Mag-asawang sampal ang binigay sa akin ng aking ina dahil lang sa napakaliit na bagay na hindi naman ganun kalala.
Lagi naman ganito kaya sanay na ako.
"Wala ka talagang kwenta! maliit na halaga lang yon!" Sigaw pa ni nanay kaya napakuyom na lang ako ng kamao ko.
"Maliit na halaga pero sakto lang yon pamasahe ko sa tatlong araw nay!." Madiin pero nagpipigil ko na sagot sa kanya kaya lalo siyang nagalit.
"Bwiset ka talaga Sapphire!" Akma na ulit akong sasaktan ni nanay ng dumating ang asawa niya at pinigilan ang ina ko.
"Ano na naman ba ang problema niyo?" Tanong nito at tumingin sa akin.
"Si Samara kinuha yong three hundred niya at pinamukha pa sa akin na magnanakaw ang kapatid niya!" Sumbong ng ina ko sa asawa niya.
"Yon lang highblood ka na?" Natatawa nito na turan at dinukot ang wallet sa bulsa at naglabas ng five hundred na buo sa bulsa at inabot sa akin.
Hindi ko ito kinuha at sinamaan lang ito ng tingin.
"Hindi ako tatanggap ng pera galing sa'yo!" Galit ko na turan dito kaya nawala ang ngiti sa mukha nito.
"Aba ikaw pa ang matapang!" Muli na naman akong sinugod ng ina ko at natamaan niya ng kuko niya ang braso ko na hinarang ko, dahilan para masugatan ako at masama ko lang silang tinignan bago ako lumabas ng kabahayan.
Tinawag pa nila ako pero hindi ko na ito pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Sappy!" Napatingin ako sa kaibigan ko na papalapit sa akin.
"Ano na naman nangyari diyan sa pisngi mo?" Inis nito na tanong saka hinawakan ang pisngi ko kaya napakislot ako dahil mahapdi ito.
"Kita mo masakit." Sabi niya ulit kaya hinampas na lang niya ako sa balikat ko.
"Gusto ko ng umalis sa bahay Marie." Wala sa loob ko na turan sa kanya.
"Kung aalis ka umalis ka na at wag ka ng bumalik." Sabi niya kaya napatingin siya sa akin.
"Tulungan mo ako makahanap kahit limang libo lang." Sabi ko sa kanya kaya tumango siya.
"Hihiram ako kay ate kaya wag kang mag-alala." Pangako niya kaya napatango na lang ako.
Matagal ko ng gustong umalis ng bahay kaya lang ay hindi ako makaipon-ipon dahil laging may kamalasan na nangyayari.
Pero ngayon ay muli akong nabuhayan ng loob dahil hindi ko na talaga kaya, hindi ko na gusto ang mga ginagawa ng sarili kong pamilya.
Nakapagdesisyon kami ni Marie na magkikita kami sa paradahan ng bus bukas na madaling araw kaya umuwi ako ng bahay.
Wala ng tao pagbalik ko at nagkulong agad ako sa kwarto at inayos ang dadalhin ko na gamit.
Pagkarating ko ng Manila ay may tiya si Marie na may paupahan sa papasukan ko na eskwelahan kaya wala akong poproblemahin, lalo na at may negosyo ito na canteen at dito ako magtatrabaho habang nag-aaral.
Nakahanda na ang lahat at makakaalis na rin ako sa bahay na ito kaya napapangiti ako dahil sa punto na ito ay mangyayari na ang gusto ko.
Dumating ang kinabukasan alas tres pa lang ng madaling araw ay nagising na ako at inayos ag sarili ko.
Dumaan ako sa bintana dito sa kwarto ko at dumaan ako sa likod bahay matapos kong makalabas ng bahay ay tinitigan ko pa ito.
Ang lugar na ito ay perpekto pa noong mga bata pa kami ng kapatid ko at nong buhay pa si tatay pero ngayon ay unti-unti na itong nasira.
Mula ng mawala si tatay at si kuya ay hindi na nakabalik ang sigla ng bahay na ito.
Namatay sa aksidente si tatay at ang kuya ko ay nawala nong bata pa lang ito samantalang naiwan na lang kami ni Ate Samara na masama ang ugali.
Malaki ang galit ko sa ina ko lalo na ng mag-asawa itong muli at ibahay ang asawa nito at ang dalawa rin nitong anak sa unang asawa ng lalakeng iyon.
Napaiyak ako dahil pinangako ko sa sarili ko na makikita kong muli ang kuya ko.
Babalikan ko sila at hahanapin kahit alam ko na malabo pero gagawin ko ang lahat para magsumikap at tuparin ang pangako ko sa kanila.
Naglakad ako papunta sa terminal ng lugar namin at dahil hindi naman ito kalayuan ay nilakad ko ito.
Panatag naman ako dahil tahimik at hindi nakakatakot ang lugar na ito.
Pagkarating ko sa terminal ay may mga tao na at may mga bus na kadararing pa lang galing ng Manila.
Tinignan ko ang cellphone ko na keypad at tinext ang kaibigan ko.
Si Marie ay kababata ko at kaklase hanggang highschool, hindi nga lang maganda ang taguri dito ng mga kapitbahay namin dahil nagtatrabaho ito bilang isang waitress sa bar sa kabilang bayan.
Pero ang tsismis ay nagbebenta ito ng katawan niya bagay na hindi masisikmura ng kaibigan ko.
Pero kahit ganun ito ay naging kaibigan ko siya at tinuturing ko siya na kapatid at dahil sa kanya kung bakit ako makakaluwas ng Manila ngayon.
Sumapit ang isa pa na oras ay dumating rin siya.
Yakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak siya kaya napatawa na lang ako ng mahina.
"Baliw ka mami-miss kita, kapag nagkaroon ako ng oras ay bibisitahin kita sa Manila." Sabi niya kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.
Binigay niya akin ang pera na pinahiram niya at nagpaalam na rin ito na uuwi na dahil nanggaling pa ito sa trabaho.
Nakaramdam ako na naiihi ako kaya bumaba ako sa bus na sasakyan ko at pumunta agad ako sa banyo.
May kalayuan ang cr dito pero hindi naman ako kinabahan.
Papalabas na ako ng banyo ng magulat ako ng may lalake na nakasandal sa pader at nakapikit ito kaya kinabahan ako.
"Help me..." Nanghihina nito na turan nagulat ako ng makita ko na may tuutulo sa braso niya.
"Sino ka?" Kinakabahan ko na tanong dito na agad ko itong inalalayan.
Kinabahan ako lalo ng mapagtanto ko na may tama ito ng baril sa balikat at alam ko na malala ito.
Nakarinig ako ng kaluskos at gumana ang instinct ko at hinila ko ito palayo sa lugar.
Bahala na baka makaabot pa ako sa byahe mamaya, ang mahalaga ay matulungan ko ang lalakeng ito na nanghihina.
Dinala ko siya sa gitna ng palayan na pagmamay-ari ng matandang kapitbahay namin.
Dito ako madalas tumatambay kapag magulo at maingay sa bahay at mas madalas pa ako dito kaysa sa paglagi ko sa bahay.
"We're are we?" Nanghihina nito na tanong kaya napatingin ako dito at inilawan ko ang gasera na nandito.
Dito ko siya nabistahan at napahinga ako ng malalim dahil sa itsura nito.
Napakagwapo niya at parang artista pa kaya hindi ako makapaniwala na makakatagpo ako ng kagaya niya.
"Hey..." Mahina niya na tawag kaya napatingin ako sa kanya lumapit sa kanya.
"Nandito tayo sa kubo at dito kita dinala para magamot ko yan na sugat mo." Sagot ko sa kanya kaya tumango lang ito.
"Bakit ka nabaril?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siya na hubarin ang damit niya.
Bukod pa pala sa tama ng baril sa kanya ay may mga galos rin siya sa pisngi niya at balikat.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para magamot siya at buti na lang ay naagapan ko ito.
Kumuha ako ng kumot na narito at tinakip ko sa kanya, pinainom ko rin siya ng gamot lagi kasi akong may gamot sa bag ko.
Nakatulog ito ng maayos ko siya at tinitigan ito ng mabuti, hinaplos ko ang pisngi niya kaya kusa akong napangiti.
Sino kaya ang lalakeng ito at sino ang gumawa sa kanya nito at bakit may humahabol sa kanya.
Bihira lang kasi ang karahasan sa lugar namin kaya hindi ako makapaniwala na may makakatagpo ako na katulad niya.
Sa pagbabantay ko sa kanya ay nakatulog ako sa bangkito at nagulat ako ng may yumugyog sa akin.
"Are you okay?" Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya at bigla akong napatayo.
Tumingin ako sa labas at nakita ko sa relo ko na alas onse na pala ng umaga kaya napapikit ako at napaupo ulit.
Mukhang masama pa ang panahon at naalala ko pala na may darating na bagyo kaya napahinga ako ng malalim.
"Mukhang may bagyo pa." Wala sa loob ko na turan at napatingin sa lalake na nakatingin rin pala sa akin.
"What is your name by the way?" Tanong niya kaya medyo nahiya ako.
"Sapphire." Maikli ko lang na turan.
"X is my name." Turan rin niya kaya napatingin ako sa kanya kaya tumango na lang ako.
Mabuti na itong pareho kaming estranghero sa isa't isa kaya hindi na ako nagtanong pa.
"Lalabas lang ako at bibili ng makakain natin mukhang malakas ang bagyo na darating kaya kailangan ko makabili ng pagkain." Sabi ko sa kanya na ikinatango lang nito.
Mukhang hindi siya nakakapagsalita ng tagalog pero nakakaintindi siya kaya hinayaan ko na ito na makapagpahinga ulit.
Lumabas ako at nagmadali lang na bumili ng pagkain at bumalik agad ako ng kubo.
Pagpasok ko ay nakaupo na ito at napatingin sa akin.
Nagluto ako ng dalawang instant noddles at nag-ihaw lang ng tuyo, at nagsaing ng kanin.
Hindi ito nagreklamo sa pinakain ko dito at halata pa nga na gutom ito kaya medyo naawa ako dito.
Baka nga biktima ito ng masasamang tao at nakatakas siya, iniisip ko pa lang na kung nahuli siya ay baka napahamak na ito ng tuluyan.
Sumapit ang tanghali ang napakalakas na ng ulan sa labas kaya nakaramdam ako ng lamig.
"Come here, it's getting cold." Napatingin ako kay X ng yayain niya ako sa tani nito.
Lumapit na lang ako sa kanya at umupo sa papag kinakabahan ako sa malakas na ulan at kulog at kidlat.
Pero dahil may kasama ako ay hindi ako masyadong natatakot.
Sumapit ang gabi ay lalo lang lumakas ang bagyo at buti na lang at hindi basta-bastang masisira ang kubong ito.
Nahiga ako sa tabi ng lalake at nasa gilid lang ako pero kinabahan na naman ako ng yumakap siya sa likod ko.
"It's really cold babe." Bulong niya kaya napasiksik ako sa kanya.
Sa sobrang lamig at ang banayad niya na paghaplos sa akin ay nakaramdam ako ng ginhawa.
Namalayan ko na lang na nakaibabaw na sa akin si X at ng halikan niya ako ay tumugon ako sa halik niya.
Nagpaubaya ako dahil sa nakapabanayad niyang mga haplos at nadala na ako ng kapusukan ko.
Ang buong magdamag ay pinagsaluhan namin ay isa marahil sa pinakamagandang nangyari sa akin sa tanang buhay ko.
Pero ng muli akong magising kinabukasan ay hindi ko na nakita ang lalake at ang tanging iniwan niya ay isang kwintas na may initial na X na letra.
Napaiyak ako dahil pakiramdam ko ay nanaginip lang ako pero alam ko na hindi iyon panaginip dahil kinuha ng lalakeng iyon ang katawan ko at ang puso ko.