CHAPTER-13

2806 Words
Maagang umalis si Diego sa bahay, ngayon kasi ang araw na matatapos ang malaking project nya. Napag usapan na din namin ni Diego ang tungkol sa pag lipat namin sa maynila sa susunod na linggo. Dadaluhan lang daw namin ang thanks giving party at pagpapabless ni Mr.Yukimoto na siyang may ari ng Building na ginawa ni Diego. Halos dalawang napakalaking building kase ang pinagawa nito kaya umabot ng ilang taon bago ito natapos. "Anak!" Tawag ni Nanay ng makababa ako ng hagdan. "Po?" Sagot ko saka ko ito nilapitan. Nasa may labas ito sa bandang pool "Baka hindi kami makakasama ni Mira sa pagLipat nyo sa maynila" Anito na kina gulat ko. "Ah? Bakit naman po?" Nagtataka kong tanong "Wala lang naman, Mas gusto ko kase dito saka nahihiya na ako kay Diego dagdag pa kami sa gastos" Sagot nito na kina iling ko. "Hindi po Nay. Lahat po ng ginagawa ni Diego ay bukal sa puso nya. Alam po nating mabait talaga si Diego" Ani ko dito n agad niyang tinanguan bilang pag sang ayon sa sinabi ko. "Alam ko iyon anak, Pero nahihiya na talaga ako. Ang dami na nyang naitulong saatin, sayo kay Zion na alam nating hindi nya talaga totoong anak pero tinanggap nya, tapos kay Mira at saakin. Sobra sobra na iyon" Mahabang Lintaya ni Mama kaya napa buntong hininga nalang ako at napatango. Kahit tutol man ako sa gusto nitong wag na silang sumama samin ay hindi na ako kumontra pa. Isa pa ay naiintindihan ko si Nanay kung bakit ayaw nyang umalis dito. Dito na kase ito lumaki, nagkaisip at nagkapamilya gaya ko kaya mahirap para sakanya na iwan ang kinagisnang lugar. Masayang lumipas ang maghapon, Halos nakay Zion lang ang atensyon ko dahil bibihira ko itong makasama sa buong maghapon. Madalas kase ay busy din ako at tinutulungan si Diego sa mga trabaho nito na naaayon sa kursong kinuha ko. Yun naman kase talaga ang purpose ng kursong kinuha ko, yung maka tulong sa propesyon nya kahit papaano, Nung una nga ay inhero talaga ang gusto kong kunin ngunit mas nanaig saakin ang pag guhit ko ng kung anu ano kaya sa huli ay architecture nalang ang kinuha ko, Halos pareho lang naman ang kursong iyon ang pinagkaiba nga lang ay hanggang plano at guhit lang ako ng mga ipapatayo ng Inhero na syang trabaho ng mga ito. Sabi nga ni Diego ay mas mataas pa daw ang kursong natapos ko kesa sakanya dahil ako daw ay guguhit lang sa mesa ko samantalang siya ay makikipag usap sa mga trahabante at mag didiscuss ng mga bagay bagay at magtatrabaho. "Hello Sweetheart" Bati ni Diego sakin ng makapasok na ito ng bahay." Hello Baby" Patuloy nito ng salubungin sya ng yakap ni Zion. "How was your day Hon?" Tanong ko dito sabay hubad sa suot nitong cout at kuha sa briefcase na dala nito na malugod nyang pinaubaya sakin saka nito kinarga si Zion na pagkabigat bigat ngunit hindi nya iyon ininda. "Actually it's freaking tired. But when i saw you too" Tukoy nito saamin ni Zion." It's ease already" Anito saka nya hinalikan ang pisngi ng bata na kina hagikhig naman nito. "Daddy! Me and Mommy played all day" Masayang kwento ni Zion sa Ama na kina ningning ng mata ni Diego. "Really? Have you had fun?" Nakangiting tanong nito na masayang tinanguan ng sunod sunod ng bata. "Mommy bake me a chocolate cake and cookies. And you have too Daddy" Magiliw na kwento ng bata sa Ama na kina ngiti din ng Ama. "Really?" Pangungumpirma ni Diego sabay tingin sakin. Inaalam kung totoo ang sinabi ng bata kaya napatango ako. "Okay well eat that cake together. Lets go" Anito saka na kami inakay mag ina sa may kitchen. Dali dali kong tinungo ang mesa kung saan ko inilagay ang na bake kong Cake at cookies. Balak ko din sanang dalhan si Mira ng mga cookies dahil paborito din nya ang mga iyon, ngunit dahil gabi na nga ay hindi na ako nakapunta pa sa bahay namin. Pinauwi ko agad si Nanay kanina ng sabihin kong ako na ang bahala kay Zion. Ayaw pa kase ng mga ito na dito sa Mansyon ni Diego tumira, Mas gusto daw nila doon sa lumang bahay namin dahil komportable sila doon. Hindi na din tulad ng dati ang bahay namin, Pina renovate ni Diego iyon at may pinatayong Mini store sa tapat namin para daw hindi na kung saan saan magtinda si Nanay. Kumpleto na iyon mula sa bigasan, groceries at kung anu ano pa na pwedeng itinda. para na nga iyon Mini Market dahil nandoon na lahat. Masaya namin pinag saluhan ang cake at cookies na ginawa ko. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ng mag ama dahil sa pinag kukwentuhan ng mga ito. Magiliw at bibo kase si Zion kung sumagot sa Ama kaya sobrang tuwa naman ng isa. Animo'y kausap ni Diego ang isang binatilyo sa gawi ng pagsagot ni Zion. Kahit kase 4 years old palang ito ay napaka galing na niyang sumagot at parang nasa lahi na talaga nito ang pagiging matalino kahit di ko alam kung saan nya namana. Aminado naman kase ako na may pagka mahina ang utak ko kaya kataka takang ganito ito katalino at kahusay kung manalita at sumagot. Kung siguro kadugo talaga ni Diego si Zion ay hindi ko na pagtatakhan iyon, dahil kung susuriing mabuti ay parang magkatulad at walang pinagkaiba ang dalawa, halos lahat kase ng kilos at galaw ni Diego ay katulad ng kay Zion kaya hindi sila pagkakamalan na hindi totoong mag ama na siyang pinagtataka ko talaga mula pa noon. Pwede palang maging magkatulad ang hindi magkadugo? Siguro ay gawa lang ng siya ang kina gisnan nito kaya halos si Diego na ang kamukha imbes na ang totoong ama nito. "Nasaan na kaya si Matt?" Pagkuwan ay tanong ng isip ko ng maalala ang isang tao na minsan ay naging parte ng buhay ko. Aaminin ko na hanggang ngayon ay may konti parin akong nararamdaman para sakanya ngunit mas lamang na yung galit dahil sa biglaan nyang pag iwan sakin lalo na ng mga panahon na kailangang kailangan ko sya at doon pa nya naisipang hindi na bumalik at magparamdam saakin. Iwinaksi ko na sa isip ko ang mga namumuong katanungan sa isip ko. Pinilit ko ang sarili kong wag na siyang isipin at alalahanin ngunit sa tuwing makikita ko ang mukha ni Zion ay palagi ko syang naaalala, hindi dahil anak nya ito kundi dahil nakikita ko talaga sya sa bata. ~~~ Mabilis na lumipas ang araw at araw ngayon ng party ni Mr.Yukimoto, ang Thanks giving party. Nasa kwarto ako ngayon at naghahanda para sa party, Suot ko ay Black glitter dress na may slite sa side legs part, magkabilaan at hapit na hapit sa katawan ko ang naturang dress. Strapless ito kaya kita ang b****a ng dibdib ko na pagkalusog lusog ngunit hindi naman masyadong daring. Kinulot ko sa may dulo ang mahaba at itim kong buhok saka lang ako naglagay ng light make up pero litaw ang natural kong ganda. Napabaling ako sa may pintuan ng bumukas iyon. Nakita ko Si Diego akay si Zion na terno ang suot na suit. Napaka cute tignan ni Zion sa suot nitong suit dahil sa katabaan ay pumuputok na ang mga butones at gusto ng kumawala ang tiyan nyang malaki. Kamot batok na nakangiwi si Diego ng makita akong nakatingin ni Zion. "Wala na kaseng kasyang suit na nasa edad nya dahil super plus size na sya" Kakamot ulong paliwanag ni Diego sakin sabay tingin sa anak na nakatingala din sakanya ngunit kunot noo. Hindi maintindian ang tinuran ng ama saakin. "Its Okay Hon. Ang cute nga nyang tignan" Sabi ko dito saka ako tumayo sa kinauupuan na syang nagpanga nga sakanilang dalawa ng bata. "Mommy you're so Beautiful" Ani Zion na kina pula ng pisng ko saka ko sya nginitian. "Thank you baby" Sagot ko dito saka ako lumapit sakanila. "Y-you're so Damn Gorgeous Sweetheart" Mautal na sabi ni Diego habang pinapasadahan ng tingin ang kabuohan ko. "Naku! Nambola pa ito" Biro ko dito saka ko na iniangkla ang kamay ko sa braso nya kaya napangiti ito at inakay na kaming mag ina palabas ng kwarto at pababa ng hagdan. Ilang minuto lang ang ginugol ng byahe namin at narating agad namin ang bagong tayo at bukas na building na pinagawa ni Mr Yukimoto. sa event center ng naturang building gaganapin na party. Imbitado lahat ng kilalang Tao sa lalawigan namin maging ang ibang mga politician at mga artista na kakilala ni Mr.Yukimoto. Special guest pa si Mr.Dingdong dantes na syang magiging Emcee ng naturang party. Ganoon kayaman si Mr.Yukimoto para gawin lang Emce ang sikat na aktor ng bansa namin. Nang tuluyan kaming makapasok sa event ay naagaw namin ang halos lahat ng tao na nasa party. Makikita sa mga mata nila ang paghanga at inggit sa mga kababaihan ng mapasadahan ng tingin ang kabuohan ko. Hinapit ni diego ang bewang ko saka hinawakan sa isang kamay si Zion bago kami naglakad sa red carpet na nasa sahig papasok sa mismong party. "Oh! You're here!" Masayang bungad saamin ng isang may edad na lalake, Mahaba ang may puti puti na nitong buhok sa ulo at balbas pero makikita parin sa tindig nito na malakas pa ito at kaya pang maka gawa ng bata. "Hello Mr.Yukimoto" Bati ni Diego dito saka nya inalis ang braso na naka palupot sa bewang ko saka ito nakipag kamay kay Mr.Yukimoto "Hello Mr.Sanford and he's gorgeous wife and cutie Son" Balik bati nito saaming lahat saka ito tumungo at kinurot sa pisngi ni Zion ngunit nagulat ito ng tapikin ni Zion ang Kamay nya saka nya ito sinamaan ng tingin. "It's hurt you know that Old man" may inis sa tono nito saka nya hinimas ang kinurot na pingi ng matanda sakanya. "Woah! What a smart kid, He's really looks like your Older Son, Diego" Natatawang sabi ni Mr.Yukimoto na nakatingin na kay diego na iiling iling habang tumatawa. "Yeah. It's true" Pag sang ayon ni Diego sa tinuran nito. "Can you introduce to me your lovely wife?" Pagkuwan ay baling naman nito sakin, tinignan ako mula ulo hanggang paa na may pagka mangha sa mata, ngunit kinakitaan ko iyon ng kalaswaan, Feeling ko ay hinuhubaran nya ako sa gawi ng pagtitig nya kaya naiilang akong nag iwas ng tingin sakanya. "This is Zamara Sanford my Beautiful and loving wife. Sweetheart This is Mr.Kaito Yukimoto. My business partner and a close friend" Pakilala ni Diego saamin ni Mr.Yukimoto na agad na naglahad ng kamay sa harap ko. Alangan man ay tinanggap ko iyon ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita at maramdaman kong halikan nito ang likod ng kamay ko. Kinilabutan ako ng dumampi ang buhok nito sa baba sa kamay ko kaya mabilis ko iyon inagaw at napangiti ng tipid ng makita ko ang pagkabigla nya ngunit agad ding baka bawi. Sinamahan na kami ni Mr.Yukimoto sa respective seats namin saka na nag umpisa ang party. Madami dami pa ang dumarating na kilalang tao ngunit hindi ko nalang pinansin. Naiwan kami ni Zion sa mesa namin dahil nagpaalam si Diego na dadaluhan muna ang mga kaibigan at kakilala para makipag kumustahan na agad ko namang tinanguan. Hindi ako sanay sa mga ganitong party kaya medyo naiilang at nahihiya ako lalo na pag nakikita ang mga tingin ng ibang tao na nakatuon sakin. Minsan ay ngingitian ko sila pabalik ngunit yung iba ay binabaliwala ko nalang at tinuon ang atensyon kay Zion na magiliw na kumakain. Enjoy ito sa pagkain dahil halos paborito nito ang pagkain na nakahain sa Catering. Nandito din ang ilan sa mga kapatid at kamag anak ni Diego. No wonder, close friend na nila ito kaya hindi na kataka taka na imbitado din ang mga ito sa napaka engrandeng party ni Mr.Yukimoto. Ng makabalik si Diego sa Mesa namin ay nagpaalam ako dito na tutungo sa restroom na agad nyang tinanguan. Nagtanong ako sa mga server kung saan banda ang restroom nila na malugod naman nilang itinuro saakin kaya agad ko itong nakita. Papasok na sana ako restroom ng may mahagip ang mata ko na pamilyar sakin kaya napatitig ako doon. Di kalayuan sa pwesto ko ay kita ko ang isang babae na may kahalikan na matangkad na lalake. Pamilyar ang tindig ng lalake sakin pero hindi ko alam kung saan at paano ko ito napamilyaran. Nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ang mga abo nyang mata habang patuloy itong nakikipaghalikan sa babaeng nakatalikod sakin. Minsan ko pa itong pinakatitigan at lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko itong titig na titig sakin habang may ngisi sa labi ng bumaba ang halik ng babaeng kahalikan nito sa leeg nya. Dali dali kong pinasok ang restroom at doon kinalma ang sarili. "Totoo bang siya ang nakita ko?" Tanong ko sa sarili ko habang naka harap sa salamin. Inalala kong muli ang itsura nito. Malayo na sa dating minahal ko, mukha na itong may sinasabi sa buhay dahil sa pananamit at tindig nya. Hindi na din siguro kataka taka yon dahil nandito sya sa napaka engrandeng party ni Mr.Yukimoto. Gulat ako ng makita kong lumabas si Daniella sa isa sa mga cubicle na nandito sa restroom. Kunot noo, nagtataka itong tumitig sakin. "What was that on your face? You look pale" Nagtataka nitong tanong kaya napa iwas ako ng tingin saka ako nag ayos ng sarili. "H-hindi lang maganda ang pakiramdam ko" Pagdadahilan ko ng tumabi ito sakin sa sink at nag re-touch ng make up nito. "huh? Baka buntis ka nanaman, In your age ay active ang mga sells mo" Anito na patuloy sa pag lalagay ng mga koloreta sa mukha nya. "I don't think so. Baka ipahinga ko lang ito" Tipid na sabi ko pero hindi na ito sumagot pa. Nang matapos na mag aayos ay sumabay na ako kay Daniella palabas ng restroom, Iginala ko pa ang paningin ko kung saan ko nakita si Matt kanina. Yes! You heard me right. Si Matt ang nakita ko kanina kaya ganito ako maka react ngayon. Siguro dahil sa tagal naming hindi nagkikita at sa biglaan iyon ngayon kaya di ko alam kung ano ang dapat na gawin. Nataring namin ni Daniella ang table namin ng walang imikan, Napapansin ko itong tumitingin sakin at para bang sinusuri ang kilos ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Dinatnan ko sa mesa ang iilang kamag anak ni Diego na kilala ko na naman kaya tipid na nginitian ko ang mga ito bago umupo sa upuan ko. "Tito Diego did you see Dale already?" Pagkuwan ay Tanong ni Trisha isa sa mga pamangkin ni Diego. "Nandito na sya?" Gulat ngunit mababakas ang saya sa tono ni Diego na agad naman nitong tinanguan ng pamangkin. "Yeah. I saw him awhile ago. He's here also in the party" Sagot nito na kina tuwa lalo ni Diego, ngunit mabilis na napalis iyon ng mag sink in sa isip nito na hindi man lang nag abalang puntahan o ipaalam ng anak nya na nakauwi na sya galing ibang bansa. Kung ako din kase sa sitwasyon ni Diego ay makakaramdam ako ng lungkot dahil sa ginawa ng anak nito sakanya. Mas nauna pang nalaman ng iba na nandito na ang anak nya kesa sakanya. Napatitig ako kay Zion ng bigla nyang yakapin si Diego sa may braso saka tiningala ang Ama. "Don't be sad Daddy, Zion always here for you, i won't leave you" Pag alo ni Zion sa Ama na kinabugso ng emosyon ni Diego. "Thank you so much Son" Mangiyak ngiyak na sabi ni Diego sa bata saka nya kinarga si Zion at niyakap ng mahigpit. Naka uwi kami ng bahay ng tahimik. Mula kasi ng malaman ni Diego na nandito na ang anak sa pinas ay hindi na ito kumibo. Hinayaan ko nalang ito dahil alam ko kung ano ang iniisip at nararamdaman nya ngayon. Binigyan ko nalang sya ng oras at space para isipin ang tungkol sa anak nya. Pagkatapos kong bihisan at patugulin si Zion sa kwarto nito ay tinungo ko ang kwarto ni Diego at dinalhan ito ng gamot nya para ipainom iyon sakanya. May karamdaman na kaseng iniinda si Diego na kami lang ang nakakaalam maliban sa doktor nito kaya may maintenance na itong gamot na iniimon. "Are you okay hon?" Tanong ko dito pagkatapos kong ayusin ang kumot nya ng mainom na nito ang gamot at mahiga na ng ayos "Oo naman." Tipid na ngiti nitong sabi kaya nginitian ko nalang din sya saka na hinalikan sa noo. "Sleep tight hon." Bulong ko dito na nginitian nyang agad saka na ipinikit ang mga mata nya kaya lumabas na ako ng kwarto nito saka na dumiretso sa kwarto ko para magpahinga na din...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD