NIGHT AND DAY ARC: CHAPTER 19: NAME

1328 Words
“Azrael…” Nabalutan kami ng katahimikan dahil sa tanong. Alam kong biglaan lamang iyong lumabas sa bibig ko pero dahil nasabi ko na rin naman ay hindi ko na binawi pa. Bahala na siya kung sasagutin niya ako o hindi. Gusto ko lang talagang malaman kung ano siya dahil malakas ang pakiramdam ko na totoong nakita ko siya sa labas ng bintana ko na may pakpak. Mahirap paniwalaan, oo. Lalo na sa parte ko dahil hindi naman ako mapapaniwalain sa mga ganoon, na kung hindi naman nakikita ng mga mata ko, but at that time, even though it was vague, I’m sure…I have this strong feel that it was real. I saw Azrael with wings and he looks like some kind of an angel. “What do you mean?” tanong niya sa akin, nakahalukipkip pa rin ang kanyang mga kamay. Alam kong alam niya at naiintindihan niya ang tanong ko pero ayaw niya lang direktang sagutin. Napatungo ako. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba iyong nakita o hindi. Baka isipin pa ni Azrael ay nasisiraan na ako ng ulo. “Nakita kita kagabi,” panimula ko. Again, there’s no point in hiding it. If I want to know the answer, I’ll ask about it. “Nakita kita sa labas ng bintana ko. You have a pair of wings. You’re like an angel. Alam kong iisipin mo na baka lasing lang ako o panaginip lang iyon but my instinct is telling me that it was all true.” Nakayuko pa rin ako. Pinaglalaruan ang kamay ko, nahihiya na tumingin ng direkta sa kanya. Muli kaming nabalutan ng katahimikan na dalawa. Kinagat kagat ko ang labi ko. Sabi ko na nga ba, hindi niya ako sasagutin. Totoo man iyon o hindi, alam ko na hindi niya sasabihin ang totoo. Bumuntong hininga si Azrael. Napalunok naman ako. Nararamdaman ko ang tensyong mayroon ang kapaligiran namin kahit na wala namang nagsasalita sa aming dalawa. “What if I told you that you weren’t dreaming? That I was outside your window last night. I was there because I was worried about your condition. Halos maghapon kang hindi lumabas kahapon.” Agad akong nag angat ng ulo dahil sa narinig ko. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Alam ko dahil nararamdaman ko naman talaga na totoo iyong nakita ko but hearing him say that, it’s still surprising. Muli siyang bumuntong hininga at tumayo ng tuwid. Humakbang ng kaunti papalapit sa akin pero agad ding tumigil. Nakatingin lang naman ako sa may paanan niya. Pinoproseso ang mga sinabi niya. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ngayong nakuha ko ang kasagutan na gusto kong marinig ay tila hindi ko naman maproseso ang mga iyon. It’s still unbelievable. Angels exist? Hindi ako naniniwala sa mga iyon, not until I saw Azrael and his wings. So, they do exist, huh? Hindi ako relihiyosong tao kahit na lumaki ako sa bahay ampunan na pinamamahalaan ng mga taong mapapaniwalain at mga relehiyosong tao. Ganito man ako ay may alam pa rin ako sa mga religions at iba’t ibang mythology. Ang pinagkaiba ko nga lang sa iba ay hindi ako naniniwala na nag eexist talaga sila. I only see those things, those creatures as fiction but maybe, I was wrong all this time. Azrael is the living proof that they really exist. May malakas na hangin ang humampas sa akin kahit na kulong ang kwarto ko. Napapikit ako dahil doon. Nang humupa ang malakas na hangin ay nagmulat ako at muling tumingin kay Azrael. There, I saw him with his wings on his back. It was a dark one. A dark angel? “Do you know what Azrael means?” Hindi agad ako nakasagot sa itinanong niya. Nag isip ako. Ano nga bang naririnig ko noon tungkol sa pangalan na iyon? Mayroon ba? Pakiramdam ko ay mayroon— Gulat akong tumingin sa kanya. “You are…one of the Archangel! Azrael, Angel of God.” I heard his name when I was still in the orphanage. Whenever the other orphans, together with the adults were reading biblical or other mythological books. I will hear his name. Isa siya sa mga archangels na madalas pinag uusapan ng mga kasamahan ko sa orphanage namin. Ngumiti si Azrael sa akin bago muling itago ang pares ng pakpak niya. “It’s good to know that you know me, Lucy.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Parang nawala ang sakit ng ulo ko, ang pagkahilo at ang pakiramdam na masusuka ako dahil sa sinabi niya. “Sandali lang, if you’re an angel, why are you here?” Tanong ko. Naguguluhan lang ako lalo. parang imbis na mabigyan kahit papaano ang mga tanong ko ng kasagutan at mabawasan iyon ay lalo lamang dumadami at nadadagdagan ang katanungang mayroon ako. “I am here to protect you. Dahil sa tamang oras, dadalhin kita sa kanya. Ihaharap kita sa kanya.” Pagsagot niya sa akin. “You are my mission, Lucy. I am here, because you’re here.” May hindi ako maipaliwanag na emosyon sa mga mata ni Azrael. Bukod pa roon ay napaisip ako sa sinabi niya. Naandito siya dahil sa akin? Naandito lang siya dahil naandito ako? Kung wala ako rito, ibig sabihin wala siyang obligasyon na bumaba rito sa lupa— “Don’t feel obligated, Lucienne.” Umiiling na sabi ni Azrael bago ako matipid na nginitian. “I am here because I wanted to protect you. It was my choice.” May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi ito kagaya ng kanina. Iba ito sa naramdaman ko kanina. Napaupo ako sa kama. Hindi maproseso ang lahat ng detalyeng sinabi ni Azrael. “Who…am I?” Nakatingin lang ako sa may paanan ko habang tinatanong iyon. Now that he’s giving me answer, I want to grab this opportunity. Baka sakaling makakuha ako ng sagot. “That’s the question I can’t answer for now, Lucy.” Malumanay niyang sabi. Para bang dismayado siya…dismayadong hindi niya rin maaaring sabihin sa akin ang sagot sa tanong ko. Muli ko siyang tiningnan. Bakit hindi pa pwede? May mangyayari bang masama kapag sinabi niya sa akin ang totoong katauhan ko. “Our mouths are sealed about those type of questions, Lucienne. We can only answer it in the right time. I only disclose my identity to you because you accidentally saw me last night. Kung hindi ay…” kung hindi ko siya nakita kagabi ay wala pa rin siyang balak sabihin sa akin kung sino siya. “Sila Jinni? Are they angels, too?” Kung anghel si Azrael, hindi malayong anghel din sila Jinni. It’s either they changed their name para hindi agad malaman ang totoong katauhan nila. Isang ngiti lang ang isinagot sa akin ni Azrael bago ako lapitan at marahang tapikin ang ulo. “Rest for now. That’s too much information for you.” Ginulo niya ang buhok ko at naglakad na papalayo sa akin. Pinanood ko lang siyang umalis pero bago pa man siya tuluyang makalapit sa pintuan ng kwarto ko ay muli siyang tumigil at nilingon ako. Nanatili lang din naman ang tingin ko sa kanya. Muli kong nakita ang ngiti ni Azrael. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para bang sinaksak ako ng mga ngiti niyang iyon. He smiled at me but it pains me to see that. Bakit parang hindi siya masaya? “I’ll be going now. Kung may kailangan ka, just call me.” Matapos iyon ay umalis na siya. Nahiga naman ako sa kama ko. What a painful smile, Azrael. If you’re in pain, don’t try and give a smile. Lalo lang masakit makita. Alam ko na simula palang ito. Alam ko na marami pa akong dapat malaman…maging kay Azrael. Kung ngayon palang ay nahihirapan na ako, paano pa kaya sa mga susunod na malalaman ko? If Azrael is an angel and he’s here to protect me, does that mean I am somehow related to an angel, too? Maybe my parents were.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD