ENCOUNTER ARC: CHAPTER 15: DISAPPOINTED

1704 Words
Halos hindi ko na mapagtuunan ng pansin ang mga damit sa harapan ko. Panay lamang ang tingin ko rito pero wala namang napasok na detalye sa utak ko. Nakatulala lang ako roon at wala sa sarili. It’s been 15 minutes simula nang iwanan ko sila Azrael at iyong babae pero hindi pa rin siya sumusunod sa akin. Bakit nga ba in-e-expect ko na susunod siya sa akin? Syempre, mas pipiliin niyang manatili sa tabi ng babaeng iyon kaysa ang samahan ako sa pamimili ng mga damit. Umiling-iling nalang ako at pinagtuunan ng pansin iyong mga damit sa harapan ko. Enough with Azrael. Makakapili naman ako ng mga damit kahit hindi siya kasama. “Hmm, that dress looks good. Do you want to try it?” May kumuha ng hawak kong dress kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Nakita ko ang nakangiting si Azrael. “Hindi na. Hindi naman bagay sa akin ang mga ganyan.” Umiwas ako ng tingin at naglakad. Nagpunta ako sa kabilang bahagi ng boutique para tumingin ng mga t-shirts. Wala na akong ganang mamili ng magagandang damit. Ano bang iniisip ko? Na gaganda ako kapag nagsuot ako ng mga damit na madalas suutin ng mga kababaihan? Sinong niloko ko? “You wouldn’t know until you try. This will suit you perfectly.” Paghabol sa akin ni Azrael, dala pa rin ang dress na kinuha niya sa kamay ko kanina. Hindi ako nagsalita. Hindi ko nalang muna siya tiningnan. Aakto nalang muna ako na para bang wala siya sa gilid ko. Ano kayang pipiliin kong shirts? I usually go with oversized shirts because it’s comfy. Hindi rin naman ako makikay at mapili noon sa mga damit dahil unang-una wala akong karapatang mamili sa damit na susuutin ko. Mas uunahin kong ipambili ng pagkain ang perang mayroon ako noon kaysa sa damit. “Hmm, ano kayang size mo? Small?” Sinilip ko siya. Mabuti nalang at hindi nakatingin sa akin si Azrael. Nanlaki nalang ang mata ko nang magtawag siya ng saleslady. What is he thinking? “Do you have small for this dress or maybe medium?” Pakikipag-usap niya roon sa saleslady na agad namang sinunod ng babae. Napairap nalang ako at nanatiling nakatingin sa mga t-shirts kahit hindi ako makapag-focus. Naramdaman ko ang pag-alis ni Azrael sa gilid ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag-alis niya. Sinilip ko pa siya kung makikita ko siya sa malapit pero hindi, kaya umalis na ako sa mga shirts at lumapit sa mga magagandang dress. May ilan akong nagustuhan kaya’t kinuha ko iyon. Wala naman si Azrael kaya sinulit ko na. Matapos kong isukat ang mga kinuha kong damit ay dumiretso na ako sa counter at binili iyong mga nagustuhan ko. Maglalakad na ako palabas para hanapin si Azrael. Uuwi na ako. Ngayon kung ayaw niya pang umuwi, kaya ko namang mag-commute. “Done?” Nagulat ako nang salubungin ako ng boses niya. Nakahilig siya sa glass wall ng shop at nakalagay sa magkabilang bulsa ang kamay. Tumango ako. Hindi ko akalain na naghihintay pala siya sa aking matapos. “Uuwi na ako. Ikaw? May kailangan ka pa bang gawin? Pwede naman akong mauna nang umalis.” Napatungo ako matapos kong sabihin iyon. Sa hindi malamang dahilan ay nakakaramdam talaga ako ng dismaya. Tumayo siya ng tuwid at humarap sa akin. “Wala naman akong ibang gagawin dito. Hindi mo kailangang maunang umuwi. Sabay tayong babalik sa Royalties. But before that, let’s eat dinner? Hindi ka pa ba nagugutom?” Sa totoo niyan, gutom na ako kaya gusto ko na ring umuwi. Balak kong sa unit ko nalang kumain dahil kaya ko namang magluto ng akin. Kinagat ko ang aking labi, hindi ako makasagot sa tanong niya dahil sa hiya. “You don’t have to answer. Let’s just eat dinner together before going home.” Nagulat ako nang kunin niya ang mga paper bag na dala ko at hinawakan iyon gamit ang kaliwang kamay at hinawakan naman ng kanang kamay niya ang kamay ko. Natulala ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko kaya’t halos hindi ko namalayan na naglalakad na pala kaming dalawa ni Azrael papunta sa kung saan. Pumasok kami sa isang restaurant. Hindi pa rin nawawala ang pagkakatitig ko sa kamay ko at sa kamay niya. Ano itong nararamdaman ko? Anong dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko? “Table for two.” Agad kaming iginaya ng waiter sa table para sa amin. Azrael guided me to my seat. Hinila niya iyong isang bangkuan at pinaupo ako roon bago siya magtungo sa katapat na pwesto ko. Nag-order na siya ng pagkain. Ako naman ay hindi malaman kung saan ba titingin. Kung sa kanya ba o sa menu na hawak ko. “H-Hindi ako pamilyar sa mga pagkain dito.” Iyon nalang ang sinabi ko. Bukod sa totoo iyon ay hindi rin ako makapag-focus. Tumango sa akin si Azrael at siya mismo ang nag-order ng pagkain para sa akin. Ibinalik ko na sa waiter iyong menu at naghintay ng aming pagkain. Pakiramdam ko ay sobrang tagal dumating ng pagkain. Gusto ko nang may pagkaabalahan dahil sobrang nahihirapan ako sa sitwasyong mayroon ako ngayon. Walang ginagawa si Azrael kung hindi ang tingnan minsan ang cellphone niya pagkatapos ay titingnan ako. Hindi ko alam bakit parang inoobserbahan ako ng mga mata niyang iyon pero hindi ako natutuwa. “Are you okay?” Tiningnan ko si Azrael. Nakapatong ang kanyag siko sa lamesa habang nakapatong naman ang kanya babae sa likod ng kanyang kaliwang kamay. Napalunok ako dahil sa imahe niya sa harapan ko. “I-I’m fine,” pag-iwas ko. Naisip ko kasi na mas mabuting iwasan ko nalang ang pagtitig sa kanya. Pakiramdam ko ay mapupunta ako sa hindi magandang sitwasyon kapag tinuloy ko ang paninitig sa kanya. Para akong natutuyuan ng lalamunan kaya’t nang may isaling iyong waiter sa aming baso ay agad ko iyong ininom. Para bang nagulat pa si Azrael nang makita ang ginawa ko at tinangka pa akong pigilan ngunit wala na siyang nagawa dahil inubos ko ang laman ng baso. Napapikit ako dahil sa kakaibang lasa nito. It’s sweet but there’s something more on its taste. “This isn’t juice, right?” Hindi ako tanga pero hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar. Napatingin ako sa baso. Sa sobrang kaba ko ay doon ko lamang napansin na hindi siya ordinaryong baso. Oh f**k. “That’s wine,” nangiting sabi ni Azrael sa akin. Para bang na-a-amuse siya sa nangyari. Napakagat ako sa aking labi. Una dahil sa kakahiyang ginawa ko. Pangalawa ay natatakot ako na baka malasing ako dahil sa pag-inom ko nito. Hindi pa ako nakakainom ng alak kaya baka mababa ang tolerance ko rito. “Their wine here tastes good.” Uminom si Azrael sa kanyang baso. Pinagmasdan ko lang naman siya. Para akong lumulutang. Dahil ba ito sa pag-inom ko ng buong laman ng baso? Hindi pa nga iyon ganoon karami! “Lucienne, your face is turning red. Are you sure you’re okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Azrael. Ngumiti ako at tumango. Okay lang naman ako pero pakiramdam ko ay ang init ng pakiramdam ko at namumula ang aking mukha. Para rin akong lumulutang sa hindi ko alam na dahilan. Hindi man kumbinsido si Azrael sa sinabi ko ay hindi na siya nagsalita pa. Dumating ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Hindi na pinaglagyan pa ni Azrael ang baso ko ng red wine. Siguro ay nararamdaman niyang dahil sa pag-inom ko n’on kaya ako nagkakaganito. Maayos naman kaming nakarating ng Royalties. Naghihintay na rin ang valet na makababa kami ng sasakyan para i-park iyon. Nagpaalam na ako kay Azrael at mauuna na sanang bumaba nang patigilin niya ako. Para akong inaantok pero hindi ko na iyon pinahalata pa sa kanya at nilingon siya, nagtataka sa kung bakit niya ako pinigilan. “Just a moment,” sabi niya habang nakahawak sa braso ko. Nagtataka akong nanatiling nakatingin sa kanya. May kinuha siya sa backseat ng kotse niya. Nakakita ako ng mga paper bag. Mas marami ito sa paper bag na dala dala ko mula sa pamimili. “These are for you.” Iniabot niya sa akin ang mga iyon. “I hope you’ll like it. Those are my gifts.” Natulala ako at nanatiling nakatitig sa mga paper bag. Hindi ko alam kung kailan niya binili ang mga ito. Hindi ko naman kasi ito nakita kanina. “T-Thank you.” Hindi pa rin ako makapaniwala sa pagbigay niya nito sa akin. Para akong nahulas at bumalik sa katinuan ko dahil sa mga ito. “No problem. Go back inside and rest. I have to go somewhere.” Napataas ang aking mukha sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. May pupuntahan pa siya? “Saan?” wala sa sarili kong tanong. Nang mapagtanto kong itinanong ko iyon ay agad kong itinikom ang aking bibig. s**t, why did I ask that? Ano bang pakealam ko? Tiningnan ako ni Azrael dahil sa sinbi ko. Humugot siya ng malalim na paghinga bago ngumiti at sagutin ang tanong ko. “I…I have to meet someone.” Lumabas na ako ng sasakyan niya. Tumayo lamang ako sa gilid nito at hindi agad umalis. Napansin ko ang pagbukas ng bintana ng shotgun seat at doon sumilip si Azrael. “Pumasok ka na sa loob, Lucienne. It’s cold outside baka magkasakit ka.” Ngumiti siya bago muling isara ang bintana. Hindi na rin naman siya nagtagal at umalis na. Pinanood ko lang naman ang pag-alis ng sasakyan niya. Bumagsak ang balikat ko nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Azrael. Dismayado akong pumasok na mag-isa sa loob ng Royalties. Para akong binagsakan ng langit sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Dumagdag pa ang bahagyang panginginit ng katawan at mukha o dahil pa nga ata sa pag-inom ko ng isang baso ng red wine. He needs to meet someone. Sino naman kaya iyon? Sinong kailangan niyang makita ngayon? Nagbalik-tanaw ako sa mga nangyari ngayong araw habang nasa loob ako ng elevator at doon ko naalala ang tungkol sa babaeng nakita namin sa mall. Humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag ko. He’s probably going to see her. Why do I feel even more disappointed? Damn, I hate this feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD