NIGHT AND DAY ARC: CHAPTER 18: HANGOVER

1700 Words
Iminulat ko ang aking mga mata. I don’t feel so well. Pakiramdam ko ay gusto kong masuka. Masakit din ang ulo ko dahil ata sa pag-inom na ginawa ko. Tumayo ko ngunit muntikan na akong matumba kaya’t naupo akong muli sa kama ko. Agh, what should I do? Hindi ko alam kung anong dapat gawin kapag nalasing ka tapos ganito iyong pakiramdam mo pagkagising. This is my first time and probably my last. Hindi na ulit ako iinom lalo na’t alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Huminga ako nang malalim at tumayo. Nagtungo ako sa banyo para isuka kung ano man itong gusto kong isuka. Pakiramdam ko talaga ay naduduwal ako. Grr, may pasok pa naman ako ngayon. Naghilamos ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Did I have a dream last night? Bakit pakiramdam ko ay may nakita akong hindi kapani-paniwala kagabi ngunit hindi ko malaman kung panaginip ba iyon, dala ng pagkalasing o totoo? Ganoon pa man ay hindi ko maalala kung ano iyon. Weird. Lumabas ako ng banyo na nakahawak pa rin sa ulo ko. Why do I have this feeling that if I ever let go of my head right now, it will fall off. Nahiga akong muli sa kama ko at tumitig sa kisame ng kwarto ko. Different things run through my mind. Ang dami kong gustong isipin, isa na roon ang naging panaginip ko kagabi—panaginip nga ba iyon o totoong naganap? I don’t know. Kinuha ko ang cellphone ko. Anong oras na pero wala pa rin ako sa wisyong kumilos at maghanda para sa klase ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Ganoon ba kababa ang alcohol tolerance ko? Naisipan kong i-text si Maggie. Pakiramdam ko talaga ay hindi ko kayang pumasok ngayon. Me: Maggie, pasensya na pero hindi ako makakapasok ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Agad kong ipinadala ang mensaheng iyon kay Maggie. Inilagay ko ang cellphone ko sa gilid ko at ipinikit ang mga mata. My head is throbbing and my stomach is in a bad state. Tumunog ang cellphone ko kaya’t kinuha ko iyon. Sinilip ko ito at mabilisang binasa ang text ni Maggie. Maggie: What happened? Okay. I’ll let you borrow my notes for today’s class so you can catch up. Get well soon! Napangiti ako sa nabasa kong iyon mula kay Maggie ngunit nanghihina ang aking katawan para matuwa nang husto. Nabitawan ko ang cellphone ko at nalaglag iyon sa mukha ko. s**t, that hurts. Muli kong narinig ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko mula sa pagkakalaglag sa mukha ko. Hinilot ko ang dulo ng ilong ko dahil sa sakit na nararamdaman nito mula sa pagkakalaglag ng telepono. Nakita ko ang pangalan ni Jinni sa screen ng cellphone ko kaya’t agad kong sinagot ang pagtawag niya. “Hello,” bati ko sa taong nasa kabilang linya. “Lucienne!” Masiglang pagsigaw naman niya sa pangalan ka. “Gusto mong sumabay sa akin? Ihahatid kita sa school mo.” Napatakip ako sa mata ko gamit ang kaliwang kamay ko at ipinikit iyon. Ang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko alam kung may dapat ba akong inuming gamot para mawala ito o anong dapat kong gawin. “Hindi ako papasok ngayon, Jinni,”sagot ko sa kanya. Natigilan siya sa kabilang linya. Kung anong reaksyon niya sa sinabi ko ay hindi ko masabi. “Bakit?” Nag-iba ang tono ng pananalita niya. Ang masiglang boses niya ay naging seryoso. “Hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay lagi akong masusuka.” Pagpapaliwanag ko. Sinabi ko na rin kay Jinni. Baka sakaling alam niya kung anong dapat kong gawin para mawala ito. Hindi agad ako sinagot ni Jinni. Naririnig ko ang boses niya na parang may sinasabing hindi ko naman maintindihan. “Oh s**t!” Iyon lang sa lahat ng sinabi niya ang naintindihan ko. “May hangover ka?” “I…don’t know. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam kaya’t hindi ko sigurado. Hangover ba ito?” I never had a hangover that’s why the feeling of having one is alien to me not until today that I’m actually feeling it. “Most probably…yes.” Jinni sounds nervous. “Yare kami niyan!” natatawang sabi niya na para bang hinahaluan nalang niya ng pagbibiro ang nararamdaman niya kaba. “I can’t go to school today. I’m taking the day off. What should I do to get rid of my hangover?” “Well…drink some fluids to hydrate yourself and maybe coffee. Some sugar will help you to cure your hangover—” “Sinong may hangover?” May narinig akong ibang boses sa kabilang linya maliban kay Jinni. “Ha?” Based on Jinni’s voice, he’s acting innocent. Na para bang may tinatago siya roon sa bigla nalang nagsalita kanina. Pakiramdam ko ay kay Azrael iyong isang boses. “Sinong kausap mo? Sinong may hangover? No, don’t answer that. Give the phone, Jin,” utos ni Azrael. Alam ko na kinakabahan si Jinni dahil sa maliit na tinig mula sa kanya. Maging ako ay nakaramdam ng kaba dahil sa boses na iyon ni Azrael. “Why are you still here, Az?” tyanong ni Jinni sa kausap niyang si Azrael. Ako naman ay nakikinig lamang sa ginagawang pag-uusap ng dalawa sa kabilang linya. There’s a short pause until I heard Azrael’s voice again. “Give me the f*****g phone!” Kalmado ngunit may diin na sabi ni Azrael kay Jinni. Nakarinig ako ng ilang kalukos mula sa kabilang linya. The next thing I knew, kausap ko na si Azrael. “Lucienne,” pagtawag niya sa pangalan ko. I flinched when he called me. Para akong guilty sa isang bagay at nagtatago sa kanya. “You have a hangover?” Sa mabilis na sandaling mayroon ako para magbigay ng sagot ay maraming bagay ang sabay-sabay na pumasok sa isip ko. Dapat ko bang sagutin iyon o dapat akong magsinungaling? “Ahm…” I don’t know what to say? If I lied, what will be the merit? Wala. Worst, I won’t get rid of my hangover. Baka sakaling kapag sinabi ko kay Azrael, matulungan niya ako. “Oo.” I ended up telling the truth. Wala naman kasi talaga akong mapapala kung magsisinungaling ako sa kanya, hindi ba? “Bakit ka nagka-hangover? Nag-inom ka kagabi? Sinong kasama mo?” mabilis na tanong niya, na para bang may hinahabol siyang oras. “S-Sina Levi at Jinni. Pero hindi naman nila kasalanan na nagka-hangover ako. Kasalanan ko kasi minsan inaagaw ko iyong iniinom nila—” hindi ko na natapos pa ang pagpapaliwanag ko nang babaan na ako ni Azrael ng telepono. Napabuntong hininga ako. I feel sorry for Jinni and Levi. Pakiramdam ko ay magagalit sa kanila si Azrael. At ako, pakiramdam ko ay pagagalitan niya rin ako. Hindi ko pa nga naaayos iyong malamig niyang pakikitungo sa akin kahapon ay may panibago na naman siyang ikagagalit sa akin. I get startled when someone harshly knocked on my door. Awtomatiko akong napatayo at napatakbo papunta roon kahit na ang bigat-bigat ng pakiramdam ng ulo ko. In that short period of time, nakalimutan ko ang iniinda kong sakit ng ulo. Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ay sinalubong ako ng malalamig na mata ni Azrael. Napalunok ako dahil kinakabahan ako na mapagalitan niya lalo na’t hindi ko pa siya nakikitang nagalit sa akin. Napatungo ako at ipinikit ang mga mata. Inihahanda ang sarili sa mangyayaring pagsermon niya. “How are you feeling?” Naimulat ko ang aking mga mata dahil sa pagkabigla. Hindi kasi iyon ang inaasahan kong marinig mula sa kanya. “I-I’m fine. Masakit lang ang ulo ko.” I’m not fine, okay. Nagsisinungaling lang ako dahil ayokong magalit siya sa akin. “You should stay in your bed.” Pumasok si Azrael sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na naman siya pinigilan. Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko at pinahiga sa kama ko. “I’ll get you some water to hydrate yourself,” sabi niya nang makaupo ako sa kama. Gustuhin ko mang mahiga ay mamaya nalang. Bumalik din agad si Azrael na may hawak na isang baso ng tubig at iniabot sa akin. Agad ko naman iyong kinuha at dahan-dahang ininom. “Do you want me to instruct Sitri to buy you some medicine?” Umiling naman ako. Hindi naman dapat idaan ang lahat ng bagay sa gamot. Kung makakatulong ang tubig ay magtutubig nalang ako. “Lie down and rest. Bakit ka ba kasi nag-inom? You know that you’re not good in handling alcoholic beverages.” Nagsisimula na ba siyang mangsermon? Sandali, hindi ako handa. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik lang. Ayoko nang magpaliwanag. Wala rin namang magandang excuse akong sasabihin. “Huwag ka na munang pumasok at magpahinga nalang.” Tumango ako. Iyon naman talaga ang plano ko. Umayos ako at nahiga sa kama ko. Si Azrael naman ay nanatili lang na nakatayo sa gilid ng kama ko, tila ba binabantayan ako. “I’m fine. Hindi mo ako kailangang bantayan. Baka ma-late ka sa opisina niyo.” Alam kong siya ang boss pero hindi lang ako komportable na pinapanood akong matulog. “My time in the office is flexible. Pwede akong pumunta roon kahit anong oras.” Malamig na sabi niya. Ngumuso ako dahil doon pero hindi ko nalang iyon ipinahalata. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko kahit na hindi ako komportableng naandito pa si Azrael sa loob ng kwarto ko. Nang maipikit ko ang mga mata ay agad akong may naalalang imahe. A man with a pair of wings. It’s vague so I can’t identify the color of his wings but it’s tantalizing and beautiful…it was Azrael. Agad kong iminulat ang aking mga mata at napatingin sa direksyon ni Azrael. Seryoso ang kanyang mukha at halatang may malalim na iniisip habang nakahilig sa may lamesa. Is that really him? The man with wings. But…is that even real or it’s part of a dream? Napatingin sa akin si Azrael. Halatang nagtataka rin siya bakit ako nakatitig sa kanya. Tila ba lumutang ang isip ko at wala sa sariling lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. “Azrael…what are you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD