Chapter two

1820 Words
Nagulat ako ng hampasin ako ng kaibigan ko sa balikat dahil nakatulala na naman pala ako. Nagpapahinga lang kami ng ilang minuto sa trabaho. "Iniisip mo na naman yong lover mong engkanto." Natatawa na turan ni Marie kaya napaingos ako. "Kumusta na pala si Xion?" Tanong niya ulit kaya napabuntong hininga na lang ako. "Ayon bumaba na ang lagnat at naiwan ko na kay nanay." Sagot ko sa kanya kaya napatango na siya. Nilagnat kasi ang anak ko dahil naambunan noong isang araw sa labas dahil hindi agad napansin ni nanay na nakalabas na ito ng bahay. Napahawak ako sa kwintas na iniwan sa akin ni X ang lalakeng nakasama ko noon, ang lalakeng tinulungan ko at akala ko nga ay panaginip lang ang lahat pero hindi dahil nagbunga ang nangyari sa amin ng lalakeng iyon. Hindi makapaniwala si Marie ng sabihin ko iyon sa kanya dahil hindi ako natuloy magpa-Manila. Iyak ako ng iyak noon dahil hindi ko na nakita pa ang lalakeng nagpatibok ng puso ko sa sandaling panahon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang itong nawala na parang bula, pinagdududahan tuloy ako ng kaibigan ko kaya ito lagi ang pang-asar niya sa akin. Nagbunga ang nangyari sa amin at si Xion iyon kaya naman sobrang mahal na mahal ko ang anak ko, para nga siyang ama niya dahil kamukhang-kamukha nito. "Maaga kang mag-out para makauwi ka agad." Sabi ni Marie kaya napatingin ako dito. "Salamat Marie." Sabi ko sa kanya, saka na kami bumalik sa trabaho at naging maayos ang buong maghapon namin. Nagtatrabaho kami ni Marie dito sa isang hotel bilang isang room attendant at maganda naman ang sweldo namin. Medyo may problema nga lang dito sa trabaho dahil madalas kaming paginitan ng manager dito at ng ilang empleyado. Maraming guest na turista dahil malapit lang ito sa airport, at malapit rin ang tirahan namin kung saan kasama ko si nanay at ang anak. Si Marie ay kapitbahay lang namin. Tatlong taon na ang nakaraan pero marami ng nagbago sa mga buhay namin. Si nanay ay dito ko na pinatira para mag-alaga sa anak ko hindi man ako naka-graduate dahil nagkasakit ang anak ko ay naging maayos naman ang lahat. Ipagpapalit ko ang lahat na meron ako para anak ko kaya mas pinili kong mag-fulltime sa trabaho dahil ang pag-aaral ay nandyan lang naman. Hindi ko alam kung anong nangyari noon kay nanay dahil bigla itong naging mabait at humingi ng tawad sa akin ng paulit-ulit. Nakapangalan pala sa akin ang maliit namin na lupain na kinatatayuan ng bahay namin kaya ito ang malaking nakatulong sa pagpapagamot ko sa anak ko. Sobra ang pasasalamat ko noon sa tiyahin ni Marie at kay Marie mismo dahil hindi nila ako pinabayaan. Kahit nga si nanay ay mahal na mahal ang anak ko kaya nawala lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya. Pero ang kapatid ko ay hindi na nagbago kaya wala na kaming balita sa babaeng iyon hanggang ngayon. "Pauwi na ba kayo?" Napatingin kami ni Marie kay Joel na inaabangan pala kami kaya napahawak ng mahigpit sa akin si Marie. "Oo at nagmamadali kami." Si Marie ang sumagot dito pero ayaw niyang tumabi kaya medyo nainis ako. "Wala kaming balak makipag-patintero kaya pwede ba padaanin mo na lang kami." Seryoso ko na turan dito kaya nawala ang ngiti nito. "Isang gabi lang naman na inuman ayaw niyo pa." Medyo inis nito na turan kaya agad na kaming naglakas ni Marie. Nakakainis ang lalakeng ito dahil masyadong makulit hindi namin ito gusto dahil napabalita na naging ex nito ang manager namin. Masyado pa naman iyong marahas at mainit ang dugo ng babaeng iyon sa amin ni Marie. "May problema ba kayo rito?" Napatingin kami kay manong guard kaya agad na kaming umalis ni Marie. "Dapat magpalit na tayo ng trabaho Sap para mapanatag tayo." Sabi ni Marie habang naglalakad kami pauwi kaya napatango na lang ako. Maganda nga na lumipat kami kaya nagdesisyon na kami na magbigay ng ng letter of resignation. Natatakot na kasi ako sa ka-trabaho namin na iyon kaya maganda nga na lumipat na lang kami. "Sap tignan mo ito may vaccant job offer dito." Napatingin ako kay Marie ng ipakita niya sa akin ang nasa cellphone niya. Binasa ko ito at nangangailangan sila ng secretary at pareho pa kaming qualified ni Marie kaya natuwa ako. "Basta kung sino ang makapasa okay lang pero sana makuha tayo pareho." Sabi ni Marie kaya napangiti na lang ako. "Bili tayo ng hopia monggo pasalubong kay Xion." Sabi ni Marie kaya napatango ako at sigurado na matutuwa ang anak ko dahil paborito niya ito. Paguwi ko ay napangiti ako ng makita ko ang anak ko na agad na tumakbo sa akin para makayakap. "Mama ko." Turan niya na pinupog ako ng halik sa pisngi kaya napatawa ako, siya naman na paglabas ni nanay na galing sa kusina. "Nandito ka na pala anak." Nakangiti niya na turan saka ako nagmano sa kanya. "Nagluluto pala ako anak ng adobong atay ng manok ito na lang ang binili ko kanina." Sabi ni nanay kaya napangiti lang ako tumango. Napakalaki ng pinagbago ng aking ina hindi tulad ng dati na lagi itong galit at napagbubuhatan ako ng kama, ngayon ay napakaalaga pareho sa amin ng anak ko. "May pasalubong pala ako." Masaya ko na turan sa anak ko kaya tuwang-tuwa ito. Masaya kaming naghapunan at dumating si Marie para makikain kaya tuwang-tuwa na naman ang anak ko na parang hindi galing sa sakit. Kinabukasan ay maaga kaming lumakad ni Marie para idaan ang resignation letter namin at puntahan ang kumpanya na pag-aaplayan namin. Isang nakakainis na ngisi ang binigay sa amin ng manager namin at tuwang-tuwa pa ito ng malaman na pareho kaming aalis ni Marie. Naging madali lang ang pag-alis namin kaya hindi na kami nagtagal pa. Isang napakataas na building pala ang pag-aaplayan namin ni Marie, at isang napakalaking arko ang nasa harap nito. Ang pangalan mismo ng kumpanyang ito, XXX San Gabriel Corporation ang pangalan ng kumpanya. Marami rin palang aplikante at halos lahat ay magaganda kaya nakakainis ang standard ng kumpanyang ito. Medyo kinabahan lang ako dahil sa letra ng pangalan, X kaya nanginginig ako na napahawak kay Marie. "Bessy hindi porket may X yan eh may kinalaman na siya sa lover mo." Natatawa na turan ni Marie kaya iningusan ko lang siya. "Miss anong meron bakit ang daming aplikante?" Hindi na napigilan na tanong ni Marie sa isang babae, at halos lahat ng narito ay may mga kolorete sa mukha at ang sasagwa ng suot na para bang nag-aaplay sila sa isang bar. "Seryoso kayo na hindi niyo alam? Sekretarya lang naman ng dalawang CEO ang ina-applayan namin." Sagot nito kaya nagkatinginan kami ni Marie. "Seryoso ba sila?" Bulong na tanong ni Marie kaya napailing lang ako at napatingin sa paligid. Napakaganda ng lugar na ito at maaliwalas hindi pa rin maalis ang kaba na nararamdaman ko. "Twenty four and five apllicant please come inside." Nagkatinginan kami ni Marie at napatingin sa numero namin. "Ano wala ba kayo rito?" Tanong pa ng lalake kaya agad kaming tumayo ni Marie. At agad kaming sumunod dito pakiramdam ko ay nakatingin ang lahat ng tao rito kaya napahawak na lang ako ng mahigpit sa braso ni Marie. "Kayong dalawa lang ang pinakanormal na aplikante rito kaya pasado na kayo." Sabi ng lalake ng humarap siya sa amin walang tao dito sa silid na pinagdalhan niya sa amin kaya nagkatinginan kami ni Marie. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa lalake na matagal akong tinitigan at napangisi ito saka may kinuhang papel pero hindi ito sumagot sa tanong ko. "Ito ang mga kailangan niyong pag-aralan bago kayo magtrabaho sa boss ko." Sabi nito na hindi man lang nagpakilala sa amin at binigay na agad ang makapal na papeles sa amin ni Marie. "Pwede ba namin malaman muna ang pangalan mo Sir?" Tanong bigla ni Marie kaya natigil ito at tinignan kami pareho at napatawa ng malakas at napakamot sa ulo. "Oo nga pala ang bastos ko naman kung hindi ako magpapakilala." Sabi nito kaya tumayo ito at yumuko. "Ako si Akihiro Sanada, personal akong butler ni Mr. San Gabriel." Pakilala nito kaya pala mukha siyang hapon dahil pangalan pa lang hapones na. Gwapo ito at palangiti kaya nawawala ang mata niya sa tuwing tumatawa siya. "Ikaw si Marie Lopez at ikaw naman si Sapphire Flores." Sabi nito kaya napatango na lang kami pareho ni Marie. Nagulat ako ng may pumasok sa isang connecting door at tumambad sa amin ang isang lalake na naka salamin. "Sila ba ang aplikante natin?" Tanong agad nito na hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "Oo Xavier sila na nga sila lang ang matinong tignan eh." Sabi ni Akihiro dito. "Your Marie right, you will be my secretary from now on, and you will be the secretary of my brother." Sabi nito sa seryoso na boses, ngayon ko lang napansin na napakagwapo na lalake ang nasa harap namin ni Marie na kahit ang kaibigan ko ay natulala sa lalake. "Ihatid mo na siya sa opisina ni Xerxes." Utos nito kay Akihiro na pinasunod ako agad dito. "Magkita tayo mamaya Sap." Sabi ni Marie kaya napatango ako sa kanya. Sumunod ako agad sa lalake at sumakay kami ng elevator at pumasok sa isang opisina, pagbungad ko pa lang ay naamoy ko agad ang amoy ng isang lalake at itim at puti ang motif ng buong silid. Sa gitna ang lamesa at may nakatayong lalake sa may bintana, hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. "Xerxes nandito na pala ang bago mong sekretarya." Sabi ni Akihiro kaya humarap ang lakake sa amin at para akong napako sa kinatatayuan ko ng makilala ko ang mukha ng lalake. "X..." Bulong ko at nanginginig akong nakatingin dito. "Miss okay ka lang?" Nagtataka na tanong sa akin ni Akihiro. "Iwan mo na kami Akihiro." Seryoso na turan nito kay Akihiro kaya agad na itong lumabas ng silid at naiwan kaming dalawa lang ng magiging amo ko. Sa tagal na panahon na hindi ko nakalimutan man lang ang mukha nito pero ngayon nagbalik ang nakaraan sa akin at hindi ako makapaniwala na muli ko siyang makakaharap. "Do i know you Miss?" Tanong nito na nasa malapit na pala siya sa akin. Kaya napatingala siya sa akin kaya lalo akong nakaramdam ng kaba. "I have one rule, Miss Flores. Do not fall in love with me." Seryoso na turan nito kaya napatingin ako sa kanya. "Nandito po ako para magtrabaho." Mahina kong sagot sa kanya. "Good then, why are you crying?" Napahawak ako sa pisngi ko at nagulat ako na umiiyak pala ako. Umiiyak ako dahil masakit dahil hindi na niya ako nakikilala samantalang magdamag niya akong tinitigan noon at nangako na hindi niya kailanman makakalimutan ang mukha ko. At ang malala ay magiging boss ko pa siya at mukhang magiging mahirap ang araw-araw na makakasama ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD