ENCOUNTER ARC: CHAPTER 16: UNWELL

2221 Words
Another day with no classes. Ang balak ko ay magkulong nalang dito sa kwarto. Ayoko ring lumabas ng kwarto. Bukod sa wala naman talaga akong gagawin ay natatakot din akong makasalubong o makita si Azrael. Kagabi ay iniisip ko kung saan ba talaga siya pupunta. Kung tama ang kutob ko na roon nga sa babae, ano naman kayang gagawin nilang dalawa at kailangan pa nilang magkita ng ganoong oras—but then, reality hits me. They are adults and what do they do when they’re alone…together? They are intimate with each other to begin with so I expect— Naputol lang muli ang mga iniisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tinatamad mang bumangon ay ginawa ko pa rin. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Sinalubong ako ni Jinni. “Good morning, Lucy! Tara, let’s eat breakfast,” pagyayaya sa akin ni Jinni. Natulala pa ako saglit bago mapagtantong nakapantulog pa ako. “Susunod nalang ako. Saan ba kayo kakain ng breakfast?” tanong ko. Magpapalit muna ako ng damit at mag-aayos kahit papaano bago ako humarap sa iba. “The usual place.” Nakangiting sagot sa akin ni Jinni. “I can wait. Mind if I enter your room?” Hindi na rin ako nakahindi sa kanya dahil pumasok na si Jinni sa loob ng kwarto ko. Dumiretso siya sa isang sofa at naupo roon. Tumango ako bago kumuha ng pamalit na damit ko at pumasok sa banyo. Hindi naman iyon naging matagal. Sabay kaming lumabas ng kwarto ko at naglakad patungo sa elevator. “Hmm, I just remember something, Lucy.” Bumukas ang elevator kaya’t sabay kaming pumasok roon. Pinindot niya and 20th floor. “Ano iyon?” pagtatanong ko sa kung ano iyong naalala niya. Tumingin sa akin si Jinni at ngumiti. “That I owe you three wishes. Hindi ka humiling sa akin nang sinabi ko sa ‘yong bibigyan kita ng tatlong kahilingan, hindi ba?” Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Come to think of it, may sinabi nga pala siyang ganoon sa akin nang pangalawang beses kaming magkita noon sa park. Akala ko ay wala lang iyon, hanggang ngayon pala ay naiisip niya pa rin ang tungkol doon. Napatungo ako at nag-isip. Ano nga bang gusto kong hilingin? Ang makakuha ng sagot tungkol sa pagkatao at mga magulang ko? Ang peace of mind na ninanais ko noon? Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay hindi tama. Bukod pa roon, paano nakakasigurado si Jinni na maibibigay niya sa akin ang kahit anong kagustuhan ko? I mean, he’s name is Jinni but he’s not the Genie. “It’s fine. I don’t really want it.” Halos ibulong ko ang sagot kong iyon. I don’t want him to take that as an offending statement. I just don’t want to wish right now. “You don’t need to hurry, Lucienne. I’m just reminding you that if you need to wish something, just tell me. I’ll surely grant it for you.” Tiningnan ko si Jinni. Kinindatan niya ako. Ang mga ngiting kanina pa rin nasa labi niya ay hindi pa rin nawawala. Nakarating na kami sa restaurant na lagi naming kinakainan at nagulat ako nang makita kong nakatayo sina Xaph at may kaharap na pitong lalaki. Si Azrael naman ay nakahalukipkip lamang habang nakapikit ang mga matang nakaupo sa isang silya. “Anong nangyayari roon?” Agad na lumapit doon si Jinni. Ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa hindi kalayuan sa kanila. Napatingin sa akin ang isa sa mga lalaking kaharap ngayon nina Xaph. Mukha silang nagtatalo pero hindi ako sigurado dahil hindi ko naman naririnig kung anong pinag-uusapan nila. Nagulat ako nang mamukhaan ko iyong isang lalaki. Nginitian niya ako at agad na binulungan iyong isang kasama. Lalo akong nagulat nang makita si Sari ito, iyong kapatid ni Maggie. Mula sa seryosong ekspresyon na mayroon siya kanina ay agad siyang ngumiti sa akin. Kinawayan niya ako at ganoon din naman ang ginawa ko. Naglakad siya papalapit sa akin na siyang nakakuha ng atensyon ng iba. Napagtanto ko na ang mga lalaking kaharap ng grupo nina Xaph ay ang mga pinsan ni Maggie. Ganoon pa man ay may dalawang lalaki roon na hindi ko kilala. Tumingin din sila sa akin at pinaliitan ng mga mata. Kinilabutan at kinabahan ako roon. “Lucy!” pagbati sa akin ni Sari. Ngumiti ako sa kanya at binati rin naman siya. “Hmm, what are you doing here? Are you living in this place?” tanong niya nang makalapit. Tumango ako bilang sagot sa kanyang katanungan. Ngumiti lang naman ulit si Sari sa akin. Muli akong napatingin sa dalawang grupo sa hindi kalayuan. Nakatingin na sila sa amin. Sina Xaph ay nakakunot ang noo na para bang hindi nila nagugustuhang nakikita kaming magkausap ni Sari. Ang kabilang grupo naman ay nag-oobserba lang. Napansin ko rin si Azrael na ngayon ay nakadilat na ang mata at diretsong nakatingin sa amin gamit ang malalamig niyang mga mata. “Kayo? Anong ginagawa niyo rito?” Pagbalik ko ng atensyon kay Sari. “Kakilala niyo sina Xaph?” At muli akong tumingin sa dalawang grupo sa hindi kalayuan. Naghugis bilog ang labi ni Sari, para bang may napagtanto siya sa tanong ko. Tumingin siya saglit kila Jinni bago ibalik ang titig sa akin. Ngumiti si Sari sa akin. “Not really. We’re here for some business.” “Sari, let’s go.” Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ng isa sa gilid ni Sari. Tiningnan ko siya at diretso siyang nakatingin sa akin. Nanliliit pa rin ang mga mata. Hindi ko alam kung minamaliit niya ba ako o inoobserbahan lang. “Done with the business here, Gab?” tanong naman ni Sari. Doon niya lang iniiwas ang tingin niya sa akin at tumingin kay Sari. Tumango lang ito bilang sagot. “I’m done checking it. Let’s go,” maawtoridad na sabi ng Gab ang pangalan bago maglakad papaalis. Ibinalik naman ni Sari ang tingin niya sa akin na para bang nahihiya sa malamig na pag-akto ng lalaki. “I’m sorry about that. Anyway, we’re going. I’ll see you again soon. I’ll tell Maggie I saw you today.” Napagpaalam na si Sari sa akin bago sumunod doon sa isang lalaki. Napansin ko rin ang paglagpas sa akin ng isa pang lalaki na kagaya ng nauna ay pinanliliitan din ako ng mata at umiling pa bago tumingin ng diretso. “Hi Lucy! Nice to see you again. Bye!” Pagbati at pagpapaalam din sa akin ng mga pinsan ni Maggie. Kinawayan ko lang naman sila at pinanood na umalis. Bumuntong-hininga ako nang mawala sila sa paningin ko at nagdesisyon nang lumapit sa kinaroroonan nina Jinni. Sinalubong ako ng nakakunot na noo ni Zera, malalamig na titig nila Daimon at Levi na ngayon ko lang ata nakita sa kanila, hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Jinni, at parang dismayadong mukha naman ni Xaph. Si Azrael ay naiwas ang tingin sa amin kaya’t hindi ko masabi kung anong ekspresyon ang mayroon siya. What’s with this tension? I don’t get it. Tumayo si Zera sa kinauupuan niya at nilapitan ako kaya’t napaatras ako ng kaunti dahil sa agresibo niyang paglapit sa akin. “Do you know those people?” tila galit na tanong sa akin ni Zera. Naguguluhan man sa kung anong nangyayari ay sinagot ko ang tanong niya. “I’m familiar with some of them. B-Bakit?” I’m kind of scared on the way she approached me. Pakiramdam ko ay kaunti nalang ay sasabog na si Zera sa galit at sasampalin ako. “s**t! I was hoping you’re going to answer me a f*****g no but—oh s**t!” Halos sabunutan ni Zera ang sarili dahil sa pagkainis. Kung bakit siya naiinis ngayon ay hindi ko pa rin alam. Napatingin ako kila Jinni dahil gusto kong malaman bakit nagkakaganito si Zera. Jinni gave me a weak smile. “She doesn’t know.” Matipid na pagdedepensa sa akin ni Jinni. Bumuntong-hininga si Xaph bago rin matipid na ngumiti sa akin. Ganoon pa man ay hindi pa rin nababawasan ang tensyon. “Yes, she doesn’t know. Let’s not involve her to this—” “Not involve?” Malumanay ngunit ramdam mo ang lamig sa boses ni Muriel. “She’s the—” “Shut it, Muriel,” matipid ngunit maawtoridad na sabi ni Azrael. Pinasadahan niya lang ako ng tingin at muling tumingin sa ibang direksyon. “Okay, calm down everyone.” Daimon clapped his hand to get our attention. Huminga siya nang malalim. “Hindi kasalanan ni Lucienne na nakilala niya ang mga iyon. Hayaan nalang muna natin. Hindi naman siguro sila gagawa ng hindi maganda. Isa pa, they were here to apologize.” “Paano mo nga ba sila nakilala, Lucienne?” pagtatanong naman ni Levi sa akin. Ang malamig niyang pagtitig sa akin kanina ay nagbago na. “One of them is my friend’s older brother. The rest are her cousins, I guess.” I’m not sure if the two unfamiliar faces are Maggie’s cousins or not. “Friend? Who’s your friend?” tanong ni Xaph sa akin. “Her name is Maggie. She’s in my class,” nakangiting sagot ko sa kanila. Nakita kong para bang natulala at nagulat sila sa sinabi ko. Nagkatinginan pa sila na akala mo’y may pinag-uusapan sila gamit ang kanilang mga mata. Nakita ko ang pagkibit-balikat ng iba. Nagulat ako nang biglang tumayo si Muriel. Panay ang pag-iling niya bago umalis nang hindi nagpapaalam. “Saan ang punta mo, Muriel?” tanong ni Jinni rito. “I’m going to my room. Seeing those bastards’ faces made me lost my appetite and vomit instead. Laters.” Nakatalikod niya kaming kinawayan at naglakad na. I feel guilty for some reason. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko lang ay may nagawa akong hindi maganda. Sa kanilang pito ay si Muriel ang pinakakalmado. Madalang mang magsalita pero maaasahan mo siya. Hindi man ganoong kadalas ang pag-uusap na nangyayari sa aming dalawa pero pakiramdam ko kapag kinailangan ko ng tulong niya ay tutugunan niya ito. Napatingin akong muli kay Zera at inirapan niya ako bago lumapit sa table kung saan kami laging naka-pwesto at naupo sa tabi ni Azrael. “Anyway, let’s set that aside and eat breakfast.” Marahang tinapik ni Xaph ang likod ko kaya’t napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako at sinenyasan na maupo na kami. Nahihiya akong tumango. Hindi ko alam kung tama bang sumabay pa ako sa kanila ng pagkain. Pakiramdam ko kasi ay hindi lalo na dahil sa nangyari kanina. Wala akong ideya sa kung anong mayroon sa pagitan ng grupo ni Azrael at sa grupo nila Sari pero I somehow feel responsible dahil kakilala ko sila Sari. Ewan, ang gulo ng nararamdaman ko. Parang wala na rin akong ganang kumain. “We already ordered our food, Lucy. Sana okay lang sa ‘yo?” Tumabi sa akin si Xaph. Tumango nalang ako. Sa nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung may makakain ba ako. I feel like everything will tastes bitter. “Are you okay?” Sa kabilang side ko naman ay katabi ko si Jinni. Sa tapat ko ay si Azrael na kanina pa tahimik at hindi tumitingin sa akin. Nakakapanibago dahil madalas ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin. With this kind of treatment, pakiramdam ko talaga may nagawa akong masama sa kanila pero kailangan pa rin nila akong pakisamahan dahil wala silang choice. “Oo,” matipid na sagot ko. Hindi ako makangiti kahit pilit dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Kung saan nagmumula ang pakiramdam na ito ay hindi ko alam. “Sigurado ka? Because you look like you’re not, Lucy. Sabihin mo kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Baka may sakit ka na pala.” Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jinni. Gayunpaman ay nakikita ko rin ang madilim na ekspresyon sa kanyang mga mata na siyang nagpadagdag sa nararamdamang bigat sa aking dibdib. Iwas kong itinango ang sarili ko. This is suffocating. Pakiramdam ko ay nalulunod din ako sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umalis, gusto kong makawala sa nararamdaman kong ito. My life has been in the depth of darkness but this feeling is very new to me. Iba ito sa mga nararamdaman kong lungkot noon. Ang hirap pala kapag iyong nakakasanayan mo nang makasama araw-araw ay biglang nag-iba ang pakikitungo sa iyo. Even the small details or changes in their actions can affect your whole system. Just thinking about that makes me want to vomit. Agad akong napatayo at napatakip sa aking bibig dahil pakiramdam ko nga ay masusuka ako sa nararamdaman ko at sa mga naiisip ko. Napatingin sila sa akin dahil sa biglaang aksyon ko. “I’m sorry, but I do think I’m unwell. Excuse me.” Nagpaalam ako sa kanila at nag-aambang umalis. Humarap ako kay Xaph para sana sabihin sa kanya na paraanin ako. At first, she was hesitant pero agad din niyang sinunod ang kagustuhan ko dahil siguro sa itsura ko ngayon. Tumakbo ako papunta sa elevator at pinindot ang floor ng kwarto ko. Diretso akong pumasok sa kwarto at nagtungo sa banyo. Pakiramdam ko talaga ay gusto kong masuka. Naghilamos ako para gumaan din ang pakiramdam ko. Nanghihina akong lumabas ng kwarto at naglakad patungo sa kama, at matamlay na isinalpak ang sarili roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD