~~~~~>
Magpapakasal ka kay Joey sa ayaw at sa gusto mo!
Nagpapa ulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Nanay sakin ng magkausap kami nung nakaraang araw sa labas ng ospital.
Napagkasunduan daw nila ni Nanang Delia, Ina ni Joey na babayaran nila ang lahat ng gastusin sa pagpapa opera ni Mira pero ang kapalit ay ipapakasal ako sa anak nito.
Tatlong araw na ang nakakaraan mula ng umalis si Matt at ni isang tawag o text ay wala akong natanggap dito. Inisip ko nalang na baka sobrang busy ito sa mga nilalakad na papel kaya hindi na ito makatawag o makapagpadala man lang ng mensahe.
Tatlong araw na rin kaming nag aaway ni Nanay tungkol sa napagkasunduan nila ni Nanang Delia.
Narito kami ngayon ni Joey sa isang coffee shop at mag uusap tungkol doon sa napagkasunduan ng mga magulang namin.
"Kaninong ideya iyon joey?" Deretsahan kong tanong dito matapos maka simsim sa kapeng inorder nito.
"I'm sorry Mara" Napapatungo nitong sabi.
"Gusto mo din ba yon? Ang maikasal saakin?" pandederetsa ko dito.
Alam kong may lihim talaga itong pagtingin sakin kahit noon pa, pero hindi ko maintindian kung bakit humantong sa ganito.
"Oo Mara! Gustong gusto ko dahil alam mo naman na noon pa ay gusto na kita" Sagot nito na kinagulat ko.
"Alam mong may nobyo ako diba?" Gulat man ay pinipilit na wag mapalakas ang boses ko.
"Nobyo mo palang iyon Mara, at kaya kong higitan ang lahat ng ginagawa nya sayo. Mas may kakayahan akong ibigay ang mga pangangailangan mo kesa sa lalaking yon" May inis na sa tono nitong sabi na lalong nagpagulat sakin.
Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ito sa mata.
"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo Joey? Hindi ikaw ang joey na kaibigan ko noon. Nagbago kana!" Napapailing kong sabi dito at tumayo na
Akmang aalis na at iiwanan na sana ito ng muli itong magsalita.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay ikakasal ka saakin dahil ginagawa na ang operasyon ni Mira ngayon. Kung hindi ka papayag sa kasunduan ay ipapakulang ni Mama ang Nanay mo" Huling sabi nito na nagpadaungdong ng mundo ko.
Nauna na itong umalis at iniwan akong nakatanga doon habang pinoproseso ng utak ko ang mga huling sinabi nito.
Lutang at tulala akong pumunta sa Main hospital dahil na ilipat na daw si Mira doon kaninang umaga ayon kay Doc. Ramsel.
Nabungaran ko si Nanay na nakaupo at naghihintay sa labas ng Operating Room ( OR ).
"Nay" Walang ganang pagtawag ko dito kaya napabaling ito ng tingin sakin at hinintay na makaupo sa tabi nitong silya
"Kumusta ang lakad nyo ni Joey" Tanong nito ngunit hindi ako tinignan.
"Ayos naman ho" Pagsisinungaling ko.
"Payag kana na magpakasal?" Tanong ulit nito kaya napatingin ako ng deretso sakanya.
"Makakatanggi pa ho ba ako e andyan na sa loob si Mira" Mapakla, naka giwi kong sabi.
Nag iwas ito ng tingin at di nakasagot agad sa sinabi ko.
Napapabuntong hininga akong sumandal sa sandalan ng silya at tumingala sa kisame.
"Gaganda ang buhay mo kay Joey anak" Pagkuwan ay sabi ni Nanay kaya napalingon ako dito pero hindi ako sumagot.
"Hindi lang naman para sa kapatid mo itong ginawa ko, kundi para na din sayo Para sa kinabukasan mo" Malungkot, nakatungo nitong pagpapatuloy na sabi.
"Paano nyo naman ho nasabi iyan?" Walang buhay kong tanong na kinalingon nya sakin.
"Mara, may kaya sa buhay sina Joey, may sarili na itong kumpanya na pinapatakbo, mabububay ka nys at maibibigay nya ang lahat ng pangangailangan mo, Makakapag aral kapa sa kursong gusto mong pasukan, maiaalis ka nya sa buhay nating ito na isang kahig isang tuka" Mahabang paliwanag ni Nanay na kinatango ko nalang bilang sagot
Kung tutuusin ay naiitindihan ko ang gustong ipunto ni Nanay sakin. Hindi lang ang kapakanan ni Mira ang inaalala nito kundi maging ang akin. Oo nga naman at maaahon ako sa hirap ni Joey ngunit may parte sa puso ko ang tumatanggi.
Si Matt ang mahal ko....
Successfull ang naging operasyon ni Mira. Naagapan sa tamang oras ang sakit at mga binti nito, ngunit ang katotohanan na hindi na talaga ito makakalakad ay napakasakit para samin lalo na kay Mira.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Unti unti ng gumagaling ang mga sugat ni Mira at nakauwi na kami sa bahay sa tulong nila Nanang Delia at Joey. Isang linggo na din kaming nag aayos sa magiging kasal namin.
isang buwan na ang lumipas ngunit hindi parin bumabalik si Matt. Wala itong tawag o text maski isa. Iniisip ko tuloy kung babalik paba ito o hindi na. Ang paalam lang kase nito noon ay tatlo hanggang isang linggo lang syang mawawala ngunit isang buwan na mahigit ay hindi parin ito bumabalik.
"What do you think about this ija?" Pagkuwan ay tanong ni Nanang Delia sakin. Ipinapakita ang design ng isang gown sa magazine.
"Maganda po" Tipid na ngiti ang sagot ko.
"Magtitingin pa ako, Tell me kung may magustuhan ka ah" Anito sa malambing na tono at nagtitingin nga sa iba pang magazine ng mga gowns
Nasa isang sikat na shop kami ng mga wedding gowns ngayon. Tatlong araw mula ngayon kase ay gaganapin na ang kasal namin ni Joey.
Nang parehong magustuhan namin ni Nanang Delia ang isang gown ay yun nalang ang napiling isusuot ko at umuwi na kami.
"May party palang inihanda si Joey Mamayang gabi sa bahay, invited lahat ng mga High school classmates nyo at mga iilang kamag anak" Mayasang kwento nito habang nasa byahe kami pauwi.
Tipid na ngiti lang isinagot ko dito at ibinaling na sa daan ang paningin ko.
Nasaan kana ba Matt?.....
Dumating ang gabi ng party na hinanda ni Joey. Tama nga si Nanang Delia dahil nandito nga ang mga kaklase namin ni Joey noong high school
Nakasuot lang ako ng simpleng white dress na sitru sa taas hanggang manggas at may light make up at bulaklakin na headband sa ulo. Hindi ako sanay sa mga sosyalin na damit kaya ito lang ang naisipan kong suotin at kumportable ako dito.
Pumares naman ang suot mong dress sa suot ni Joey, Naka White long sleve lang ito at black pants. Simple lang kase kung manamit din si Joey , hindi ito tulad ng mayayaman na sa damit palang ay nagpapabonggaan na.
"Uy Bro!" Bati ni Vincent kaklase namin at kaibigan ni Joey.
"Hey! Kumusta?" Bati din ni Joey dito at nakipag kamayan.
"Ikaw ah! Nakuha mo din pala ang ultimate crush mo noon" Buyo ni Vincent dito na kinatawa nila ng sabay.
"Ako pa ba?" Pagyayabang naman ni Joey dito.
"Naks! Kaya sayo ako bestfriend e" Anito sa natatawa na sinabayan naman ng isa.
"Mara? Uy ikaw nga!" Tili ni Saira ng mamukahan ako.
"Kumusta ka Saira?" Nakangiting bati ko dito.
Kaclose ko din ito noong nag aaral pa kami kaya ganito ito ngayong makita ako
"Ikaw pala ang mapapangasawa ni Joey, Nakakakilig naman! Kwentuhan mo naman ako dali" na eexcite , kinikilig nitong sabi na kina ngiwi ko at pilit na ngumiti.
Madami pang nakipag batian samin, Halos lahat sa kanila ay gulat at hindi makapaniwala na kami ni Joey ang nagkatuluyan, Ni wala daw nabalitaan ang mga ito na naging mag Nobyo kami.
Kase hindi naman talaga!
"Jusko! Kung isnabin ka ni Mara noon ay mamatay matay ka sa sakit ng loob dahil hindi ka nya pinapansin e , sinong hindi magugulat ngayon diba? Diba guys?" Ani Marissa kaklase din namin at kasa kasama nila Joey noon.
"Oo nga! Natatandaan ko pa non nung Valentines, binigyan mo ng bulaklak si Mara pero tinaggihan nya. Wahahahah" Kwento ni Wilbert kaklase din namin at malokong barkada ni Joey.
Nagsitawanan lahat kami dahil sa mga kwento ng mga ito sa nakaraan.
"Wala namang bukingan. Nakakahiya sa magiging misis ko" Nahihiyang panunuway kunwari ni Joey sa mga ito na lalong nagpahagalpak ng tawa nilang lahat.
"So paano nga ba kayo nagkatuluyan?" Pagkuha ng atensyon ni Rose. Malditang class president namin noon. Alam kong may lihim itong pagtingin kay joey noon ngunit hindi naman ito pansin ng binata.
"Actually we met a months ago lang, nung dumating ako galing abroad. Syempre first love never dies kaya unang una kong hinanap si Mara at sa pagkakataon na yon ay pinalad na akong maging kami" Kwento nito sa mga kaklase namin na kina ngiwi ko.
Syempre hindi ganon yon pero kahit na alam kong kasinungalingan lang iyon ay hindi na ako nagsalita pa at pilit nalang ang ngiting pinapakita ko sakanila.
Magmula pa kase kanina ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko ay nahihilo ako kahit na wala naman akong ginagawa.
Madami dami pa kaming napag kwentuhan. Halos lahat ng mga kalokohan nila noon ay inungkat nila ngayon. Masaya nga namang balikan ang kabataan lalo noon ay wala pa kaming problemang pinapasan. Tanging mga homeworks, projects at exams lang ang pinoproblema namin noon, hindi gaya ngayon na pasanin mo ang daigdig sa dami ng problema mo.
Nang laghukin ko ang natitirang juice sa baso ko ay biglang umikot ang sikmura ako at naduduwal na nagtatatatakbo ako papasok sa bahay nila Joey para magtungo sa banyo.
Puro tubig at malagkit na kulay berde lang ang isinusuka ko. ngunit ganon nalang kasakit kung humilab ang tiyan ko
Wala naman akong matandaan na kinain kaya nagtataka ako kung bakit ako nagkakaganito , Sumabay pa ang hilong nararamdaman ko.
Matapos ang gabi ng party na iyon ay maaga akong nagising kinabukasan. Dito na ako kina Joey natulog dahil hindi na ako pinayagang umuwi ni Nanang Delia dahil sa ilang beses kong pagsusuka kagabi at nawalan pa daw ako ng malay na hindi ko matandaan kung nangyari nga.
"Magbihis ka at may pupuntahan tayo" Seryoso at maawtoridad na sabi ni Joey ng makaupo ako sa tabi nito sa hapag habang nag aagaan.
Tanging pagtango nalang ang naisagot ko at nag umpisa na akong kumain. Binilisan ko ng kaunti dahil ayaw kong mapagalitan ni Joey dahil sa kaartehan at kabagalan ko.
May pagkamainipin at mainitin kase ang ulo ni Joey, Napag aralan ko na ang ugali nito sa dalawang linggo naming magkasama. Lagi itong naninita at naninigaw pag mainit ang ulo nya kaya sa takot na masita ay ginagawa ko nalang lahat ng utos at gusto nya.
Tumigil ang sasakyan ni Joey sa tapat ng OB-gyn Clinic kaya nagtataka ko itong nilingon bago bumaba ng Kotse ito
Seryoso ang itsura nyang bumaba sa kotse at mabilis na pumarito sa harap ng pinto at pinagbuksan ako.
Walang imik kaming pumasok sa clinic, agad na may nag assist na nurse samin at dinala kami sa isa sa mga kwarto doon.
"Good Morning Mr.Dela cruz and his soon to be wife. Am i right?" Bati ng doktora samin at sakin iniwan ang paningin ng naka ngiti kaya tinanguan ko ito.
Nag usap sina Joey at ang doktor ngunit hindi ko yon maintindian, Matapos kase nilang mag usap ay pinahiga ako ni doktora sa hospital bed at pinataas ang suot kong dress na kulay Lila para lumabas at makita ang aking tiyan.
Napasinghap ako ng may inilagay itong gel sa tiyan ko at itinutok ang isang bagay na sa tingin ko ay nakakonekta sa monitor na nasa harapan ko habang may kaharap na parang computer ang doktora.
Iniikot ikot ng doktora ang hawak nyang bagay na nasa tiyan ko at nay pinapaliwanag ito kay Joey na hindi ko maintindian.
Nang matapos sa ginagawa ay binigyan ako ng tissue ng nurse at iniwan ako nila doktora at Joey doon para mag ayos ng sarili
Nang masigurong ayos na ako ay pinuntahan ko na ang kinaroroonan nila Joey at Doktor na ngayon ay may inabot ang doktora dito na papel.
"Buy all the meds and vitamins Mr.Dela cruz, Congratulation" Nakangiting sabi ni Doktora na sinuklian ng tipid na ngiti ni Joey at tumango bago ito magyayang umalis na.
Ramdam kong galit si Joey dahil sa presensya nito at bigat ng mga hakbang nya. Narating at nakasakay na kami sa kotse nito ay hindi parin ito kumikibo kaya nilakasan kona ang loob ko para tanungin ito
"May problema ba?" Nahihiya kong tanong na kinalingon nya saakin saglit at agad ning ibinalik sa daan ang paningin.
"Alam mo ba ang nangyayari sayo?" Mababatid ang inis at galit sa tono nito
"Ano bang sinasabi mo?" Ilang at kinakabaan kong tanong ulit.
Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sakin at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin na hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
"You're pregnant!" Galit nitong singhal na kina gulat ko.
"A-ano?" Gulat kong tanong
"Oo Mara! Buntis ka! 7 freaking weeks!" Nanggigil nitong dinakma ang braso ko kaya napa pikit ako sa sakit
"A-aray Joey! N-nasasaktan ako!" Maiiyak ko ng sabi at sinubukang tanggaling ang kamay nito sa braso ko ngunit bigo ako
"Talagang masasaktan ka sakin! Tell me sino ang ama?!" nanggagalaiti na ito sa galit at lalong humigpit ang pagkakagawak nya sa braso ko.
"S-si Matt" Mahina, nasasaktan kong pag amin na kinagulat nya at nabitawan ang braso ko sabay hampas sa manibela nya
"f**k! Bullshit!" Bulalas nito at sinabunutan ang sariling buhok.
"Alam mo naman na una palang ay si Matt na talaga hindiba" Humihikbing sabi ko habang himas ang braso kong namumula dahil sa ginawa nya
"Alam mo bang buntis ka? At pumayag kang magpakasal sakin kahit buntis ka!" Mahihinigan ang sakit at lungkot sa tono nito ngunit pinanatili ang matigas nyang tono.
"Hindi.. Ngayon lang na sinabi mo" Umiiyak kong sagot kaya napatingin ito sakin na mamula mula na din ang mga mata.
"I can give you everything you want Mara. Lahat ng meron ako ay kaya kong ibigay sayo" Umiiyak na nyang sabi kaya napapatitig ako ng deretso sakanya kahit nanlalabo ang paningin ko sa luha
"Kaso?" Patanong kong sabi dahil kita ko sa mga mata nya na may pag aalinlangan sya.
"Kaso ay hindi ko matatanggap ang batang yan" Napapailing nyang itinuro ang tiyan ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluha kong tanong ulit.
"Hindi ko na itutuloy ang kasal natin Mara. Malaya ka ng piliin ang taong gusto mong makasama" Napapapikit , lumuluha nitong sabi sabay iwas ng tingin sakin.
"Pe-pero pano yung utang namin sainyo?" Nag aalinlangan , kinakabaan kong tanong kaya napalingon uli ito sakin at ginagap ang isang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.
"Don't worry, Ako na ang kakausap kay Mama" Umiiyak man ay ngumiti ito at ginawaran ako ng halik sa noo.
Napapangiti ko itong pinaka titigan sa mata at ibinigkas ang salitang..
SALAMAT JOEY.......