~~~~~>
"Oh Don Diego, Ang aga nyo atang mananghalian?" Dinig kong sabi ni Bea ng may pumasok na costumer.
Nasa may kusina ako at katulong ako ni Mama Linda sa pagluluto ng mga ulam.
"Where's Mara? Can you call her for me?" Mabait, malumanay na sabi ni Don Diego dito na dinig ko.
"Sige ho Don Diego, maupo po muna kayo dito at tatawagin ko sandali si Mara" Masiglang sagot ni Bea na dinig ko at rinig na ang tunog ng tsinelas nito patungo sa kinaroroonan ko.
Bakit naman ako hinahanap ng Don?
Nang makapasok si Bea sa kusina ay iginala nito ang paningin at para bang may hinahanap. Nang makita ako ay mabilis itong nagtungo sa kinaroroonan ko at nanunukso na ang mga tingin na ipinukol nito sakin.
"Mara! Hinahanap ka ng manliligaw mo" Bulong nitong sabi na kina tawa ni Mama Linda.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan!" Nahihiya kong sabi at pinagpatuloy ang paghihiwa sa mga gulay na gagamitin sa pagluto.
"Nasa labas si Don Diego hinahanap ka" Nasa tono nito ang panunukso.
"Bakit daw?" Kunwaring walang alam kong tanong.
"Malay ko! Pero may dalang bungkos ng bulaklak" Anito na kinagulat ko.
"A-ano? Bat ako ang hinahanap? Baka si Mama Linda ang hinahanap hindi ako" Biro ko kunwari na kinatawa namin ng sabay ni Bea.
"Sus maryosep Mara! Ayaw ko na ng sakit ng ulo no! Okay na sakin ang mabyuda" Nauumay , nakangiwing sabi ni Mama Linda habang naghihiwa din ng mga karneng lulutuin.
"Lumabas kana doon Mira, at baka mainip ang manliligaw mo" Pagkuwan ay sabi ni Julia ng makapasok ito sa kusina habang may dalang basahan na pinang linis sa mga mesa.
Napapabuntong hininga akong naghugas ng mga kamay bago ako lumabas ng kusina.
Ang totoo ay tama ang sinasabi nila. Nitong nakaraan lang kase ay nagtapat ng damdamin sakin si Don Diego na kinagulat ko. Una palang daw akong nakita nito nuong maki sakay ako sa kotse nito patungo sa hospital ay humanga na ito sakin. Lalo pa daw lumalim mula nung makilala daw nya ako ng tuluyan.
Lahat daw kase ng katangian ng babae na hanap nya ay nasa akin. Byudo na si Don Diego ng tatlong taon mahigit, Nasa edad Singkwenta'y Tres na ito at may isa daw syang anak na nasa ibang bansa at mag iisang taon na itong wala, pero ayon sa kwento ng Don ay mahigit tatlong taon na nitong hindi nakikita ang anak mula ng maglayas ito dahil sa hindi nila pagkakaunawaan noon. Kaya tanging si Mang Nestor nalang ang kasama nito sa mansyon nya.
Napapabunting hininga ako at pilit na ngumiti ng makarating ako sa mesang kinaroroonan nya.
"Magandang umaga Don" Nakangiti kong bati dito at mabilis itong tumayo at inabot saakin ang hawak nyang isang bungkos ng pulang rosas.
"Good morning Mara. For you" Nakangiting bati din nito sabay abot ng bulaklak.
Nag aalinlangan may ay tipid na ngiti ko ito tinanggap at inalalayan nya akong maupo sa tapat ng upuan nya saka ito naupo din
"Gutom kana ba? Ipaghahanda kita ng makakain" Pagkuwan ay tanong ko dito at akmang tatayo na sana ngunit mabilis nya akong pinigilan.
"No. It's okay i'm fine" Anito sa nakangiting tono kaya umayos na ako ng upo.
"May kailangan kaba? Ang aga mo?" Sunod sunod na tanong ko dito ng biglang manahimik ito
"Actually i came here to invite you personally" Mahihimigan ang hiya sa tono nito ngunit hindi inaalis ang tingin nya sakin.
Gustong gusto kong nakikita ang mga mata nya. Para kaseng nakikita ko ang mga Mata ni Matt dito dahil parehas sila ng kulay at hugis ng mata. Kulay Abo din mga mata nito at may bilugan. Kung titignang mabuti ay may hawig si Matt kay Don Diego, kung magkakaharap siguro ang mga ito ay mapagkakamalan silang mag ama, pero imposible iyon diba? Dahil ang kwento ni Matt ay ulila na sya kaya imposibleng maging ama nya si Don Diego saka mayaman ang matanda at mahirap si Matt.
"Saan?" Tanong ko dito.
"It's my birthday today Mara. And i want to celebrate with you" Nasa tono parin nito ang hiya ngunit pinapanati nito ang borito at malumanay nyang boses.
"Talaga? Naku! Happy Birthday Don Diego" Nagugulat kong bati dito dahil sa sinabi nya.
"Thank you Mara. Hmm Can you just call me in my name? Nakakatanda masyado ang Don" Kamot ulo nitong sabi na kina tawa ko.
Ang totoo ay kahit edad Singkwenta'y Siete na ito ay hindi halata. Maganda parin ang tikas ng katawan nya dahil matangkad ito, maganda ang kutis ng balat at mawawari sa itsura nito na may sinasabi sya sa buhay. Half pinoy at half american si Don Diego, pero sa dating nya ay mas lamang ang pagiging banyaga nya. Pulos black suit ang suot nito kahit tirik na tirik ang araw at mainit sa trabaho nito. Onhands kase ito sa trabaho at kahit gano kainit ang pwesto ng trabaho ay pupuntahan nya masiguro lang na tama at nasa ayos ang trabaho.
Nakakabilib na kahit pwede naman itong manatili lang sa opisina ay hindi nya ginagawa , Lagi nyang sinasabi na hindi nya deserve ang perang kinikita kung uupo lang sya sa tabi at hahayaan ang mga trahabante nya.
"Nakakahiya naman kung yun lamang ang itatawag ko sayo?" Nahihiyang sabi ko dito.
"It's okay. Mas gusto kong naririnig ang pangalan ko sayo dahil malambing mo iyon binibigkas" Anito sa naka ngiting tono na kina pula ko
"Si-sige" Tipid na ngiti kong sagot kasa tumungo para hindi nito makita ang pamumula ko.
"So will you accept my invitation?" Pagkuwan ay tanong uli nito sa totoong pakay.
"Saan ba gaganapin?" Nahihiyang tanong ko din.
"Sa bahay lang, with my close relatives and friends" Anito saka ako pinakatitigan.
"Nahihiya ako at wala akong susuotin" Sagot ko dito sabay tingin sa malaki ko ng tiyan. Ramdam ko itong napatingin din sa tiyan ko at ginagap nito ang kamay kong nakapatong sa mesa.
"Don't mind what others says. I can be the father of your unborn child, kung papayag ka" Mahina, malambing nitong sabi na kinatitig ko bigla sakanya.
"Naku! Hindi.. Ano hindi mo kailangang gawin yon. Wala kang pananagutan sakin Diego" Pagtanggi ko sa alok nito. Nahihiya
"I'm willing Mara. I'll give all of your need including your unborn baby, Just accept me in your life" Sinsero at desidido nitong sabi habang titig na titig ang mga mata nito sakin.
Namasa ang mga gilid ng mata ko dahil sa ganda ng mga sinasabi nito. Gustong gusto kong marinig ang mga salitang iyon ngunit sa isang tao lang na alam kong imposible na nyang masabi sakin, ngunit ngayon ay naririnig ko ang mga salitang iyon sa bibig ng ibang lalake.
Mabait si Diego. Wala kang masasabi dito , kung hindi kalang titingin sa edad nito ay masasabi mong perfect man na ito. Kung tutuusin ay lahat ng minahal ko kay Matt ay nakay Diego din, nagkaiba nga lang talaga sa agwat ng edad nito. Iisipin palang kase na magkakaroon kami ng relasyon ay nahihiya na ako, hindi lang dahil sa laki ng agwat ng edad namin kundi dahil may dinadala akong bata at alam ng marami na iba ang ama nito.
Ayaw kong pag usapan si Diego ng dahil lang saakin. Nakakahiya naman kung marurumihan ang magandang reputasyon nya ng dahil sakin. Ngunit naiisip ko din na bakit hindi ko sya bigyan ng pagkakataon, Lagi naman nitong pinapatunayan na seryoso ito sakin.
"Sige" Tipid na ngiti kong sagot sakanya na kina gulat nya
"What do you mean Sige?" Nagugulat at nangungumpirma nitong tanong
"Sige payag na ako" ngiting sagot ko dito na kina lawak ng ngiti nya.
"It that means you say yes to my proposal or in my invitation?" Hindi mapaglagyan ang sayang bumalatay sa mukha nitong tanong.
"Pwedeng pareho" Nangingiti kong sagot na lalong nagpalawak ng ngiti sa mukha nya kaya napa tayo ito at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you Mara! Thank you so much. Best Gift ever. Thank you!" Masayang sabi nito habang naka yakap sakin.
Nangigiti ko itong hinagod sa likuran.
Matapos ang usapan naming iyon ni Diego ay umalis na ito at may trabaho pa daw syang tatapusin at babalik nalang ito mamayang hapon para sunduin ako. Nakangiti akong bumalik sa trabaho ko. Pagod may ay hindi maalis sa mukha ko ang saya sa pakiramdam ko.
"Uy si Mara inlove" Buyo ni Bea ng matapos kami sa pagseserve at paglilinis ng pinggan mag aalasdos na ng hapon.
"Sinagot mo na?" Tanong ni Julia ng maupo ito sa tabi ko pagkatapos nitong makakuha ng pagkain.
"Oo" Tipid na ngiti ang sagot ko dito at ang mga loka loka ay nagtititili sa kilig.
"Jusko! Kung ako din ang liligawan non ay sasagutin ko din no! Hindi naman halata ang edad ni Don Diego, mukha pa itong bagets at sobrang bait nya" Ani Bea na kinikilig habang kumakain.
"Oo, Napakabait ni Don Diego mula pa noon nung bago ka pa pumasok dito. Kapag wala pang sahod ang mga trahabante nya ay nililibre nya ng tanghalian, hindi nya inahayaan na mang utang ang mga ito, dahil wala na daw maiuuwing sahod ang mga ito sa mga asawa nila. O diba ang bait" Kwento naman ni Julia sa mga ginawa ni Diego.
"Mabait talaga si Don Diego, Alam nyo ba na taon taon tuwing Birthday non ay sa halip na magpa party ng bongga ay nagbibigay sya ng relief goods sa mga mahihirap na tao dito sa bayan natin" Kwento naman ni Mama Linda na kinahanga naming tatlo nila Julia at Bea
"Matagal nyo na pong kilala si Don Diego Mama?" Tanong ni Bea na agad tinanguan ni Mama Linda
"Naku! Oo naman, Ang totoo ay katabi lang ng Mansyon nila sa maynila ang bahay ng mga Lolo at Lola ko. Nanilbihan pa ang Nanay ko noon sakanila, Ang nanay ko ang nag alaga kay Matthew yung nag iisang anak ni Don Diego" Kwento ni Mama Linda lalong nagpahanga samin.
Matthew?....
Madami pang ikinwento si Mama Linda tungkol sa pamilya ni Diego. Panay ang paghanga namin sa mga kwento nito, pero ang naka agaw ng pansin ko ay ang anak ni Diego na si Matthew. Mabait at magalang daw itong bata, ngunit nagbago daw ito ng mamatay ang Ina nito, naging rebelde daw ito mula noon at laging lasing kung umuwi na syang laging kinagagalit ng Ama nya na si Diego. Bago daw mamatay ang Ina ni Mama Linda ay nasaksihan pa daw nito ang sagutan ng mag ama bago ito lumayas at hindi na nagpakita pa sa Ama magpahanggang ngayon. Ang bali balita daw ay namuhay ang anak ni Diego sa isang probinsya ng mag isa at hindi humihingi ng kahit ano sa Ama. Pinahanap lang daw ni Diego ang anak sa isang private investigator at nalaman nitong nangibang bansa ito kasama ang matalik nitong kaibigan at doon nagtayo ng sariling kumpanya.
Napapailing nalang akong umalis ng karinderya dahil sa nalanang kwento.
Mayayaman nga naman.. May ipagmamalaki kaya nakukuhang tiisin ang magulang..
Minabuti ko munang umuwi ng bahay para makaligo at makapag ayos. Bago kase ako umuwi kanina ay may inabot si Mang Nestor na paper bag at may lamang damit na mukhang managalin. Sabi nito ay pinapabigay ni Diego at suotin ko daw ito ngayong gabi.
Matapos makaligo at makapag bihis ay tinignan ko ang kabuohan ko sa salamin at gulat ako ng makitang bagay na bagay sakin iyon.
Simpleng Baby pink dress iyon na may crystals design sa laylayan ng palda at palibot sa leeg at manggas. komportable akong suotin ito maliban sa kase sa cotton ang tela ay maluwang sa may parte ng tiyan ko. May pares itong flat sandal na may tali na aabot hanggang sa binti at kulay ginto ang mga ito kakulay ng abubot sa damit ko.
inayahan kong nakalugay ay buhaghag at mahabang kong buhok na abot hanggang baywang at nilangyan lang iyon ng baby pink na headband, may maliit na design na ribbon.
Matapos mapagmasdan ang kabuohan ay napatingin ako sa pinto ng may marinig na kumatok kaya kahit hirap sa paglalakad dahil sa laki ng tiyan ko ay mabilis kong napuntaan ang pinto upang pagbuksan ang kumakatok.
Si Diego ang nabungaran ko, Lumabas ang gandang lalake nito sa suot na kulay puting suit, Magmula sa itaas hanggang sa mga sapatos ay puti ang suot nya maliban sa leader skin type na sinturon nito na kulay itim. Napakalinis nyang tignan. Bagets kung titignan dahil sa dating ng pananamit nya. Para bang natatabunan ng suot nya ang tunay na edad.
"Are you ready?" Nakangiting tanong nito at inilahad ang palad nito sa harap ko.
Nakangiti ko itong tinanguan at inabot ang kamay nyang nakalahad sakin at inalalayan ako nitong sumakay ng Kotse nya.
"You're so Beautiful" Bulong nitong papuri sakin na kina pula ng mukha ko.
"Thank you, Ikaw din ang gwapo mo ngayon. Happy birthday ulit" Balik papuri ko dito na kina ngiti nya ng malawak.
"Thank you Mara" sagot nito.
"Wala akong regalo, pasensya kana" Napapatungo kong sabi ngunit mabilis nitong hinawakan ang baba ko at iangat iyon para magpantay ang paningin namin.
"You Accept me in your life is the most and very best gift ever i have Mara" Sagot nito sa malumanay at malambing na tono at hinalikan ako sa noo.
"Maraming salamat" Naiiyak kong sabi ngunit pinigilan tumulo ang luha dahil baka magulo ang konting ayos na mukha ko.
Tahimik ngunit nakangiti naming tinahak ang Mansyon na tinitirhan ni Diego dito sa bayan. Labas palang ay sumisigaw na ang karangyahan sa sobrang ganda ng mansyon. Ayon kay Diego ay simple lang daw ang mansyon na ito at maliit dahil mag isa lang syang nakatira dito, ngunit para sakin ay napakalaki na iyon at napakaganda.
Sa labas palang ng mansyon ay may mangilan ngilan ng bisita na naroroon. Halos lahat ay napapatingin saamin ng alalayan akong maglakad papasok ni Diego. Nahihiya kong salubungin ang mga tingin nila, Una ay Nahihiya ako dahil sa itsura kong simple dahil sa mga babaeng narito ay napaka elegante nilang tignan at hatang may sinasabi sa buhay at Pangalawa ay dahil sa laki ng aking tiyan na syang agad na napupuna nila.
To Be Continue .........