sa paa nasugatan. Tinangka kong tumayo ngunit natumba nga lang ako. Mabuti nalang at mabilis akong naalalayan nina Azrael. Wala akong sugat sa binti o sa paa pero wala akong lakas na maglakad. Nanginginig ang aking binti na para bang takot na takot ito sa isang bagay. Halos mapasigaw ako nang may bigla nalang bumuhat sa akin. “Iuuwi ko na si Lucy. Daimon, Levi, at Muriel; kayo na ang bahala sa lalaking iyon. Kill him, torture him, or whatever, I don’t f*****g give a shit.” Nakita ko ang pagngisi nina Levi dahil sa sinabing iyon ni Azrael. Sumaludo pa sila rito bago pagtuunan ng pansin iyong lalaki. Hindi ko na naman nakita kung anong sunod na nangyari dahil naglakad na si Azrael palabas ng silid habang buhat ako. Sumunod sina Jinni at Xaph sa amin. Si Zera naman ay nasa labas lang at nag-aabang. “Is she okay?” Para bang walang pakealam na tanong ni Zera. Gayunpaman ay kita mong iba ang ekspresyon ng mga mata niya sa tono ng pananalita niya. “Yeah, she has some bruises to attend to but I got it.” Nilingon nila ang tatlo bago magbigay ng ilang paalala na agad namang kinasang-ayunan ng mga iyon. “Kami na ang bahala rito. Ikaw na ang bahala kay Lucy. We’ll visit you later, Lucy,” nakangiting sabi ni Xaph. Matipid naman akong tumango. “The bastard thought he can kill her with just simply stabbing her neck. What an idiot.” Dinig kong sabi ni Zera. Agad naman siyang pinatahimik ni Jinni at para bang sinabihan pa na huwag nang magbigay komento lalo na’t naandoon pa ako. Nagpaalam na si Azrael at naglakad na papalabas ng opisina. Sa ibang way dumaan si Azrael palabas ng gusaling iyon. Hindi ko na alam kung saan kami nagsusuot para lang makalabas ng building nila dahil hindi ko na kinaya. Nilamon na ako ng dilim at nawalan ng malay. “You’re the daughter of the traitor!” “Traitor!” “Lucy.” “Lucienne.” “Luci—” “Ahh!” Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga dahil sa napaginipan ko. May maliit din na butil ng pawis ang namumuo sa aking noo. Agad ko iyong pinunasan at naghabol ng paghinga. Para akong nanakbo dahil sa kapos ng aking paghinga. “Hey!” Napatalon ako sa pagkakaupo at agad na umatras nang may humawak sa aking balikat. Nang una ay natakot ako na baka kung sino iyon pero nang makita ko ang nag-aalang itsura ni Azrael ay agad nawala ang kabang mayroon ako. “A-Azrael…” Kinakapos pa rin ako sa paghinga kaya’t nahihirapan at nauutal pa akong magsalita. “Are you okay? Did you have a nightmare?” Naupo siya sa upuang nilagay niya sa tabi ng kama ko. Huminga ako nang malalim bago tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti. “O-Okay lang ako. Madalas talaga akong managinip ng kung anu-ano but I’m fine. It’s okay.” Pagngiti ko sa kanya. Marami pa akong tanong sa kung sino at ano ba talaga si Azrael, lalo na sa nakita ko kanina at sa kung paano siya magbigay ng takot sa akin. Ganoon pa man, alam kong hindi siya masamang tao. With that, I can put myself at ease when I’m with him. Alam kong ligtas ako kapag kasama ko siya. “You can tell me if something’s bothering you. Here, and have some water.” Iniabot niya sa akin iyong isang baso ng tubig na agad ko naman kinuha at nainom. Pinagmamasdan niya lang ako habang ginagawa ko iyon kaya ginapangan ako ng hiya. “You passed out earlier. Are you feeling better now?” Pagtuloy na pagtatanong niya sa akin. Tumango ako dahil wala naman na akong maramdamang kakaiba—naalala ko bigla ang natamo kong sugat kaya agad kong hinawakan ang leeg ko. May nakabalot na bandage dito pero wala na akong maramdamang sakit. Tansya ko ay gumaling na ito kagaya ng ibang sugat ko. “The wound on your cheek healed quickly kaya hindi na ako nag-abala pang lagyan iyon ng bandage. However, the wound on you neck is another thing. You got a deep cut on your neck so I decided to put a bandage on it,” paliwanag ni Azrael sa akin. Napatingin naman akong muli sa kanya. Bakit parang hindi niya ikinagulat ang biglaang paggaling ng sugat ko sa pisngi? Is he aware of that; my ability to heal my own wounds? “You’re not surprised that the wound on my cheek healed quickly. You’re aware—” “I am.” Pagputol niya sa sasabihin ko pa lang. Natural lang ang pagkakasabi niya nito na siyang ikinagulat ko. “I know everything about you, Lucy.” May kung anong kuryente ang gumapang sa aking katawan nang sabihin niya iyon at tumingin sa direksyon ko. Marami akong gustong sabihin but for some reason, I wasn’t able to talk. Pakiramdam ko ay may kung anong bukol ang tumubo sa aking lalamunan na dahilan para hindi ako makapagsalita. “That being said, it’s not the right time to tell you what you need to know. I will take it slowly, so the truths will not affect you negatively.” May kinuha si Azrael sa side table at iniabot sa akin. “Here, you need to eat something.” “Iyong lalaking nagtangka sa buhay ko. Kilala niyo ba siya? He said something that really intrigued me.” Panimula ko bago titigan ang basong hawak ko pa rin. Hindi ako sigurado kung sasagutin ba ni Azrael ang itatanong ko o may sasabahin siya para mabigyang linaw iyon pero sasabihin ko pa rin. “He said that I am the daughter of a traitor and I must die to prevent the war.” Niliitan ko ang distansyang mayroon sa amin ni Azrael. Base sa reaksyon niya ay may alam siya. Alam niya ang tinutukoy ko. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at hinarap siya. “Anong ibig sabihin niya roon, Azrael? Sinong tinutukoy niya roon? I want to know. Gusto kong malaman kung bakit may mga taong gustong patayin ako dahil akala nila pagsisimulan ako ng kung anong pangyayari. I know, my life was a mess until you guys showed in front of me, and give me this luxurious life pero hindi naman gaanong kapangit ang buhay ko para pagsimulan ako ng gulo, hindi ba? Tell me something, please? I want to know.” Ipinatong ko ang ulo ko sa may dibdib niya. Halos mawalan ako ng lakas dahil sa haba ng sinabi ko. I’m being paranoid. Day by day, pakiramdam ko ay nag-iiba ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na makita si Lucy noon sa Lucy ngayon. “Lucienne…” Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Kahit papaano ay kumalma ako sa ginawa niya. “I can’t answer everything right now. Gustuhin ko mang malaman mo na agad ang lahat pero alam ko ring hindi iyon makakabuti sa ‘yo. But let me assure you one thing…” Nablangko ang aking isip nang maramdaman ko ang yakap ni Azrael. It feels so warm. The warmness I’d never felt before. It brings you calm and peace. Pakiramdam ko ay nag-reset ang utak ko at nawala lahat ng bumabagabag lang sa akin kanina. “No one can hurt you. So please, even if it’s still confusing on your side, and even though you are still looking for the answers to all your questions, let me have your trust. I will protect you.” Sa hindi inaasahang pagkakataon; sa hindi inaasahang sitwasyon; with those assuring and comforting words, I let my tears fell from my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD