~~~~~> Continuation of Chap-7 ??
"Alam mo bang nag agaw buhay itong kapatid mo kanina ng dahil dyan sa kapabayahan mo?" Galit na galit ang tono nito ngunit nandoon parin ang pagtitimpi.
"Sorry po nay" Tanging naisagot ko nalang dahil sa kawalan ng masabi.
Tama si Nanay. Mula nung magkaroon kami ng relasyon ni Matt ay hindi ko na ito natututukan at naalagaan. Mas madalas ko pang kasama si Matt kesa sa dalawin si Mira sa kwarto nito kahit na nasa iisang bahay lang kami. Kung hindi pa naipagdadala ng pasalubong ni Matt si Mira ay hindi ko ito matitignan sa kwarto at malaman ang lagay nito.
Kaya Tama si Nanay, Kasalanan ko ito
"Saan tayo kukuha ng pera para sa operasyon ng kapatid mo" Umiiyak na nitong sabi at itinakip nito ang mga palad sa mukha.
"Gagawan ko po ng paraan nay. Lahat ng pwedeng mapasukan ay papasukan ko maka ipon lang para sa pagpapa opera nya" Desidido, pag aalo ko dito at hinagod ang likod nito para matahanin.
"Kahit kumayod kapa maghapon magdamag ay hindi mo kikitain ang isang daang libong piso Mara. Mag isip ka nga!" asik nito sabay palis sa mga kamay kong humahagod sa likod nya
Nagugulat ko itong pinakatitigan dahil sa naging aksyon nya.
"Nay! Kahit ibenta ko ang kaluluwa ko ay gagawin ko para masagip lang si Mira" Humahangos , umiiyak ko ng sabi at ginagap ang mga kamay nito ngunit iniiwas nya ito at tinalukuran ako.
"Kung sana ay ginamit mo yang utak at ganda mo para umahon tayo sa hirap ay hindi tayo magkakaganito ngayon" Mahihimigan ang inis at galit sa tono nito na kina tungo at buntong hininga ko nalang.
"Ano po ang gusto nyong gawin ko?" Nawawalan ko ng pag asang tanong , dahil sa dating ng pananalita ni Nanay sakin ay kasalanan ko ang lahat ng mga nangyayari saamin ngayon.
"Iwan mo ang lalaking iyon at humanap ka ng mayaman na mag aahon satin sa hirap" Maawtoridad, desidido nitong sabi na kina gulat ko at napatitig ako ng deretso sakanya.
"Pero nay.... Mahal ko po si Matt" Umiiyak kong sabi bagama't nandoon parin ang gulat sa sinabi nito
"Walang maitutulong saatin ang pagmamahal mo sakanya Mara! Paganain mo yang ganda at utak mo! Wag yang letseng puso mo!" Napapalakas na nitong sabi kaya napatingin na ang ilan sa mga bantay ng mga pasyenteng gising pa din gaya namin ni Nanay
"Magagawan ko ng paraan ito kahit hindi ko iwan si Matt, Nanay. Pasensya na po" May pinalidad sa tono ko at tumayo na at tinalikuran ito
Akmang aalis na sana ako ng muli pa itong magsalita na kinagulantang ko.
"Pag hindi mo iniwan ang lalakeng iyon at hindi ka sumunod sa gusto ko ay kalimutan mo ng may Nanay at kapatid ka!" Nasa tono nito na seryoso sya sa binitawang salita.
Hindi ko na nagawang sumagot pa at mabilis akong umalis sa ospital para makapag isip ng tamang gagawin.
Nalilito, gulong gulo na ang isip ko sa kakaisip kung ano ang tamang gawin at dapat sundin.
Sinasabi ng isip ko ay sundin ang sinabi ni Nanay ngunit tutol na tutol ang puso ko dahil mahal na mahal ko si Matt.
Sa lalim ng iniisip ko ay namalayan ko nalang na nasa tapat na pala ako ng bahay ni Matt at nakatingala lang doon.
Kakatok na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Matt na bihis na bihis at parang may lalakaring importante.
"Mara?" Gulat, at di makapaniwalang pagtawag nito sa pangalan ko.
Hindi ko ito sinagot, sa halip ay lumapit ako dito at niyakap ito ng mahigpit at doon ko inilabas ang iyak na kanina kopa pinipigilang tumulo.
"Why are you crying? What's wrong?" Sunud sunod nitong tanong at hinagod ang likuran ko.
Hindi parin ako sumagot dito at umiyak lang ako ng umiyak sa bisig nya. Hagulgol at may kasama pang singhot ang iyak ko na binuhos ko na lahat dahil kanina ko pa ito naipon. Hindi ko maipakita kina Nanay at Mira ang mga luha ko kaya kay Matt ko nalang ibinuhos ang lahat.
Lahat ng gumugulo sa isip ko ay naglabo labo at hindi ko talaga alam kung alin at ano ang susundin ko sa mga iyon.
Gusto kong sundin ang gusto at sinisigaw ng puso ko ngunit laging kontra ang isip ko at pinapaalala na mas importante ang pamilya ko kesa sa pansarili kong kaligayaan.
Naroon yung sinisigaw na Piliin mo ang pamilya mo dahil sila lang ang nakakaintindi at makakasama mo. Sila ang importanteng tao na wag mong isusuko.
Meron ding Piliin mo ang taong mahal mo at baka magsisika sa huli pag pinakawalan mo pa ang nag iisang taong tumanggap at nagmahal sayo.
Anong pipiliin ko?.....
Nang wala ng mailuha ay kumalas ako sa pagkakayakap dito at tinalikuran ito para punasan ang basa ko ng mukha dahil sa kakaiyak.
"What's wrong? Tell me please" Nagsusumamo, nag aalala ang tono nito.
"Ah... Wala ito, pagod lang siguro" Pagsisinungaling ko saka suminghot singhot habang pinupunasan sa ang mga luha sa palad.
"I know you have a problem Mara. Hindi ka pupunta dito at iiyak sakin kung pagod lang iyan. Sabihin mo sakin please, tutulungan kita nandito ako" Mahabang sabi nito na lalong nagpabigat ng damdamin ko.
Paano ko iiwan ang lalaking ito na kaya akong tulungan at damayan sa anu mang problema ko?
"Wala ito Matt. Gusto ko lang magpahinga" Baling kong sabi ng harapan ito saka ako ngumiti ng pilit.
"Alright! Kung hindi kapa handang magsabi ay irerespeto ko, pero wag mong kalilimutan na nandito lang ako para sayo" Anito at inalalayan na ako nitong pumasok sa bahay nito.
Nang makapasok kami ay pina upo nya ako sa kama at inabutan ng inumin na agad ko namang tinanggap.
"Aalis kaba? Saan ang punta mo?" Tanong ko dito ng maka huma na mula sa pag iyak.
"Babalik sana ako sainyo at ipagtatanong kung saan ang address ng kamag anak nyo" Deretsong sagot nito sa seryosong tono hanang naka halukipkup sa harapan ko.
Sobrang itong nag alala sakin kung ganon.
"Hindi kaba naniniwala sakin?" Nakanguso kong tanong dito.
Napapabuntong hininga itong tumabi ng upo sakin at ginagap ang mga kamay kong nakapatong sa mga hita ko saka ako nito tinitigan sa mata.
"I trust you, I'm just so worries because you left me in the middle of my game without any signs or reasons" Malungkot, nag aalala talaga nitong sabi na kina ngiti ko.
"Si aling yebes kase ang nasabi na aalis daw kami at pinapasabi daw ni Nanay yon kaya dali dali na akong umalis ng walang paalam sayo saka nasa game kapa" Mahabang paliwanag ko dito na kinatango tango nya.
Nagpaalam ako dito na maghihilamos muna dahil kanina pa ako lagkit na lagkit sa katawan ko. Pinahiram ako nito ng damit nya na sobrang laki sakin na kahit wala kanang salawal ay hindi makikita ang tinatago mong yaman.
Nadatnan ko itong nakahiga na sa kama nya at naka sando at boxer na ito habang tutok sa cellphone nya.
"Tuloy ba ang alis mo mamaya?" Pagkuwan ay tanong ko dito ng makaupo na sa tabi nya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
"Yeah, but sa hapon nalang ako aalis" Sagot nito na hindi inaalis ang paningin sa cellphone na hawak.
"Bakit naman sa hapon pa? diba maaga dapat ang alis mo?" Nagtatakang tanong ko at inilapag na ang suklay sa side table at tumabi na ng higa sakanya.
"Ihahatid pa kita doon sa kabilang baryo, sa mga kamag anak mo" Sagot nito at mabilis na binitawan ang hawak na cellphone at yumakap sakin.
"Naku! Kahit wag na, kaya ko namang mag isang pumunta doon. Umalis ka na ng maaga para maaga din ang dating mo sa pupuntaan mo" agap na pagtanggi ko at isiniksik ang ulo sa dibdib nito.
"Are you sure?" Pangungumpirma nito na agad kong tinanguan.
"Panalo ba ang laban mo?" Pagkuwan ay pag iiba ko ng usapan namin.
"What's new huh?" Mayabang nitong sabi sa natatawang tono.
Napa angat ako ng ulo at tinignan ito habang umiiling.
"What? Don't tell me wala kang bilib sa boyfriend mo?" Nagyayabang nanaman ang tono nito na lalong nagpailing sakin.
"Ang yabang neto" Tawa tawa kong sabi na kinatawa din nya.
"I love you" Pagkuwan ay malambing nyang sabi kaya napatitig ako ng deretso sakanya.
"I love you too Matt" Nakangiti, sinsero kong sagot na kina ngiti din nya.
"Wag mo akong iiwan kahit mahirap lang ako ah?" Nasa tono nito ang lungkot ngunit sa malambing na pagkakasabi.
"Dapat ata ay sakin manggaling yan" Sagot ko dito na kinakunot ng noo nya. Hindi nakuha ang ibig kong sabihin.
"Dapat ako ang magtanong sayo ng ganya dahil kung tutuusin ay mas mahirap ako sayo" Malungkot napapatungo kong paglilinaw sa nauna kong sinabi.
"Sssshhh! Don't say that. I don't care about your status in life. Basta mahal kita at mahal mo ako ay sapat na sakin" Nakangiting sabi nito na nagpabilis ng t***k na puso ko.
Kay sarap pakinggan ang mga sinasabi nya. Nakakataba ng puso ang nalaman na mahal nya ako sakabila ng estado ng buhay ko. Tanggap nya ako kahit walang wala ako. Paano ko ba iiwan ang lalakeng ito na Sobra sobra akong mahal at ganun din ako.
Sa katititig sa mukha ni Matt ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pag gising ko ay wala na si Matt sa tabi ko. Inikot ko ang paningin sa kabuohan ng bahay ay wala na talaga ito. Tanging pagkain sa mesa at isang papel na nakatupi ang nakita ko don kaya agad akong bumaba ng kama at lumapit sa mesa para makita ang nilalaman ng papel.
Hey baby! Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo, i cook a breakfast for you already, so eat a lot huh. Nasa byahe na siguro ako kung nababasa mo na ito. I promise i'll be back as soon as possible. I miss you already baby. Take care your self huh. I love you.
Love Matt ?
napapangiti ako habang binabasa ang sulat na iniwan nito sakin. Napaka swerte ko sakanya dahil bukod sa gwapo ito ay sobrang maalahanin, mapag alaga, magalang at napakabait na tao nya.
Kulang ang salitang perfect sakanya dahil sa dami ng katangian na hanap ng mga babae ay nasakanya na.
Nag umpisa na akong kumain ng niluto nyang, itlog, hotdog, bacon at sinangag na kanin.
Naparami ang kain ko dahil mula pa kagabi ay wala pang laman ang tiyan ko.
Nang matapos makakain at makapag hugas ng pinaggamitan ay napabaling ang tingin ko sa side table ng kama ng marinig ang tunog ng cellphone ko.
"Hello?" Patanong kong sagot dahil hindi naka rehistro ang numero sa cellphone ko.
"Mara! Nasaan ka?" Tinig iyon ni nanay na kina gulat ko.
"Nay?" pangungumpirma ko.
"Oo! Ako ito, nakitawag lang ako dito sa katabing pasyente. Nasaan kaba? Bumalik ka dito ang may importante aking sasabihin sayo" Mahabang sabi nito na agad kong tinanguan kahit hindi nito nakikita.
"Sige ho Nay papunta na ako dyan" Sagot ko dito at ibinaba na agad ang tawag nya.
Mabilis akong nagbihis, dahil wala naman akong damit dito ay isinuot ko nalang ulit ang pinaghubaran ko kagabi at akmang aalis na ng may mapansin nanamang papel na nakaipit sa isang libro sa side table kaya nilapitan ko iyon at tinignan.
May nakasulat nanaman doon ngunit gulat akong may makitang pera na nakapaloob sa papel. Binilang ko muna yon bago basahin ang sulat. Nanlalaki ang mga mata ko ng matapos sa pagbibilang.
Twenty Thousand pesos?....
Inilapag ko ang mga pera sa sidetable at dali daling binasa ang nakasulat sa papel.
Hi Mara, i know you have a problem. Kahit hindi mo sabihin sakin ay ramdam kong may malaking problema kang ayaw sabihin sakin. Alam ko din ang lagay ni Mira, nakwento ni Aling yebes kagabi ng tanungin ko ito. I know how you feel right now and i respect you for all your decisions. I'm always here for you no matter what. Wag kang mahihiya saking magsabi at gagawan natin ng solusyon na magkasama. Yes i'm not rich, but i'll do my very best to help you and your family, i really really love you so much Mara. I hope this money will help you kahit papaano.
Love Matt ?
Umiiyak akong itinupi ang sulat matapos itong mabasa at idinikit iyon sa dibdib ko at nagpatuloy sa pag iyak.
Mahal na mahal din kita Matt, Salamat sa lahat ng pang unawa at pang iintindi mo saakin. Salamat din at hindi mo ako kinulit at hinayaan na wag munang magsabi kahit na huli mo na akong nagsisinungaling. Ayaw ko lang kase na pati ikaw ay mamublema sa mga pinapasan ko.
Ipaglalaban kita ano man mangyari.....