ENCOUNTER ARC: CHAPTER 14: MAD

1662 Words
Nang kumalma ako sa araw na iyon ay sinabi ko kay Azrael na pwede na niya akong iwan dahil baka may mga bagay pa siyang kailangang gawin sa opisina. Nagdadalawnag isip pa siyang iwan akong mag-isa pero pinilit ko siya at ipinakita na maayos na ang pakiramdam ko. Nasa labas ng silid ko si Sitri at naghihintay kung may kakailanganin ako. Iyon ang kondisyon ni Azrael para iwan ako—ang may magbantay pa rin sa akin para kung sakali mang mag-breakdown ako ay may taong naandiyan para sa akin habang wala siya. I never done that before. Wala naman kasi akong iniisip noon kung hindi ang mawala nalang sa mundo pero ngayong nagdesisyon na akong ituloy ang buhay na ito ay nagkakaganito ako. It’s complicated but I think it’s natural. Nasa loob ako ng banyo ko ngayon at nakatingin sa harap ng salamin. Tinanggal ko ang bandage sa leeg ko at napansin na wala na ngang sugat doon. Naiwan nalang ang bakas ng dugo na natuyo na rin sa bandage. Huminga ako nang malalim bago itapon sa basurahan ang bandage. He knows everything about me. Paulit-ulit ang mga katagang iyon ni Azrael sa isip ko. Nakakasigurado na akong hawak niya ang lahat ng kasagutan sa tanong ko para sa sarili ko at tungkol sa pamilya ko. Pero para sa ikabubuti ko ay ayaw niya palang sabihin sa akin. Sa tingin niya siguro ay hindi pa ako handa. Hindi pa nga ba? Gaano ako kahanda kung sasabihin niya sa akin ang lahat ngayon? Will I accept everything he’s going to say or I will reject every bit of it? Somehow, just thinking about it makes my heart heavy. Dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig na siyang nagpalinaw ng isip ko. No, I am not ready for the truth. Hindi ako handang malaman ang tungkol sa pagkatao ko at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa. Lumabas na ako ng banyo matapos kong makapagpalit ng damit. Hindi pa man matatapos ang araw na ito ay pakiramdam ko pagod na pagod ako. Para bang ang daming nangyari sa loob ng kakaunting oras ko sa kompanyang iyon. It’s a little draining. Anak ako ng isang traydor. I keep on thinking about this. Kanina pa ako ginugulo. Kung itatanong ko naman ng direkta kina Jinni, matatanggap ko ba ang isasagot nila? Kakayanin ko kayang malaman? Siguro mas magandang manatiling palaisipan nalang muna ito para sa akin. Mas makakabuting huwag ko nalang munang malaman. Palapit pa lang ako sa kwarto ko ay may nahagip nang anino ang mata ko na siyang kinagulat ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ko kung sino siya. “Ikaw lang pala iyan, Azrael.” Nilingon niya ako at tiningnan. He gave me a small smile. “Did I startle you? Sorry,” mahinahon niyang sabi sa akin. Bakit siya naandito? Akala ko ay bumalik na siya sa opisina niya? Kaya niya nga iniwan si Sitri rito sa akin, hindi ba? “Naasikaso na nila Muriel ang mga kailangang gawin sa opisina kaya’t nagdesisyon akong bumalik dito para kumustahin ang kalagayan mo? Feeling better now?” Nilapitan niya ako. Napatungo naman ako nang mapansin ko ang paglapit niyang iyon. “O-Okay na ako. Kaya nga dapat ay hindi ka na nag-abalang bumalik. Baka mamaya kailanganin ka roon sa opisina.” Nilaro ko ang aking kamay. Bakit ba hindi ako mapakali sa presensya niya? Naupo si Azrael sa isang silya malapit sa kinatatayuan ko. Dumekwatro ito at tiningnan iyong ilang librong nakapatong sa lamesang katabi nito. “They can handle it. I’m not really needed there.” Binuksan niya iyong isang libro at binasa. Naalala kong nagbasa ako ng libro kagabi para makatulog at nakalimutan ko nang ibalik sa bookshelf at iniwan nalang sa lamesang iyon. “You like reading books?” tanong niya, nakatuon pa rin ang atensyon sa librong binabasa. “Kind of,” sagot ko bago maglakad at naupo sa katapat na upuan niya. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti. Kung bakit siya ngumingiti ay hindi ko alam. “I heard what happened to you earlier. Buti nakita ka ni Zera.” Napaisip pa ako sa kung anong tinutukoy niya hanggang sa mapagtantong iyon sigurong pangyayari sa pagitan ng dalawang babae at sa akin. “Some people are really good at looking and dragging other people down.” Isinara ni Azrael ang libro at dahan-dahang tumingin sa akin. “What do you want me to do about them, Lucy? Do you want me to fire them and have them lose their job? Tell me, I’ll do it.” Napalunok ako sa matindi at matigas niyang pagtitig sa akin. Huminga naman ako nang malalim. May mga pagkakataon talaga na bigla nalang akong kakabahan kay Azrael. “Huwag na. Okay lang naman ako. Wala namang nangyaring masama sa akin.” Hindi ako mabait na tao. Hindi ko nga naiintindihan ang konsepto ng mabait sa masama. Pero alam ko na hindi naman nila kailangang mawalan ng trabaho dahil sa ginawa nila sa akin. If I want to punish them for insulting me, then I’ll serve them a right judgment and punishment that is according to what they’ve done. “You’re too nice.” Tumayo si Azrael at lumapit sa akin. Nagulat ako nang marahan niyang tapikin ang uluhan ko at may nakita akong kakaibang ngiti sa kanya na siyang nagpagaan ng loob ko sa hindi malamang dahilan. “It reminds me of someone I know.” Naglakad na papalayo sa akin si Azrael at patungo sa pintuan ng unit ko. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Is he going now? Alam kong kanina ay pinapaalis ko siya pero ngayong totoong aalis na siya ay parang gusto ko naman siyang pigilan. “Do you want to go somewhere or do something? I have free time. If you want, I’ll go with you.” Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta the next thing I know ay nasa mall na kaming dalawa. “You want to go here?” Parang hindi makapaniwalang tanong ni Azrael sa akin. The amusement in his voice is very evident and so is the humor. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na rito ko gustong pumunta? Nang itanong niya kasi sa akin kung saan ko gustong pumunta at sasamahan niya ako ay may naalala ako. Noong bata ako, madalas kong makita ang mga taong nagpupunta sa isang gusali. Sa tuwing nalabas ako kasama ang mga nakatatanda sa ampunan para mamili ay nakikita ko ang mga pamilyang nagpupunta sa ganitong lugar, puno ng ngiti ang kanilang mga labi. They look so happy together which made me jealous. Sa tuwing nakikita ko iyon ay naitatanong ko sa sarili ko kung kailan ko kaya mararanasan iyon o kung mararanasan ko pa ba. “Ah, ano…kasi…” Kinakabahan ako. Hindi ko alam bakit itong mall ang unang pumasok sa isip ko. Pwede namang magpanggap nalang ako na wala akong gustong puntahan diba? Pinagdikit ko ang aking hintuturo at nilaro-laro iyon. Nakakahiya. Bakit ba kasi pumunta pa kami rito? Hindi ko rin alam? And why am I acting cute? “So, saan mo gustong pumunta? May gusto ka bang bilhin?” tanong ni Azrael. Tumingin tingin naman ako sa paligid ko, baka sakaling may makita ako at mahila ko nalang doon si Azrael. “G-Gusto ko sanang mamili ng mga damit.” Mamimili nalang ako ng kahit papaano ay magagandang damit na bagay sa akin nang sa ganoon ay hindi ko napapahiya sila Azrael tuwing kasama nila ako. Tumango si Azrael at nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga boutique ng mga damit. Papasok palang kami sa isa nang mapatigil si Azrael dahil sa paghila sa kanya ng isang babae. “If this isn’t Az. Hey, how long has it been? You haven’t contacted me for a while. Busy with work?” Tiningnan kong mabuti iyong babae. Maganda ito at aakalain mong modelo dahil sa tindig at posturang mayroon siya. Muli ay para akong nanliit. “Bea? Oh, hi. Hindi agad kita nakilala.” Humarap sa kanya si Azrael at nakipag-usap. Malaki naman ang ngiti ng babae na para bang tuwang-tuwa siyang nakita niya si Azrael ngayon. Napatingin siya sa akin at tumaas ang isang kilay nito. “What are you doing here? Babysitting her?” Sabay turo sa akin ng babae at natawa pa. Hindi ko alam kung natatawa ba siya sa akin o ano. But excuse me, hindi ako bata para i-babysit. “No, I’m accompanying her. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Azrael. Why is he being nice to her? Nanlaki ang mata ko nang ipulupot ng babae ang kanyang kamay sa braso ni Azrael. Halos dumikit ang malusog niyang hinaharap sa braso nito. “May binili lang. Come on, let’s hang out. Ang tagal din nating hindi nagkita. I’m sure, we have a lot to catch up,” malanding turan ng babae. Hindi ako madalas mamuna pero may kung anong nakakainis sa babaeng ito na para bang gusto kong punahin ang buong pagkatao niya. Napairap ako at napahalukipkip dahil sa eksenang nakikita ko ngayon. “But I’m with someone,” matipid na sagot ni Azrael na para bang natatawa pa ito. “Can you leave her for a while? Hayaan mo siyang mamili ng mga bibilhin niya. Hindi naman siya mawawala rito sa mall,” anas ng babae. Napakagat ako sa aking labi dahil sa inis. Bakit ba nakakainis ang babaeng ito para sa akin? Parang gusto ko siyang patulan. Tiningnan ko muli silang dalawa at napangiwi ako. Nakita ko ang nakakainis na pagtingin sa akin ng babae na para bang iniinggit niya ako dahil ganoon silang dalawa ni Azrael. Umirap ulit ako at naglakad na papasok sa boutique. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Azrael pero nagkunwari nalang akong hindi iyon naririnig. Damn, why do I feel mad all of a sudden?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD