CHAPTER-12

2233 Words
~~~~> Pagpasok namin ni Diego sa mansyon ay may sumalubong saamin na napakagandang babae. Sa wari ko ay nasa edad kwareta na ito ngunit hindi mahahalata dahil elegante at napaka sosyal nyang tignan. "Happy Birthday Big bro!" Nakangiti, Masaya nitong bati kay Diego at nakipag beso beso pa ito. "Thank you Daniella" Sagot ni Diego dito sa masayang tono. "Who is she?" Pagkuwan ay tanong nya kay Diego at itinuro ako kaya napatingin din si Diego sakin. "Oh by the way this is Zamara my soon to be wife, Mara this is Daniella my youngest Sister" Pakilala samin ni Diego. Tinignan mu na ako nito mula ulo hanggang paa bago ngumiti na halatang pilit at nakipag beso beso sakin. "Nice to meet you Zamara" Peke o mas tama bang sabihin na plastic na ngiti nyang sabi. "Nice meeting you too Daniella" Tipid na ngiting sabi ko dito. "She's pregnant?" Kausap nito si Diego habang nakaturo sa tiyan ko.Nagulat "Is'nt obvious?" Nasa tono ni Diego ang inis kaya hinawakan ko sya sa may braso para pigilang mainis sa kapatid. "Oh what i mean is, How and when?" mataray na nitong paliwanag na ang kausap ay ang kapatid ngunit nasaakin ang paningin sa tiyan ko mismo "Are you an idiot or what? Ofcourse we make love and then Boom she's pregnant" Naiinis na talagang sabi ni Diego sa kapatid kaya napahigpit ang hawak ko sa braso nya. Pinipigilan sya. "Is that so?" Pagtataray ulit nito ngunit sinamaan na sya ng tingin ni Diego. " Okay! okay! Sabi mo e!" Anito sa nakataas ang kamay na para bang sumusuko. Inakay na ako ni Diego palapit sa iba pa nitong kamag anak at kaibigan, pinakilala nga nya akong soon to be Wife o Fiance. Ang sabi nito ay mas maganda daw na ganon ang sabihin at ipaalam namin para wala na daw magduda at mag usisa sa pagbubuntis ko na sinangayunan ko nalang. Iilan sa mga kamag anak nito ay gusto nila ako base sa nakikita ko sa mga mata nila, ngunit mas marami ang nagmamata at nanghuhusga sakin. May naririnig pa akong bulungan na hindi sila kumbinsido na anak talaga ni Diego ang dinadala ko dahil hindi daw nila ako kilala at ngayon lang nila ako nakilala at nakita. Sa tuwing may naririnig na bulungan tungkol saakin ay laging sinasabi ni Diego na wag ko silang pansinin at lagi nitong inookopa ang paningin ko para hindi ko daw pansinun ang mga sinasabi saakin na nanging epektibo naman. Masayang nairaos ang Birthday ni Diego sa gabing iyon. Kaliwa't kanan man ang pagkuha ng litrato para sa mga sikat at magagaling na negosyante na narito na kina ilang ko ay nairaos naman kahit papaano ang birthday. Marami akong nakilala at naka kwentuhan na mga pinsan at kaibigan ni Diego na sa tingin ko ay mababait naman at hindi peke. ------------* Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan na masaya at kuntento naman kami ni Diego. Nang hingin nito ang kamay ko para pakasalan ako ay niyaya ko muna syang magpunta sa bahay para makilala ang Nanay at kapatid ko. Nung una ay pinagtabuyan kami ni Nanay ngunit sa araw araw na panunuyo ni Diego dito ay napaamo nya din ito at ngayon ay ibinigay nya ang kanyang basbas para sa pagpapakasal namin. Simpleng kasal lang ang hiniling ko kay Diego, ayaw ko ng maraming tao na imbitado kaya minabuti nitong maging pribado ang kasal namin. Kabwanan ko na ngayon at narito na kami sa Main city hospital at nasa Delivery room na ako "Push misis, push!" Utos ng Doktora na nagpapaanak sakin ngayon. "Ahhhhhhh" Malakas na ire ko ng humilab ang tiyan ko sa sakit. "Very good misis. Isang mahabang ire nalang. 1...2...3...push!" Anang doktora habang inaalog ang tiyan ko kaya humilab nanaman ang tiyan ko at napasigaw ako sa sakit. "Ahhhhhhhhhhhh!" Mahabang ire ko at ramdam ko ang paglabas ng bata sa pwerta ko kaya nanlambot ako bigla at habol hininga akong napatingin sa sanggol na hawak nila habang umiiyak ito. "It's a bouncing Baby Boy Mrs.Sanford" Nakangiting anunsyo ng doktora sakin at inilapag nito ang sanggol sa dibdib ko habang nililinis ang pinaglabasan nito sakin. Maluha luha at masaya kong niyakap ang baby ko na hindi parin natigil sa pag iyak kahit na nasa bisig ko na ito. Kaya pala sobrang laki ng tiyan ko ay sobrang laki din pala ng laman sa loob. Bagong labas palang kase ito ay nasa apat na kilo na ang bigat niya at hindi pa man nakakadede ay maumbok na ang mga pisngi at mga braso't binti nito. Napaka puti nya at kahit hindi pa malinaw at may harang pa ang mga mata nya ay alam ko ng kulay Abo din ang mga mata niyon at bilugan gaya ng sa ama nya at kay Diego. Nang kunin, linisin at bihisan ang baby ko ay nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Madaling araw kase ako inabot ng panganganak. Nang magmulat ay maliwanag na at mainit sa balat ang sikat ng araw kaya sa tantya ko ay hapon na iyon. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at nahagip ng paningin ko sina Mama Linda, Bea at Julia sa Sofa na nandito sa kwarto habang si Diego ay nasa isang tabi at para bang may pinagkakaabalahan na kung anung bagay. Napapaisip ako kung bakit naririto sina Mama Linda, ngunit agad ding nasagot ng matandaan kong araw pala ng linggo ngayon at hindi nagbubukas ng karinderya si Mama Linda tuwing linggo "Mara!" Masayang pagtawag ni Bea sakin ng makita ako nitong gising na. Lahat tuloy sila ay napatingin sakin maging si Diego na ngayon at malinaw ko ng nakikita kung ano ang pinagkaka abalahan. Karga nito ang sanggol na inilabas ko kani kanina lang. Masaya itong lumapit sakin at hindi mo maipaliwanag ang ngiting nakadantay sa mukha nya habang hawak ang anak ko. "Look sweetheart, our baby looks like me" Masaya, Sobrang saya nyang sabi sakin sabay pakita sa bata. Mulat na mulat ang bilugan nitong mata at gumagalaw galaw ang bibig nito na para bang may gustong sabihin. Nakahawak pa ang maliit nitong kamay sa hintuturo ni Diego. "Oo nga Mara. Kamukhang kamukha ni Don Diego ang baby nyo" Mahihimigan ang pagtataka sa tono ni Julia ngunit pinanatili ang mukhang naka ngiti. Hindi ako kumibo sa mga sinasabi nila at sa halip ay pinagmasdan ko nga ang baby ko. Ang kulay at hugis ng mata nito ay gaya nga ng kay Diego, Ang maliit nitong ilong ngunit mawawari mo na ang tangos ay hawig din kay diego pero ang manipis at maliit nitong mga labi ay saakin nakuha. Balat lang siguro naiba dahil sobrang puti nito na para bang anak amerikano sa sobrang puti. "Foriegner ba ang tatay ni Baby bat ang puti?" Nacucurious na tanong ni Bea ng malapitan ito at laruin. "O-oo" Tipid at napa iwas kong tingin kay Diego na sagot. Dinig kong tumikhim si Mama Linda na para bang sinasaway si Bea ngunit hindi kona pinansin ang mga ito. "Are you hungry?" Pagkuwan ay tanong ni Diego na nasa tabi ko na pala at hindi na nito hawak si Baby na karga ni Bea ngayon. "Tubig nalang" Tipid na ngiti kong sagot at akmang uupo ng mabilis nya akong alalayan. Inalalayan nya akong makaupo bago kinuhanan ng maiinom. Pinag silbihan ako ni Diego na para bang gawain nya talaga iyon kahit na alam naming pareho na ni minsan ay hindi nya pa nagawa iyon sa buong buhay nya. Lahat ng kailangan ko at ni Baby ay ibinigay nito. Makikita mo sa itsura nya ang saya kahit mahahalata na pagod na ito. Enjoy nitong kinakarga at inaalagaan si Baby tapos ay patutulugin at ilalagay sa baby crib na narito sa hospital. Nakakataba ng puso na makita syang masaya at tanggap ang anak ko kahit na hindi nya ito kadugo. Lalo akong humanga dahil sa taglay nyang kabaitan na hinding hindi mo makikita sa iba "Sweeheart?" Pagkuwan ay tawag ni Diego sakin matapos nitong mailapag si Baby ng makatulog ito. "Hm?" Sagot ko habang inaayos ang suot kong ospital gown dahil kakatapos kolang padedehin si Baby. "Anong ipapangalan natin sakanya?" Nakangiting tanong nito. Nag isip muna ako bago ko siya sinagot. "Gusto ko sana Zion, ngunit wala ng maidugtong" Nakanguso kong sabi na kinatawa nya. "You're so cute. Hmm wait iisip din ako ng pwedeng idugtong sa Zion" Anito saka inilagay ang kamay sa ilalim ng baba at napatingala sa kisame na animo'y nag iisip nga. "How about Prince Zion?" Suhestyon nito na kina kunot ng noo ko. "Prince?" Takang tanong ko. "Yeah, Since he's our little one. I want him to be my prince in my palace in Manila" Sagot nito saka tatango tango na para bang gustong gusto talaga ang naisip. "Lilipat tayo dun sa Manila?" Tanong ko dito kaya napatitig sya sakin ng deretsa. "Why? Ayaw mo ba?" Mahihimigan ang pag aalala sa tono nya saka ito umupo sa kama ko at hinarap ako ng maayos. "Hindi naman sa ayaw, Nasanay na kase ako dito" napapatungo kong sagot kaya kinuha nya ang mga kamay ko at pinagsalikop. "Don't worry sweetheart, matagal pa naman yon, For now dito muna tayo dahil matagal tagal pa ang project ko dito. You can back to school and take the courses you want" Mahabang lintaya nito sa nakangiting tono kaya gulat ko itong tinitigan sa mata. "T-talaga?" Gulat di makapaniwalang tanong ko na agad nyang tinanguan habang nakangiti sakin. "Salamat Diego!" Naluluhang sabi ko dito saka ko binawi ang mga kamay ko sakanya at niyakap ito ng mahigpit. Ngayon masasabi ko ng kontento na ako sa buhay ko. May mabait, maalaga at mapagmahal akong asawa at anak na napakalusog. Maging ang relasyon ko kay Nanay ay maayos na kaya wala na akong hihilingin pang iba. Ngayon kolang napapatunayan na sa kabila ng hirap na pinagdaanan ko ay may kapalit na ginhawa at dilang ginhawa ang binigay kundi napakasaya sa pakiramdam non. Ginawa nga ni Diego ang ipinangako nito. Makalipas ang tatlong buwan ng makapanganak ako ay sinamaan nya ako sa isang sikat na unibersidad dito sa syudad namin para mag enroll at maipagpatuloy ang pag aaral ko. Masayang lumipas ang mga araw na walang naging problema sa pag sasama namin ni Diego. Si Nanay ang nag alaga kay Zion pero may isa pang yaya na kinuha ai Diego para may makatulong si Nanay at hindi mahirapan ito sa pag aalaga kay Zion at Mira. Hinahatid sundo ako ni Diego sa school noong una, pero nung matutong mag maneho ay binilhan nya ako ng kotse para may magamit na nung una ay tinatangian ko ngunit mapilit ng sadya si Diego kaya wala ng nagawa kundi tanggapin. "Mommy!" Masayang bungad ni Zion ng makauwi kami ni Diego galing sa graduation day ko. Ito kase ang araw ng pagtatapos ko bilang Architect. Apat na taon na ngayon si Zion at napakabibong bata nito. "Hello baby" Salubong ko dito saka ko sya kinarga kahit na nabigatan. Sobrang lusog kase nito kaya medyo hirap ko itong binuhat. "Zion! You're too old para magpa carry kay Mommy" Saway ni Diego ng makita nitong napapa ngiwi ako dahil sa timbang nya. Nakangusong nagpapaba ito sakin saka ito tumingin sakin na para bang nagsusumbong dahil napagalitan ng Ama. "Congrats Anak!" Pagkuwan ay bati ni Nanay ng makalabas ito galing ng kusina. "Thank you Nay" Masayang sagot ko saka ko ito niyakap. Ipinakita ko pa dito ang diploma ko na maluha luha nyang tinanggap. Syempre hindi maalis ang drama ni Nanay dahil pangarap talaga nya noon na makatapos ako ngunit sadyang kapos lang kami sa buhay kaya hindi nya kami masuportahan. Nagpahanda ng simpleng celebration si Diego sa may garden sa labas ng mansyon. Malalapit na kaibigan at kamag anak lang ang imbitado. "Congrats Mara" Bati ni Mama Linda ng makita ako nito. Kadarating lang nila "Salamat po Mama Linda" Masayang sabi sako ko sila inalalayan maupo sa bakanteng mesa Present ang mga kapatid ni Diego na sina Daniella, Deserie at Donald. Maging ang mga pamilya nito ay kasama nila na labis na kina tuwa ni Diego ngunit mababakas sa mga mata nito ang inggit ng makita ng mga pamangkin nya na sa tingin ko ay kaedad ng anak nya. "Daddy!" Masayang sabi ni Zion kay Diego at para itong nagpapakarga. Nilingon ni Diego si Zion at alangan may ay pinagbigyan nya ang bata at ipinakilala sa mga kapatid at pamangkin. "Everyone! This is Zion my son" Nakangiting pakilala ni Diego sa bata na kina tuwa ng mga kapatid nya at mga pamangkin. "Tito, Zion really looks like Dale when he's like his age" Pukaw ni Trisha. Anak ni Deserie. "Yeah! You're right trish! Kamukha nga ni Dale nung ganyang edad din sya" pagsang ayon ni Donald, kapatid ni Diego. "So sayo nga!" Mataray na sabi ni Daniella kaya napatingin ang lahat sakanya maging kami ni Diego. "What do you mean mom?" Nagtatakang tanong ni James anak nito. "I thought hindi anak ni Kuya ang pinagbubuntis ni Mara noon" Mataray paring sagot nito. Walang mababakasan ng takot o ilang sa sinabi at deretsahan nitong hinayag ang gustong sabihin. "Will you please shut up Daniella!" Asik ni Diego dito. "What are you talking about hon!?" nanunuway din ang tono ni Greg, asawa ni Daniella saka ito humingi ng paumanhin sakin, samin ni Diego Napapahiya akong nagpaalam sa mga ito para asikasuhin ang iba pang bisita. Paano pag nalaman nila ang totoo?.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD