Prologue

535 Words
Isang napakatahimik na gabi ang namulatan ko at napatingin ako sa paligid, natakot ako ng mapansin ko na ibang lugar ang kinalalagyan ko. Napahawak ako sa kwintas ko na matagal nang nasa akin at napatingin ulit sa paligid. Tumayo ako at pumunta sa may bintana at mula dito sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang isang lalake na nakatayo at nakatingala sa napakaliwanag na buwan. "Xerxes?" Bulong ko kaya kinabahan ako dahil likod pa lang nito na puno ng tattoo ay kilala ko na, at nang tumingala siya sa akin ay nahigit ko ang hininga ko dahil sa talim ng tingin nito pero ng makilala ako nito ay nagbago ang mukha nito. Pumasok ito sa loob at ilang sandali lang ay nandito na siya sa silid na kinalalagyan ko. "Ang mga bata na saan sila?" Bulong kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Kina Xavier muna sila mamamalagi mula ngayon." Seryoso nito na turan kaya napahinga ako ng malalim. Bakit napakadali lang sa kanya na magdesisyon na hindi man lang ako kinukunsulta. "Hindi mo dapat ginawa ito." Medyo inis ko na turan sa kanya kaya napatingin siya sa akin at napakunot ang noo. "Asawa mo ako at anak ko sila kaya may karapatan ako na mag-desisyon para sa pamilyang ito Sapphire!" Medyo tumaas ang boses kaya napapitlag ako at napahawak sa bintana. "Galit ka na naman X." Naiiyak ko na turan kaya agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, pero nagpumiglas ako dahil ayoko na naman na magpadala sa kanya. "Parang awa mo na Xerxes pakawalan mo na ako." Nanghihina ko na pakiusap sa kanya kaya naramdaman ko na napatigil ito. "No! My love huwag." Bulong niya naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Napaiyak na ako ng tuluyan dahil hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko. Lagi na lang ganito ang sitwasyon namin kapag pinapatawad ko siya ay ilang linggo lang babalik na naman siya sa dati niyang ugali. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang dalhin ang nakaraan niya sa kasalukuyan. Mahal na mahal niya ako at ang mga anak namin pero may pagkakataon na ang pagmamahal niya ay nakakasakal na rin. Kahit ilang beses ko pa siyang samahan sa doktor niya ay hindi siya gumagaling. "Wag mo akong iwan Sapphire ikaw ang buhay ko." Bulong niya habang mahigpit ang yakap niya sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya at pumikit. Napaiyak ako dahil awang-awa na ako sa kanya pati sa sarili ko pero mahal na mahal ko siya at ayokong lumaking walang ama ang mga anak ko. Napaharap ako sa kanya at nakapikit siya, kitang-kita ko ang paghihirap sa mga mata niya kaya hinaplos ko ito. "Mahal na mahal kita Xerxes." Bulong ko at hinalikan ko siya sa noo niya at yumakap ako sa kanya. Ang bisig niya ang lugar na paulit-ulit kong hinahanap sa tuwing nakakaramdam ako ng kahungkagan. Gusto kong bumalik sa nakaraan, yong araw na nakilala ko siya at kung paano niya ako tinuruan na mahalin siya ng higit pa sa sarili ko. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang bagay na iyon sa kahit ano pa man, ang araw na nagmahal ako ng lalakeng baliw. Baliw at sabik sa pagmamahal...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD