NIGHT AND DAY ARC: CHAPTER 17: WINGS

1953 Words
Hindi na ako lumabas ng kwarto sa buong araw na iyon. May pagkakataon na kinakatok ako nila Jinni pero hindi ako sumasagot. Wala akong lakas makipag-usap sa kanila. Dahil sa mga naramdaman ko ngayong araw at dahil na rin siguro sa nangyari ay may na-realize akong isang bagay. I am here because they need me. They are protecting me because they need something from me. Hindi ko sila kaibigan, hindi ko sila pamilya. Kaya dapat hindi ako nag-e-expect ng kahit na anong magandang pakikitungo mula sa kanila. I am nothing but an object for them and once they accomplish and get the things they need from me, they will dispose me. They will throw me away. Hindi ko dapat sila itratong kaibigan o pamilya dahil hindi ganoon ang relasyong mayroon ako sa kanila. But the problem is me. I am attached to them. Sa loob ng maikling panahong nakasama at nakilala ko sila, hindi ko namalayan na halos itrato ko na silang pamilya ko. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil masyado akong nasilaw sa ideya na may mga taong handa akong protektahaan, just like what a family do to their members. I need to distance myself. Ayokong sa huli ay ako ang mahirapan dahil basta nalang nila akong iniwan kapag tapos na silang gamitin ako. Wow, this suck. At first, I didn’t know I would feel down to the point that I’m on the verge of crying. Pero hindi. Maaga pa, I can still distance myself from them. I just need to go back to my old self, to my own beliefs. Much better to my mindset. Kill myself, huh? Just thinking about my old self, that’s the first thing that came to my mind. Dahil iyon lang naman ang iisipin ko dati kapag may problema ako o mabigat ag pakiramdam ko. Dahil para sa akin noon, that’s my only way to escape things. But things are different now. Gustuhin ko mang bumalik sa dating ako, mukhang medyo malabo na iyon. Because I realized a lot of things. That there is more to life, and killing yourself is not the only option to escape your problems. Marami kang pwedeng gawin. Bukod pa roon, I have a goal now. That is to meet my parents and ask them what I want to know. Isinubasob ko pa ang aking mukha sa yakap kong unan. Nakakain na naman ako kanina at nakapaglinis ng katawan. Sadyang ayoko lang munang lumabas ngayon ng silid kong ito. Ilang sandali pa ang lumipas ay may kumatok na naman sa pinto ng unit ko. “Lucy? Are you going to eat dinner with us?” Dinig kong sabi ni Xaph sa labas ng kwarto ko. Nagdadalawang-isip ako na sumagot pero naisip din na baka hindi siya umalis sa labas ng kwarto ko kapag hindi ako nagbigay ng sagot. “Hindi. Ayos lang ako. Thanks.” I don’t want to sound down, kaya kahit papaano ay pinilit akong magsalita nang maayos at may buhay. “I see,” disamayadong sabi ni Xaph. “Kung magbago ang isip mo nasa 20th floor lang kami, okay?” Hindi na ako nagsalita pa. Naramdaman ko nalang na wala nang tao sa labas ng kwarto ko. Bumuntong-hininga ako. Nag-iisip kung kakain ng hapunan o huwag nalang. Hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tiningnan kung may magagawa ba ako para pampalipas oras. Pakiramdam ko kasi kapag naghanda ako ng hapunan ay hindi ko rin naman makakain dahil wala talaga akong gana. Ni hindi ko maramdaman ang gutom. Napansin ko ang isang text ni Maggie sa akin kanina pa. Sa sobrang kawalang gana ko ngayong araw ay hindi ko na napansin na nagtext pala siya. Maggie: Hey, Lucy! My brother told me that he saw you earlier. Aww, I should have come with them. See you tomorrow! Napangiti ako nang mabasa ang mensahe niya. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam. Gumaan man ang pakiramdam ay hindi ko nagawang replayan si Maggie. Tumayo nalang ako sa pagkakahiga. Siguro ay bibisitahin ko nalang ang roof deck. Narinig ko na may roof deck ang building na ito. Gusto ko lang tingnan kung makakakalma ba ako roon. Sana lang ay walang ibang tao. Nang makarating ako roon ay sinilip ko muna kung marami bang tao dahil kung oo, aalis nalang ako at mas pipiliin na magkulong sa kwarto ko. Nakahinga ako nang maluwag at nagdesisyon na magpatuloy sa paglalakad papunta sa maganda at maaliwalas na roof deck ng Royalties’ Palace. Walang tao rito kaya sa tingin ko ay tahimik akong makakapag-isip. Humampas sa akin ang malamig ngunit nakakakalmang simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama iyon. How peaceful. Sana ganito palagi ang pakiramdam ko. “Oh? Naandito pala si Lucy.” Agad kong iminulat ang aking mga mata at nilingon iyong nagsalita. Nakita ko si Jinni at si Levi na magkasama. May hawak silang mga can ng inumin at isang box ng mamahaling alak. Nginitian nila ako pareho. Hindi ako mapakali dahil una sa lahat, sila iyong nangunguna sa listahan na ayokong makita sa araw na ito. I can’t explain it. Ayoko lang magpakita sa kanila. “Want to have a drink? Ganito kami lagi ni Levi—actually with Daimon but he’s busy kaya kaming dalawa lang. We don’t mind if you want to join us.” Pag-aaya sa akin ni Jinni bago sila pumwesto sa patio. Hindi ako nagsalita at lumapit nalang sa kanila. Sa katunayan ay gusto ko sanang umalis pero ayoko naman isipin nila na ayoko silang makita kahit totoo naman talaga iyon. “Have you eaten yet?” tanong ni Levi sa akin bago iabot iyong isang baso. Tumango ako kahit hindi pa talaga ako kumakain. Magalang ko naman iyong kinuha. Hindi ako palainom at alam kong mababa ang alcohol tolerance ko kaya siguro ay iinom nalang ako ng hindi masyadong mataas ang alcohol content. “Are you a heavy drinker? Nainom ka ba ng Blue Label?” Tumaas ang kilay ko na para bang naguguluhan sa sinabi niya. Umiling ako dahil hindi naman ako nainom n’on. Ni hindi ko nga alam kung ano iyon. “Just give her a light drink, Jin. Baka malasing, may pasok pa bukas si Lucienne.” Paalala na ni Levi rito. Tumango naman si Jinni bago ako abutan ng isang can ng hindi ko alam na inumin. Ibinaba ko na naman iyong isang basong hawak ko. “3% lang ang alcohol content niyan. Hindi ka malalasing diyan,” sabi ni Jinnin sa akin. Tumango naman ako bago iyon buksan at dahan-dahang inumin. Namangha ako dahil wala akong pait na nalasahan. Para lang akong umiinom ng carbonated drink. “Bakit ka nga ba nagkukulong sa kwarto mo? Masama ba talaga ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Jinni habang nagsasalin ng mamahaling alak na iyon sa baso nilang dalawa ni Levi. “M-Medyo,” sagot ko bago muling lumagok ng hawak kong inumin. Tumango si Jinni bago rin uminom ng alak na nasa baso niya. “Okay ka na ba? We can call a doctor just in case,” saad naman ni Levi na siyang agad kong ikinabahala. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko. More like, mabigat ang nararamdaman ko. “H-Hindi na. Okay na naman ako.” Nakita ko ang pagkibit ng balikat ni Levi. Hindi ko tuloy alam kung nakumbinsi ko sila sa sinabi ko o pinagdududahan nila iyon. “We were worried about you. Maghapon ka kasing hindi lumalabas ng kwarto mo,” sabi ni Jinni. Natawa si Levi kaya’t napatingin ako sa kanya. “Azrael almost break your door. Pinigilan lang namin.” Tawang-tawa siya habang sinasabi iyon at umiiling pa. Nang mapawi ang pagtawa niyang iyon ay tipid siyang ngumiti bago tumingin sa akin. “We’re sorry, Lucienne.” Nakatingin si Levi sa baso niya at pinaglalaruan ang yelo na nasa loob nito. “We know that what happened earlier made you uncomfortable. Sorry about that. Hindi lang kasi talaga namin inaasahan na…kilala mo ang mga iyon.” He sounded hesitant saying the last few words but he still did. “Anong koneksyon niyo sa kanila? Bakit parang galit kayo kina Sari?” Nilakasan ko ang loob ko na magtanong kahit na ang boses ko ay tila nilalamon ng hangin sa sobrang hina. “We can’t answer that right now but let’s just say, we’re not on good terms, and knowing that you’re close to them and being friends with them was a huge slap on our faces.” Kibit balikat ni Jinni bago uminom. “But really, we already reflected with our actions earlier that’s why we’re sorry. Hindi ka naman namin pipigilang makipagkaibigan sa kanila because that’s your decision, it’s on you. But please, don’t trust them too much. You don’t fully know them. Some people can act good and kind at first but have bad intentions later on.” Muli akong tumingin kay Levi. Para akong bata na pinapangaralan ng dalawang kapatid ko. “We don’t want you to get betrayed and to get hurt because of trusting the wrong people, Lucy. Kaya nabahala kami nang malamang kilala mo sila at nakikipagkaibigan pa sa mga lalaking iyon. Baka kung mapaano ka,” dagdag na sabi ni Jinni. Para bang nawalan ng tinik ang dibdib ko dahil sa mga sinabi nila. Sana ay sinabi agad nila ito kanina. Maiintindihan ko naman kung ipinaliwanag nila nang maayos. “Sorry din,” panimula ko. Nilaro-laro ko ang aking mga daliri habang hawak iyong can ng iniinom ko, nahihiyang magsalita pang muli. “Sorry if I tried to ignore you, at inisip pang lumayo sa inyo. Naisip ko kasi na may nagawa akong masama kanina kaya biglang naging ganoon ang pakikitungo niyo. I was afraid that I am attaching myself way too much to you guys. I—” “We know and we understand, Lucy. Next time, when something’s bothering you, you can always talk to us; you can always approach us. Treat us as your family and don’t hesitate, okay? Until the day you meet him, we are your family.” Napatingin ako kay Jinni dahil sa sinabi niya. May isang salitang bumabagabag sa akin na sinabi nito pero nang itaas niya ang baso para sa isang cheers ay hindi ko na nagawang magsalita pa. Inihatid ako nina Levi at Jinni sa kwarto ko. Tinatawanan pa ako ni Levi dahil nagewang na raw ang paglalakad ko. Si Jinni naman ay naiinis sa kanya dahil ayaw nalang tumulong sa pag-alalay sa akin. Marami rin akong nainom n’ong iniinom ko na hindi ko alam kung anong tawag at may oras pa na aksidente kong maiinom ang inumin nina Jinni kaya ito ako ngayon, nahihilo at hindi makalad nang tuwid. “Next time, Lucy, remind me not to give you any alcoholic drinks,” sabi ni Jinni na siya namang tinawanan ni Levi. Inihiga nila ako nang maayos sa kama ko at umalis na rin matapos iyon. Nakapikit lang ang aking mga mata at inaantay na dalawin ng antok ngunit kahit gaano ako kahilo ay hindi ako makatulog. Halos mapatalon ako sa gulat nang para bang may naririnig akong hampas sa aking bintana. Alam ko na iyon ay galing lang sa lakas ng hangin pero naiirita talaga ako. Tumayo ako at naglakad papalapit sa bintana ng kwarto ko. Malay mo kahit ganito kataas ang kinaroroonan ng kwarto ko ay may bato pa ring tumatama dahil sa lakas ng hangin. Oh damn, I’m too drunk. Hinawi ko ang kurtina ng kwarto at halos mawala ang lahat ng alak na ininom ko nang hindi bato o paghampas ng hangin ang bungad sa akin. I saw Azrael outside my window with pair of wings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD